"Huy," siko ni Russel kay Karl. Pabalik na sila ng common room nang mapansin nitong may nakaabang na estudyante sa kanila sa bukana ng kitchens. Red robes. Gryffindor. Si Vlad.
"Anong ginagawa niyan diyan?" tanong ni Karl, rhetorical. Nag-shrug si Russel.
"Hi," bati ni Vlad nang makalapit ang dalawa. Una siyang kumaway kay Russel. "Nice game pala."
Tumango lang si Russel, may kaunting ngiti, bago tinapik si Karl. "Una na ako."
"Uy, wait—"
Pero agad na pumasok sa loob si Russel, iniwan si Karl mag-isa.
"Inis ka ulit?" simula ni Vlad.
Hindi sumagot si Karl. Umiiwas din siya ng tingin.
"Grabe 'to, it's just a game!"
"Whatever."
"Inis ka ba o galit?"
"Ewan ko!" Halatang irita na si Karl. "Saka bakit mo ba ako kinakausap ngayon? 'Di ba dapat nasa common room ka na rin?"
May pag-pout si Vlad na naging isang malaking ngiti rin. "Gusto lang naman kita makita. Bawal ba?"
"Ay wow, bakit, jowa ba kita?"
Nag-shrug si Vlad, sinundan ng pag-cross ng arms sa dibdib. "Pwede mo naman akong jowain. What's stopping you?"
Lalong bumigat ang pagkakakunot ng noo ni Karl, nakabuka ang bibig, tila may gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano at saan magsisimula.
"O, ano, bakit wala kang masabi?"
"V-Vlad." Saglit na pumikit si Karl, isang buntong hininga. "Tigilan mo ako kung hindi babawasan ko house points niyo."
"Wow, suddenly pulling the prefect card a?"
"Isa."
"Sorry na!"
Wala namang kaseryosohan 'yung pag-sorry ni Vlad dahil nakangisi pa ito, na lalo lang nagpa-irita kay Karl.
"So, wala lang mang comment? I did well naman kanina, 'di ba?"
"Kada game, may pag-fish ng compliment?"
"Sige na, gusto ko lang ng validation."
Hingang malalim. "Fine. Sige na. Magaling ka kanina. Obviously, kasi talo kami. Okay na?"
"Bakit parang pilit?"
"Jusko, Vlad. Natalo kami. Bawal bang maging bitter for a second?"
"Fair enough." Ngumiti si Vlad at tinapik sa balikat si Karl. "Alright. Balik na ako sa dorm."
"Five minutes na lang, curfew na," sabi ni Karl, nakatingin sa relos niya. "Dalian mo, babawasan talaga kita ng points!"
Nakangising tumakbo si Vlad palayo, sumusulyap sa prefect na nakasimangot pa rin sa kaniya.
"Hay. Irita."
5th year. September. First week.
"So," simula ni Sue pagdating niya sa Great Hall, katabi ni Vlad na nasa kalagitnaan na ng almusal, "kilala mo na mga bagong prefect?"
"You?"
"I wish."
"Okay."
Sobrang nonchalant ng sagot ni Vlad. Sa totoo lang naman kasi, wala siya masyadong paki (maliban sa sarili niyang house). Kaka-pili lang sa kaniyang maging captain ng Gryffindor Quidditch team so may sarili na siyang iniisip, but Sue insists na alamin niya dahil siyempre, panibagong mga tao itong dapat nilang pagpakabaitan kung ayaw nilang mabawasan ang house points nila.
BINABASA MO ANG
Matagal Nang Sinusundan, Hindi Maiwasan
FanfictionMahigit isang taon nang nagpapapansin si Vlad, ang Quidditch team captain ng Gryffindor, kay Karl, isa sa mga prefects ng Hufflepuff, pero wala pang nangyayari maliban sa halos walang tigil na pagpapahiwatig lang. Kahit ganoon man, hindi pa rin tumi...