6th Year. March. Fourth Week.
"Go Russel!" sigaw ni Karl habang ang katabi niyang si Simone, tumitili, halos malat na. Hawak na ni Russel ang Quaffle at malayo ang Gryffindor Keeper, kaya nang binato niya ito, saktong pasok ito sa gitnang goal post. Agad na naghiyawan ang mga Hufflepuff.
"Shit, tatlo na lang," ani Karl kay Simone na wala nang boses kahit nakabuka ang bibig. Thirty points away na lang ang Hufflepuff para ma-tie ang game with Gryffindor, ang pinakamalaki nilang rival house ngayong taon.
Biglang nag-ring ang bell na sinundan ng sigawan ng mga Gryffindor. Umangat ng ten points ang lamang nila."Sino? Sino?" tanong ni Karl. Hindi niya nahuli kung sinong Chaser ang naka-score.
"Si Vlad," sagot ni Simone, halos walang boses.
Punyeta. Bumuntong hininga si Karl. Of course, of course. Gryffindor Chaser at team captain, at mukhang in the zone siya dahil sunod-sunod bigla ang pag-score niya — four goals in a row. Halimaw. Napailing na lang si Karl, may kasamang pagkunot ng noo. Bane of Hufflepuff's Quidditch Cup dreams talaga.
Tutok pa ang atensyon ni Karl sa pag-cheer sa kanilang mga Chaser nang biglang lumakas ang sigawan ng lahat. Mukhang nakita na ng Seeker nila 'yung Snitch. Puta. Mabilis na nag-compute sa utak si Karl. 'Wag lang nilang paabutin ng additional na apat na scores ang Gryffindor, at makuha lang nila ang Snitch, mabubuhay sila.
Pero siyempre, hindi lang naman si Karl ang mabilis ang math. Halos hindi makita ang Seekers ng parehong team sa bilis ng lipad nila habang patuloy naman sa agawan ng Quaffle ang mga Chasers. Todo depensa na ang mga Keepers. Unang crucial score: Hufflepuff. Mabilis namang nakabawi ang Gryffindor, dalawa agad, isa rito kay Vlad pa. Ulit.
Masyado nang mahaba ang gabe, at halata nang tinatamaan na ng pagod ang Hufflepuff. Kung kanina, nagagawa pang maka-dalawang magkasunod na score si Russel, ngayon, paisa-isa na lang ito. Pero iba ang Gryffindor, lalo na 'tong team captain nila. Habang mas tumatagal, parang lalo lang silang nabubuhayan. Apat agad ang naidagdag nila sa score nila. At this point, apat na goals pa at tie na sila kahit makuha pa ng Hufflepuff ang Snitch.
Humingang malalim si Karl, tipong bubuwelo. Kumapit siya nang mahigpit sa railing at sumigaw, "Russel! Kaya mo 'yan! Kahit isang dagdag na score lang!"
Surprisingly, narinig ni Russel ang pag-cheer ni Karl. Tumingin ito sa direksyon niya at ngumiti sabay bigay ng thumbs up bago bumalik sa laro. Pero hindi lang pala si Russel ang nakarinig sa kaniya.
Zoom. Mabilis na naagaw ni Vlad mid-air ang Quaffle na binato ng isang Hufflepuff Chaser para kay Russel. Caught off guard ang Keepers. Score.
Then score ulit. Pagkatapos isa pa. Hindi nakatulong na natamaan ng Bludger ang isa sa mga Hufflepuff Chasers at bumagsak ito sa grounds. Napakamalas ng araw na 'to.
Naka-score uli si Vlad na agad sinundan ng isang mahabang pagpito. Sobrang haba. Isa lang ang ibig-sabihin nito: nakuha na ang Snitch. Biglang nag-zoom sa harap nila Karl ang Seeker nila, hawak-hawak ang Snitch, at mabilis ang sigawan ng mga Hufflepuff. Nanalo ba sila? Dapat ay nanalo sila?
Pero bakit sumisigaw rin ang mga Gryffindor kung hindi naman nila hawak ang Snitch? Biglang in-announce ang score: 310-300. Ang tanong na lang ay kung kaninong lamang.
"Gryffindor wins!" sigaw ng commentator.
Tumigil ang sigawan ng Hufflepuff. "Pakshet naman o!" iritang sigaw ni Karl sabay hampas sa railings. Narinig niya ang malakas na buntong hininga ni Simone. Dahil wala pa rin itong boses kakasigaw, tinapik-tapik na lang niya si Karl sa likod as if saying, "Okay lang 'yan. It's just a game. Bawi na lang uli next year"
It's just a game. Oo nga, pero kasi competitive si Karl. At gusto niyang manalo uli sa House Cup. At kahit isang beses lang man, makita niyang matalo ang Gryffindor. Masyadong imba, nakakairita.
Tumingin siya sa area ng pitch kung nasaan ang Gryffindor team. Sa gitna ng mga nagsasayang players, halata ang isang nakatingin sa direksyon niya: si Vlad, nakangiti. Nag-thumbs up ito sa kaniya.
Tss. Irap. Talikod. 'Wag ngayon, bitter siya.
BINABASA MO ANG
Matagal Nang Sinusundan, Hindi Maiwasan
FanficMahigit isang taon nang nagpapapansin si Vlad, ang Quidditch team captain ng Gryffindor, kay Karl, isa sa mga prefects ng Hufflepuff, pero wala pang nangyayari maliban sa halos walang tigil na pagpapahiwatig lang. Kahit ganoon man, hindi pa rin tumi...