Chapter 7

137 11 5
                                    

Bff"" samahan mo na ko sa aplaya. Kailangan kung manguha ng mga materyales para sa gagawin kong palamuti sa bahay. Alam mo namang ikaw sa ating dalawa ang magaling kumilatis ng mga batong dagat"

Dahil ikaw lang naman ang nag iisang dyosang manikang serina dito sa ating  probinsya"!

Sabay halakhak nito ng malakas na animo kinikiliti" maaga itong nag tungo sa bahay namin para ayain ako sa tabing aplaya upang manguha ng mga shells na ginagamit nitong pang dekorasyon sa mga ginagawang palamuti" gaya ng kwentas" pulseras at mga pang dekorasyon sa bahay" binibinta ito ni kikay sa bayan at ang kanyang kinikita ay nakakatulong sa kanyang mga magulang.

Ano bff.. mag ayos ka na ng maka lakad na tayo. Makikikain na din ako ng agahan naubusan na din kami ng bigas. Yung natitira ko namang naipon naubus na din. Naipambili na ng inang ng bigas nong nakaraan.

Nakadama ako ng awa sa aking kaibigan matapos nyang sabihin yun. Gusto ko man tumulong pero gaya ng kaibigan ko kapos din kami.

Mga anak" hali na kayo at ng makakain ng agahan.

Tawag ni inang mula sa kusina.
Sabay sabay na kaming nag agahan. Matapos yun. Sinamahan ko na si kikay sa tabing aplaya. Kalma na rin ang karagatan matapos ang isang gabeng unos. Medyo makulimlim na lamang ang kalangitan. Ng makarating kami sa dalampasigan medyo may kalayuan na ito sa kabahayan. Minsan nag tutungo kami ni kikay dito upang maligo. Hilig ko din ang mag babad sa malinaw at malinis naming dagat. Puting puting buhangin at pino.

Minsan gusto kung maranasan ang kulay ng kaibigan ko. Pero kahit anong babad ko sa tubig dagat oh bilad sa init ng araw. Nanatiling ganun pa rin ang kulay ng balat ko.

Medyo makalat ang buhanginan ngayon dahil sa mga kung ano anong bagay ang nadala ng alon sa dalampasigan. May mga katawan ng niyog ang nag kalat. Ang iba ay mga basura marahil galing sa kabilang isla..

Bff. Ang dami dito oh' turo ni kikay sa mga shell na nag kalat. Nag simula na kaming mag pulot. Kanya kanya kami ng lagayan. Para mas makarami kami ng makuliktang shell kahit ito na lang ang maging tulong ko sa matalik kung kaibigan. Marami kung nakita at nakukuhang magagandang shell. Hanggang mapagawi ako sa kabilang pampang.""

Ganun na lamang ang takot ko sa aking katawan ng maka kita ako ng isang katawan ng tao. Na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.. nag dadalawang isip ako kung tatakbo ba ako. Oh lalapitan ko ang taong ngayon ay nakadapa sa buhangin. Gustohin ko man tumakbo pero parang may sariling isip ang mga paa ko. Naglakad ako ng dahan dahan patungo sa taong iyon na sa tingin ko ay hindi na humihinga. Oh marahil patay na ito.

Ng makalapit ako dito. Ibinaba ko ang dala kong sisidlan ng shell sa aking gilid. Dahan dahan ang paglapit ng aking kamay sa kanyang malapad na likuran. Bahagya ko itong tinapik at tinawag.

Mr"" mr"" sabay bahagyang yugyug. Naka harap ang mukha nito pakaliwa. At hindi ko din magawang tingnan ang kanyang mukha dahil sa dugong naka mantsa dito. Labis ang kilabot na naramdaman ko ng makitang dumadaloy ang dugo mula sa ulo nito...

Mr"" gising"" hintakot na tawag ko. Naalala ko si kikay. Tumayo ako at tumakbo patungo sa kanya..

Kikay!!! Kikay!!!! Kikay!!! Malakas na tawag ko sa kanya. Halos madapa na ako sa labis na pag takbo.. agad naman nakuha ko ang atensyon nya. Lumingon ito sa akin at may pag tataka sa kanyang mukha"

Ano bang nangyari sau bff! Para ka namang hinahabol ng kalabaw. Tsaka bakit ka ba tawag ng tawag tinatakot mo ko.. ano napuno mo na ba ang basket na dala mo?. Anito ng maka lapit ako sa kanya..

Kikay"" ano' ano' may " may" hindi ko maituloy ang sasabihin ko sa kanya. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Marahil dahil ito sa ginawa kung pag takbo. Sabayan pa ng malakas na kalabog ng aking dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Porcelain loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon