PROLOGUE

11 5 1
                                    

Nagmasid sa bintana si Xianoia upang tanawin ang kaibigan na si Zaicker.

"Psstt", sitsit ni Xianoia Kay Zaicker

Lumingon si Zaicker habang nagsiswing na tila malungkot ang mukha. Sinamahan ni Xianoia ang kaibigan na mag swing.

"Bakit ka malungkot Zai?", malungkot niyang tanong.

”Tatlong araw nalang, tapos na yung bakasyon, sabi ni mama babalik na daw kami ng bansa.", nakayukong sagot niya.

"Nakakalungkot naman. Pero okay lang yun, alam ko na magkikita pa rin tayo.", nakangiting sabi ni Xianoia.

"Chammy!", sigaw ng mama ni Xianoia.

(Xianoia's nickname was Chammy because of her idol BTS Jimin Chimmy.)

"Opo! Nandiyan na!", tugon ni Chammy sa mama niya.

"Babye muna ah", nakangiting paalam niya.

Tumango na lamang si Zai

[Kinagabihan]

"Pupunta kami sa bahay ng lolo ko kase birthday niya, babalik din kami bago kayo makaalis.", Chammy said.

"Balik din kayo ha, baka matagal pa bago ako makabalik dito kaya gusto kita makita bago umalis.", malungkot na sabi ni Zai.

Kinaumagahan ay umalis na ang pamilya ni Chammy.

Sa araw ng pag-alis nila Zaicker, hinihintay niyang dumating ang kaibigan.

"Son, wala pa ba siya?, malalate na tayo.", sabi ng mommy ni Zaicker.

Tila hindi narinig ni Zai ang sinabi ng mommy niya at ang isip niya ay nakatuon sa pagbalik ni Chammy.

"We don't have enough time, let's go", his mom said.

Pasakay na sana sila sa taxi nang...

"Zai!", sigaw ni Chammy.

Lumingon sila at bumalik ang ngiti sa labi ni Zai. Niyakap niya ito.

"Huwag mo akong kalilimutan ha. Babye", malungkot na paalala ni Chammy.

"Ako din, wag mong nakalimutan. Babye", pamamaalam ni Zai habang pasakay na ng taxi.

Tuluyan na silang nakalayo at nawala na ang ngiti ni Chammy.

HOUSEMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon