"Ate, mag-uumpisa na!", sabik na sigaw ni Carrie.
(Si Carrie ay nakababatang kapatid ni Chammy)
Inihinto ni Chammy ang paghuhugas at dali-daling nanood ng telebisyon.
"Ang cute talaga ni Zymone lalo na pag sumasayaw.", kinikilig si Carrie habang nakahawak ang dalawang kamay sa pisngi.
"Huh?!, mas cute si Zaicker!", sigaw ni Chammy.
"Zymone", pakikipagtalo ni Carrie.
"Zaicker!", pinaglalaban ni Chammy.
"Ano ba! Ang iingay niyo. Tapusin niyo na yan. Kakain na tayo.", awat ng kanilang inang si Celine.
Matapos panoodin ang MV ng mga iniidolo ay naghanda na sila sa hapag-kainan.
"Siya nga pala, nakausap ko sa call si Shanine. Total bakasyon naman daw at alam niyang gusto mong mag-aral sa Seoul. Kung papayag ka raw ba, tutulungan mo lang si Zaicker sa bahay, aasikasuhin mo lang. Siya na daw bahala sa iyo, tutulungan ka niya.", kuwento ni aling Celine.
"Huh! Ma! Totoo? Whaaaaaaaa!", galak na galak na tugon niya.
"Kumain ka muna, buksan mo Instagram mo mamaya. Nag message daw siya.", sabi ni aling Celine.
"Sige ma.", nakangiti niyang tugon.
"Ma, ako?", naiinggit na tanong ni Carrie.
"Huwag ka ng umasa. Kain na", masungit na tugon niya.
Nakangiti si Chammy at dinilaan ang kapatid na babae habang malungkot ito.
Matapos ang tanghalian ay agad-agad pumasok sa kuwarto si Chammy at kinuha ang kaniyang cellphone. Binuksan niya ang kaniyang Instagram account at nabasa ang message ng mommy ni Zaicker na si Shanine.
Ito ang kanilang pag-uusap online.
Shanine: Hi Xianioa, how are you, I want to ask you if gusto mong maging maid ni Zaicker, madali lang naman ang trabaho, kinausap ko na ang mama mo, do you want?
Chammy: Yes na yes tita. Makikita ko na ulit siya! I'm so excited.
Shanine: Great, just prefer. Asikasuhin mo ang passport mo at mga gamit mo. See you. I'll chat you
tommorow.Chammy: Okay po. Bye.
Binitawan na niya ang cell phone at Hindi parin maka get over.
[After a week]
{Airport}
"Mag-iingat ka anak ha, ma mimiss ka namin.", paalala ni Aling Celine.
"Nakakainggit si ate", sabat ni Carrie.
"Chammy, pasalubong ko ha.", sabat naman ni Vinz.
Si Vinz ay nakatatandang kapatid nina Chammy at Carrie.
"Matagal pa yun. Babye sa inyo.", pamamaalam niya.
Tuluyan ng sumakay ng eroplano si Chammy. Nang makarating sa Seoul ay ipinasundo siya sa driver at Hinatid sa bahay ni Zaicker.
"Wow! Ang laki naman nito", hangang sabi niya.
"Hoy!", sigaw ni Zai.
"Wahhh!", gulat na sigaw ni Chammy.
"Zaicker!", sigaw niya, lumapit siya at niyakap si Zai.
Sa mukha ni Zaicker ay makikitang Hindi ito komportable. Bumitaw na sa pagkakayakap si Chammy.
"Bakit? Hindi ka ba masayang makita ako ulit?", nagtatakang tanong niya.
"Malaki na tayo, sana naman maging matured ka na.", masungit na sabi ni Zai sabay akyat sa kuwarto.
"Bakit ganun siya?", tanong niya sa sarili.
Cringg!! Cringgg!!
(On Call)
Shanine: Hello?
Chammy: Hello po tita. Nandito na po ako.
Shanine: Nice. Remind lang kita, kayo lang naman ang tao jan kaya kunti lang Gawain mo. Basta alagaan mo lang si Zai. Thank you so much Xianoia.
"Huh? Sa laki nito, kami lang?", tanong niya sa sarili
Shanine: Xianoia?
Chammy: Ah, yes tita, I will do my best. Thank you.
Shanine: Okay, I have an appointment, see you soon.
(Call ended)
Nag-umpisa na siyang maglinis ng bahay.
"Hyung!", sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng bahay.
"Huh? Who's that?", tanong ni Chammy sa sarili.
BINABASA MO ANG
HOUSEMATE
RomanceNakuha ko ang istoryang ito mula sa aking panaginip, dinagdagan ko na lamang ito at pinahaba. Ito ay kuwento ng isang babaeng may kababata, ngunit nagkawalay rin. Ang kaniyang kababatang lalaki ay naging K-pop Idol sa bansang Korea. Basahin niyo at...