"Pinapaalala ni Miss Monica na huwag mo raw kakalimutang sunduin ang mga bisita, Emman. Dapat daw ay naroon na kayo isang oras bago mag ala-onse." Inilapag niya panandali ang hawak na journal sa mesang nasa gitna ng common area habang isinusuot ang itim na sapatos. Sinipat niya ang relong pambisig. Pitong minuto bago mag alas otso ng umaga. Dumaan lamang sya panandalı sa common area upang kunin ang sapatos na di sinasadyang naiwan niya sa silid ng madali syang ipatawag ni miss Monica kagabi bago siya tuluyang umuwi mula sa maghapong pagaasikaso ng schedule nito. Kahapon ay ang opisyal na simula ng pagiging EA niya subalit noong nakaraang araw pa nagsimula ang OJT niya. Sa unang araw niya ay ipinaliwanag lamang ni miss Monica kung ano ang magiging trabaho niya para rito. Sa una ay nagugulumihanan siya ngunit agad na nagpaliwanag si miss Monica. Ayon dito ay medyo sensitibo ang magiging trabaho ng Executive Assistant nito kaya nais nitong kilala na nito ang gaganap sa posisyong iyon. At kagabi nga ay mukhang nakukuha na niya ang nais nitong ipahiwatig. May pakiramdam siyang napaka kumplikado ng sitwasyon sa ngayon, kung bakit ay di pa niya alam. Pinutol niya ang isipin at muling sinulyapan si Emman. Tango lamang ang isinagot sa kanya saka tahimik na tumayo at lumabas ng silid na laan para sa mga staff ng resort na stay-in at nagsisilbi ring locker room ng iba pang staff. Nagtataka siya sa ikinikilos ng lalaki. Mula pa ng nagdaang gabi ng ipagbigay alam ni miss Monica na darating ang isang mister David Strome ay napansin niyang nag iba ang ikinilos ni Emman at kung hindi siya nagkakamali ay lalong higit ang naging kakaiba ang kilos ni miss Monica at ni sir Samuel. Ilang araw na niyang napapansin na balisa si miss Monica at si sir Samuel naman ay tila laging mainit ang ulo bagama't pinipilit nitong maging kalmante sa harap ng mga nakakasalamuha. Palabas na sya ng silid ng tumunog ang teleponong hawak niya.
"Ma'am?" Si miss Monica ang tumatawag.
"Nakaalis na po si Emman, ma'am. Opo. Nasabi ko po. Sige po. Pabalik na po ako ng opisina ninyo, ma'am." Agad niyang tinunton ang daan palabas ng silid ng tapusin ni miss Monica ang tawag. Dali dali siyang humakbang palabas ng matantong hindi pa niya maayos na naisusuot ang sapatos na may tatlong pulganda ang taas ng takong. Nasa ikatlong palapag ang opisina ng amo at kasalukuyang nasa unang palapag siya. Bagamat may elevator ay pinili niya ang hagdan dahil mas malapit ito sa silid na pinanggalingan niya at isa pa, ang opisina ni miss Monica ay nasa gawing norte ng wing ng resort habang ang elevator ay mas na nasa hilaga kung kaya higit na praktikal ang paggamit ng hagdan na nasa gawing norte na. Ito rin ang talagang ginagamit ng mga staff tuwing aakyat ang mga ito sa ikalawang palapag. Huminto siya saglit upang yumuko at tuluyang ayusin ang pagkakasuot ng sapatos kung kaya di niya napansin ang dalawang bultong noon ay nagmamadaling tinatahak ang hagdan pababa ng unang palapag. Nang masigurong maayos na ang suot na sapatos ay tumayo siya at saka inayos naman ang blusa at suot na coat. Nasa anyong pinapagpag niya ang manggas ng kamiseta ng matantong naiwan niya ang journal sa silid. Sa isip ay kinastigo niya ang sarili. Kung kelan nagmamadali na siya ay saka naman nawala są isip niya ang journal. Muli siyang pumihit pabalik sa silid at walang pag-aalinlangang itinulak pabukas ang pinto para lamang magulantang sa nabungarang tagpo. Sa pandalawahang sofa ay di magkamayaw ang dalawang bulto sa paguunahang magtangal ng mga saplot. Ang babae ay nasa kandungan ng lalaki at nakahantad sa kanyang paningin ang likuran nito. Habang ang lalaki ay nahihinuha niyang wala ng pang itaas na damit. Bagamat duda siya kung alam ba ng dalawang estrangherong bultong ito na nasa bungad sya ng pinto ay hindi niya mapigil ang pamulahan ng mukha kung dahil sa init ng panahon o sa naaktuhang tagpo ay di niya alam. Maaaring sa parehong dahilan. Paano ba siya napunta sa sitwasyong ito? Sa tanong na iyon ay naalala niya ang pakay. Ipinilig niya ang ulo bago mabilis na kumilos. Sa malalaking hakbang ay tinunton niya ang mesa at hinablot ang journal bago dali daling lumabas ng silid. Nakakailang hakbang na siya ng matantong naiwan niyang nakabukas ang pinto at ewan ngunit awtomatikong bumalik ang katawan niya para isara ito ngunit iyon ang naging pagkakamali niya. Mano'y sa pagdukwang niya sa seradura ng pinto ay sya ring paglihis ng ulo ng lalaki na ngayon ay nakatitig na sa mukha niya. Ang lalaki sa bangka! Tila siya itinulos sa kinatatayuan at bago pa makapag-isip ng tamang kilos ay nagtatatakbo sya patungong elevator at saka nagmamadaling pinindot ang close button. Nasa loob na sya ng elevator ngunit di pa rin nawala ang panghihina ng mga tuhod niya. Pilit niyang kınalma ang sarili. Anong nangyayari at umakto syang tila sya isang dalagitang ngayon pa lang nakakita ng dalawang labing magkahugpong? Sa eskwela ay normal na niyang nakikita ang mga magnobyong kamagaral na naghahalikan sa hallway. Gayon din naman ang mga kapatid na hindi nag aalinlangang ipakita ang affection sa mga nobya ng mga ito. Maging ang kaibigan niyang si Lucille at ang nobyo nito. Hindi naman na bago sa kanya ang ganoong tagpo sa resort dahil may mga bisitang lantaran kung magpakita ng atraksyon sa isa't isa kung kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito sya dahil sa tagpong nabungaran kanina? O marahil ay dahil sa katotohanang hindi lamang labi ang magkahugpong sa tagpong nabungaran niya kanikanina lang. Hindi niya mapigil ang pananayo ng balahibo sa kanyang batok sa pagkaalala sa mga tagpong iyon. Nasapo niya ang dibdib. Ang bilis ng pintig ng puso niya. Pakiramdam niya ay pinanlalamigan siya at kinakapos ng hininga. Ano ka ba, Erah. Anong nangyayari sayo? Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. Inhale, exhale. Pinaalalahanan niya ang sarili. Isa pa muling hingang malalim. Kasabay ng pagpapakawala ng hiningang iyon ay sya ring pagbukas ng pinto ng elevator. Hindi sya dapat magpaapekto sa nakita. Wala lamang iyon. Isa pa ay natitiyak niyang ni hindi man nga lang sya marahil namukhaan ng lalaki. Tiyak niyang wala naman talaga sa mukha niya ang atensyon nito habang sa tingin niya ay nakatitig ito sa kanya. Malamang ay sa kung anong-ahhhh.... Kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo, Erah! Noon din ay itinanim niya sa isip na hindi sya dapat nakakadama ng pagkapahiya. Hindi naman siya ang gumawa ng ganoong bagay at nahuli sa di kaaya-ayang tagpo. Isa pa, sa tingin niya ay wala namang pake ang lalaking iyon kung saka-sakali man. Sanay na itong tiyak sa mga ganooong tagpo at hindi na bago ang naaaktuhan ito sa isang di kaaya-ayang sitwasyon. Kung tama sya ng pagkakarinig, napakayaman ng lalaking ito at wala ng ginawa kundi ang magliwaliw at magpasasa sa yaman ng mga magulang! Teka, ano ba Erah, kailan ka pa naging mapanghusga? Naiiling na isinantabi na niya ang isipin. Muli niyang sinigurong maayos ang kabuuan bago tuluyan ng lumabas ng lift. Hindi siya maaaring magpaapekto sa nagyari. Kinakailangan niyang ituon ang buong atensyon sa responsibilidad na nakaatang sa kanya bilang Executive Assistant ni miss Monica, lalo na kapag nasa loob siya ng resort at nasa trabaho.
![](https://img.wattpad.com/cover/222293781-288-k774472.jpg)
BINABASA MO ANG
Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)
FanfictionHanggang saan ang kayang malimutan ng isipan, kung ang puso ay nagbibigay puwang sa nakaraan? Hanggang saan ang kayang alalahanin ng puso? Magagawa nga bang punan ang piraso ng nawalang nakaraan kung puso ang pagbibigyan? Paano masisigurong tama...