Simula

20 10 0
                                    

Ano nga ba ang kulang?


Yan ang isa sa mga tanong na hindi ko masagot sagot dahil pakiramdam ko kahit anong gawin ko ay palagi nalang ito hindi nagiging sapat.


Ilang oras na akong nakahiga at nakatingin sa aming kisame pero hindi parin talaga ako dinadalaw ng antok kaya tumayo nalang ako at sinuot ang aking silk robe. Tinignan ko saglit ang phone ko at pasado alas kwatro na pala ng umaga.


I went downstairs para sana uminom ng tubig. Napabuntong hininga nalang ako, its almost a year since kinasal kami. Pero pakiramdam ko kahit kailan hindi ko naging asawa si Felix. And besides it was all my fault. I was too desperate that time to escape and because of that selfish decision, I've chained Felix to the life he never wanted.


Ilang saglit pa ay narinig ko na ang tunog ng makina ng sasakyan ni Felix na isang palatandaan na nakauwi na siya. I fix myself and smile when he entered the house. Lumapit kaagad ako sa kanya para sana tulungan siya sa pagdadala ng kanyang gamit pero tinabig niya lamang ang aking kamay.


"How was your day?" but there was no response.


Tinanggal niya ang kanyang coat at ang kanyang necktie kaya napatingin ako sa stain sa kanyang damit. Napangiti nalang ako ng mapait. He was with Stacey all along. She's everything to him, kung hindi kami kinasal sila sana ang magkakatuluyan.


"Do you want me to prepare your breakfast? Or maybe coffee? Can you wait for awhile-" hindi ko na matapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.


"Don't bother anymore. Masasayang lang yan." napatingin lang ako sa kanya. Kahit palagi ko yun naririnig sa kanya, bakit ba palagi pa rin akong nasasaktan?


"Lalabas kami mamaya ni Stacey so don't wait for me anymore."


"But we're supposed to celebrate my-"


Napahinto naman ako sa sasabihin ko nang hinarap niya ako and giving me a look like he doesn't care at all. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay.


"Have a lunch with me then. Kahit yun lang Felix, kung ayaw mo sa luto ko then we can book a reservation in a restaurant you want." I asked him as if I am begging him the most impossible thing.


"Damn it Adelhia! You know I have an important meeting this-"


"Mas importante ba yun kaysa sa akin?" hindi ko na mapigilan na sabihin yun sa kanya.


"Itatanong mo ba talaga yan?-"


"Bakit pati ba yun wala rin akong karapatan?!"


"You never had a role in my life Adelhia, not even once. Iyan diba ang gusto mong marinig diba?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tuluyan nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.


"You knew all along na pinutol ko na ang lahat simula nang itinuloy mo ang kasal kahit alam mo na may iba akong mahal! Hindi mo ako pinakinggan Adelhia, paulit-ulit ako nagmakaawa. I begged so hard para maintindihan mo pero talagang matigas ka."

Kita na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon