Nagising ako sa tunog aking cellphone, napabalikwas ako ng bangon at napapikit dahil sa liwanag. Ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyari? Inabot ko ang nagri-ring pa rin na cellphone ko at inilagay sa aking tenga
"ROSE! ASAN KA BA?"
Malakas na sigaw ni Lezy kaya na ilayo ko ang phone sa aking tenga, napatingin ako sa orasan at napansing wala iyon sa dati niyang lalagyanan, napatingin ako sa kwarto at napansing hindi akin ito, muli kong nilagay ang cellphone sa aking tenga
"Rose? Rose?! Andyan ka pa ba?!"
"Lezy...hindi ko alam kung nasaan ako.Hindi ako pamilyar sa lugar!"
Pabulong kong sabi sa kanya at nagpapanic. Napatingin ako sa oras sa aking phone at nakitang quarter to 1pm na. Shit! Yung klase ko!
"Anong hindi mo alam?! Ano bang nangyari sa inyo kagabi! Pati si Jon wala din! Magkasama ba kayo ngayon?"
"Hindi ko talaga alam Lezy! Si Jon? Huling naalala ko ay inihatid ko siya sa condo niya, pagkatapos umuwi na ako"
Napatingin ako sa pinto ng may marinig akong mga yabag.
"Rose, listen kumuha ka ng kahit ano diyan to protect yourself. Sabi mo nasa kwarto ka diba? May bintana ba diyan? Maghanap ka ng kahit anong landmarks! Magtago ka sa likod ng pintuan, at kapag may pumasok hampasin mo sa ulo at tumakbo ka na palabas! Ire-report ka na namin sa pulis, okay?"
Hindi ako nakasagot kay Lezy dahil napatanga nalang ako ng bumukas ang pintuan at ilabas noon ang lalaking may itim na misteryosong mata. Pinagmasdan ako nito at para bang takot lumapit.
"You're awake" wika niya at narinig ko muli ang boses ni Lezy sa kabilang linya
"Rose! Ano ba?! Sumagot ka naman! Kinakabahan na ako sayo dito!"
Naalala ko na ang nangyari kagabi, ang mga lasing, ang pagligtas niya sa akin, ang tila pagkislap ng mga mata niya, at misteryosong ungol.
"Uhm, looks like your friend is really worried, you can answer her first because it looks like she might pass-out if you don't answer her. I'm just gonna wait for you downstairs"
Sabi niya at walang anoa no ay muling isinara ang pinto. Nang lumabas siya doon palang ako nakahinga ng maluwag di ko namalayan na pinipigilan ko na pala ito kanina.
"ROSE!!!" sigaw ni Lezy
"I'm sorry Lezy! Alam ko na kung nasaan ako, don't worry I'm okay. Si Jon, baka natutulog lang yon sa kanila dahil sa sobrang kalasingan"
"Asan ka ba talaga? Bakit ngayon ka lang sumagot kanina pa kita tinatawag! Sigurado ka ba na okay ka na? Na walang dumukot sayo? Sino yung naririnig ko kanina?"
Napabuntong hininga nalang ako sa mga tanong ni Lezy, pero honestly hindi ko alam kung anong nangyayari. But the last thing I wanted to do is make her worry more, she shouldn't be involved in this, in whatever this is. I need to keep them safe.
"Okay lang ako, kasama ko si Klay. Don't ask questions, I'll just call you later. Bye"
Binaba ko na ang tawag at di hinintay ang sasabihin ni Lezy. Napatingin ako sa paligid ko, parang nasa makalumang bahay ako, di ko alam kung nasa Manila pa ba ko, dahil wala akong naririnig na mga busina ng sasakyan.
Paglabas ko ng kwarto ay may hagdan, mayroon ding dalawa pang kwarto dito. Bumaba na ako at kapansin-pansin ang pagka-elegante ng lugar. Maraming makalumang muwebles na siyang nakakadagdag ng pagakamisteryoso nito.
Nakita ko si Klay sa barandilya ng pinto, nakatanaw sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. I cleared my throat to get his attention and he motioned me to sit down at the sofa. Umupo ako at umupo din siya sa upuang katapat ko.
"Ano bang nangyayari?"
Bungad kong tanong sa kanya, dahil di ko na talaga alam. Pinipigilan kong wag magpanic at pilit iniintindi ang sitwasyon ko ngayon. He looked directly to my eyes and said
"I need to keep you safe"
Maikling sagot niya. Sagot na malayo sa tanong ko, naramdaman ko ang pagkainis sa kanya dahil hindi niya na dinagdagan ang sinabi niya
"Cut the crap, Klay! Ano ba talagang nangyayari? Ano yung narinig ko nung gabing yun? Anong ginagawa mo sa lugar namin? Asan ba ako ngayon?! Please! Sagutin mo na dahil mababaliw na ako dito!"
Naramdaman ko ang pag-agos ng aking luha dahil sa matinding emosyon na aking nararamdaman. Dahil sa totoo lang natatakot na ako, at baka mabaliw na ako kung hindi pa rin siya magpaliwanag. Bigla siyang lumapit sa akin at sinubukang punasan ang aking mga luha pero tinabig ko ang kamay niya, at umatras para magkaroon kami ng distansya.
"There's someone out there na gusto kang saktan Rosselini. I cannot risk your life. Noong mga nakaraang araw ay lagi akong nakabantay sayo, dahil andyan lang din sila. And, where not in Manila right now, where in far north, dito mas kaya kitang protektahan"
"You know what Klay? I'm old enough to protect myself! I know sometimes I act like kid but I understand enough to know that this is abduction!"
Pabalya kong sagot sa kanya, dahil totoo naman na kinuha niya ako without my permission and dinala sa isang unidentified na lugar. And protect me? Protect me from what? Last time I check wala naman akong kaaway. Muli nagtangka siyang hawakan ako pero tinabig ko ang kamay niya. Nakakita ako ang sakit sa mata niya at emosyon na hindi ko maipaliwanag. Humugot siya ng hininga at sinabing
"Please...understand, baby. I cannot tell you right now what's happening. I don't know how to explain it, all I know is I need you to be safe"
Napamaang ako sa sinabi niya, wala pa rin siyang balak sabihin sa akin ang nangyayari. Napailing ako sa kanya at tumayo na. I need to stay away from him. I need silence and peace para makapag-isip ako. I need to figure out what's going on dahil ayaw niya namang sabihin sa akin.
"Stay away from me."
"Look Rose- "
"Don't. Kung ayaw mong mabaliw ako, utang na loob lumayo ka muna sa akin"
He's definitely hurt by what I said, its evident in his eyes, but nods otherwise.
"If you need me, I'm just in the room across to yours. There's food in the kitchen. It's already pass lunch so please eat. And don't worry I didn't put anything in it."
He said as he ascends upstairs. Still, with confusion I don't know what to do anymore.
BINABASA MO ANG
Jetblack Eyes
WerewolfIn the dark, his eyes is all I see. I'm Rosselini Salazar, the said girl in their prophecy and i've been captivated by his jetblack eyes.