Simula

6 0 0
                                    

4 years ago

Ang dilim, wala akong makita. Hindi ko na alam kung saan ako napunta. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at sinubukan muling sindihan ang flashlight ngunit ayaw na talaga nitong gumana. Napabuntong hininga ako at sinubukang alalahananin ang daan pabalik sa camp. Bakit ba naman kasi nanggulat ng ganon si Jon! Nakakainis! Nagpanggap na multo ang demonyo kaya nagkahiwalay kami nila lezy at Ina, at isa naman akong tanga na kumaripas ng takbo sa kung saan at sa kasamaang palad ay nadapa at naitama ang flashlight sa isang malaking puno.

"Malas talaga! Pagnakita ko talaga mamaya si Jon hahampasin ko siya nitong sirang flashlight ko!"

Maktol ko habang patuloy na nangangapa sa dilim, maya maya ay biglang nagliwanag, napatingin ako sa kalangitan at namangha sa bilog na bilog na buwan, kanina kasi ay natatakpan ito ng ulap at nahaharangan ng mga puno. Napangiti sa ganda nito ng makarinig ako ng tila mahinang ungol.

"Argh!Ahhh!"

Dahil sa liwanag ng buwan ay sinundan ko kung saan nanggaling ang ingay, habang papalapit ako ay mas lumalakas ang ungol, nakakarinig din ako ng pagkaluskos, at agos ng tubig. Ito na siguro ang sinasabi ng tour guide kanina na batis.

"Arghhhh!!!"

Isang malakas na sigaw na puno ng sakit ang narinig ko ng makalapit ako sa batis, sa kabilang dako nito sa tabi ng mga malalaking bato ay isang hugis taong nilalang, para nitong sinasaktan ang kanyang sarili at nagsisigaw sa sobrang sa sakit, tila nadikit ako sa aking kinatatayuan at di makagalaw, may nag-uudyok sa aking lumapit pa at tawirin ang batis ngunit mas nangibabaw din ang takot sa akin. Maya maya ay nagpakawala ito ng napakalas na sigaw at unti unting huminahon. Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili kong tinatawid ang batis upang makalapit sa nilalang.

*click *

Tunog ng natapakan kong kahoy, pag- angat ng aking paningin ay isang pares ng madilim na mata ang aking nasilayan, nakipagtitigan ito sa akin, abot abot ang aking kaba at tila ako ay na-estatwa, basa ang binti, may sirang flashlight at gasgas habang nakatitig sa itim na mga mata. Isa, dalawa, hanggang sa sampung segundo na ang lumilipas ng bigla na naman itong magsisigaw sa sakit. Tumakbo ako papalapit sa kanya di alintana ang takot na aking nadarama. Isang haplos sa kanyang braso at ako ay tumilapon.

"W-wag, w-ag kang l-umapi-t"

Hirap nyang bigkas

"Hey! Im just trying to help! No need to push me like that"

Galit kong sigaw sa kanya at sinubukan ulit lumapit ngunit napatigil ako ng marinig ko ang kanyang pag-ungol

"Awoooooo!"

Napalunok ako at nangilabot, kakaiba ang kanyang pag-ungol tila galing ito sa isang hayop na di ko mawari kung ano, nang muli syang lumingon sa akin ay nakaramdam ako ng ibang takot, iba na ang paraan ng kanyang pagtitig at naririnig ko rin ang pagtagis ng kanyang mga ngipin na para bang siya ay nanggigil, unti unti akong napa-atras, at napatalon sa gulat ng maramdaman ko ang tubig mula sa batis sa aking paanan at napahinto. Inikot nya ang kanyang ulo na parang naghahanda at umuungol ng parang nagagalit na leon.

"Wag kang l-lalapit!"

Buong tapang kong sigaw ngunit tumawa lang ito at itinaas ang kamay upang mahawakan ang aking mukha, nakaramdam ako ng kilabot sa pagdapo ng balat niya sa akin, malamig man ang paligid ngunit napakainit ng kanyang palad sa aking pisngi, wala na sa isang metro ang aming pagitan at unti-unti ay inilapit nya ang kanyang mukha sa aking tenga. Unti-unti nawala ang liwanag mula sa buwan at natakpan ng ulap. Malalalim na paghinga ang aking naririnig habang hinahaplos nya aking pisngi. At naramdaman kong namuo ang aking luha ng bumaba ang kanyang kamay mula sa kanyang pisngi, patungo sa aking leeg at batok, at mas hinila nya pa papalapit ang aking mukha. Narinig ko ang pag-amoy niya sa aking buhok at pagtama ng kanyang ilong sa aking tenga.

"Rosselini"

Pabulong niyang sabi na siyang nagpakilabot sa akin. Paano niya nalaman ang aking pangalan? Bumilis ang pag-agos ng aking luha. Bakit ba kasi nilapitan ko pa siya! Sinabi na niya sa akin kanina na wag akong lalapit. Napapikit ako at napag-isip kung hanggang ditto na lang ba ang aking buhay, kasabay ng mumunting hikbi na lumalabas sa aking bibig.

"Shhh, wag kang mag alala di kita papatayin"

Muling niya bulong at singhutin ang aking leeg.

"P-pakawalan mo na a-ako"

Garalgal kong sabi habang patuloy ang pag-amoy niya sa aking leeg habang hinihimas ng kamay niya ang aking buhok mula sa batok. Naramdamdam ko ang kanyang pagngiti at unti unti niyang dinausdos ang kanyang ilong sa aking leeg, napatingala ako at napatingin sa kalangitan, di ko makita ang mukha niya sapagkat natatakpan parin ng napakalaking ulap ang buwan.

"Pagsinabi kong takbo tumakbo ka"

Muli niyang bulong, at tanging tango nalang aking naisagot, patuloy na umaagos ang luha ko at naghihintay sa susunod niyang gagawin, ang kanyang kamay sa akin batok ay inilipat niya sa aking pisngi at marahang pinunasan ang pag agos ng aking luha, ganon din ang ginawa niya sa isa pa niyang kamay sa aking kabilang pisngi

"Shhhh"

Muli niyang sabi at ako'y muling napalunok at pilit sinisubukang pigilan ang aking pagluha, napapikit ako at naramdaman ang malakas na tibok ng aking puso ng inilapat nya ang kanyang noo sa aking noo at kanyang ilong sa aking ilong, tila tumigil ako sa paghinga ng maramdaman ko ang lapit ng labi niya sa aking labi, ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang paghininga na may init na hatid, maya-maya pa ay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan sabay sabing

"Takbo"

Walang pag-aalinlangan ko siyang tinulak at tumakbo patalikod sa kanya ng nakapikit. Naramdaman ko ang tubig sa batis, ang tuyong dahon at kahoy na aking natatapakan, idinilat ko ang aking mata ng maramdaman ko ang pagtama ng aking balikat sa puno, maliwanag ng muli dahil sa buwan, napalingon ako sa likod at nakita ko siya na nakatayo pa rin doon, isang matangkad na lalaki, maputi at itim na itim ang misteryoso niyang mga mata. Muli siyang umungol, na siyang nagpabalik sa aking realidad, muli ay tumakbo ako at nangapa sa kagubatan di- alintana ang takot na nadarama sa patuloy niyang pag-ungol. Tila gripo ang pag-agos ng aking luha dahil ni kahit anong takbo ko ay naririnig ko pa rin ang kanyang pag-ungol. Ano ba ang nilalang na iyon? Tanong ko sa aking sarili at muling napatingin sa aking likod, at nanlaki ang aking mata ng makakita ng isang pigurang itim na tila humahabol sa akin, isang malakas na kalabog ang aking narinig ng ako ay madapa at tumama ang aking ulo sa isang matigas na puno, unti-unti naramdaman ko ang init ng dugo na umaagos sa aking ulo, at ang mabagal na aking paghinga, hindi ko alam, pero isang itim na malaking pigura ang aking naaninag, para siyang isang lobo, napadako ang mata ko sa kanyang mga mata, itim na itim, katulad ng sa kanya, habang unti unting bumabagsak ang talukap ng aking mata ay para itong, nagbago at isang tao na ang pigurang aking nakikita

"Rosselini"

Ang aking huling narinig, bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Jetblack EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon