Chapter 4

813 22 1
                                    


I look at the house that I missed for years and I can't help but smile as I remember all my fond memories in here.

I didn't tell anyone that I will go back today, kaya nagtaxi lang ako papunta dito from airport I wanna surprise them.

Kaya ng pinagbuksan ako ng gate ng isa sa maid namin nakipagtalo pa ako sa kanya kasi bago pa lang sya. Buti na lang guard dumating at nakilala ako.

Pagpasok ko sa bahay agad akong dumiretso sa dining. At mukhang tamang tama lang ang dating ko dahil nag aagahan pa lang sila at ang nakakagulat kumpleto sila.

"Hello everyone!" I happily shout.

Agad na napalingon sa gawi ko ang parents ko at si V.

"Oh my God! Jennie." Agad tumayo si Mom at niyakap ako.

Sumunod din naman si Dad at V.

"Bat di ka man lang nagpasabing uuwi ka na?" Mom said.

"Oo nga Jen, balak ko pa namang ako ang susundo sayo." Nakangiting sabi ni V.

"Hayaan nyo nga muna makaupo si Jennie saka nyo i'interrogate." Saway sa kanila ni Dad.

Agad naman akong umupo sa upuan. Nagtawag si Mom ng maid na magdadala ng gamit ko sa kwarto ko at nagpadagdag sya ng plato at kubyertos para makakain ako.

Nung nakita ko yung breakfast hindi ko mapigilan maglaway. May sinangag, kamatis, tuyo, itlog at tocino.

"Oh my gosh! I miss this, it's been a while since I've eaten Filipino food." I said as I savor the dishes.

"Yan kasi, di ka umuwi." Nangaasar na sabi ni V.

"I'm busy kasi." Sagot ko naman.

"I'm busy kasi." Pangagaya ni V sakin. "Ang conyo mo Jen." Natatawang sabi nya.

I glare at him at sasagot pa sana ako kung di lang kami sinaway ni Dad.

"Magpahinga ka na muna iha at alam kong pagod ka sa byahe." Sabi ni Mom.

"Aalis ba kayo?" Natanong ko since bihira talagang makumpleto sa bahay na to.

"I need to go to the office with V, but I'll be here on dinner." Dad said.

"Tamang tama, I'll cook." Excited naman na sabi ni Mom. "V, invite Lisa okay." She said.

Just by hearing her name my heart suddenly beat fast.

"Yes Mom." V said.

I don't know kung ako lang ba o imahinasyon ko lang, pero parang may iba sa way ng usapan ni Mom at V. The way that they talk it's like they are teasing, and it seems that V glace at me for a while.

Nawala na rin sa isip ko yun since nagkwekwentuhan lang kami. Until it's time for Dad and V to go.

Nagpunta na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko agad na naalala ko na dito ko madalas hinihila si Lisa para halikan. Then I remember I will see her later.

Halo halo ang nararamdaman ko, masaya, malungkot, excited. Para akong maiiyak maisip ko pa lang na sa wakas makikita ko na ulit sya, but at the same time natatakot ako, natatakot ako na masaktan sa oras na magkita kami.

Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko nakatulog na pala ako. When I woke up hapon na pala, since di pa naman ako nagugutom I just got ready for dinner later.

Nakarinig ako ng katok at bumukas ang pinto. "Jen? Gising ka na ba?"

"Yes Mom, andyan na ba si Dad?" Sabi ko.

"Yes, tara na para makapag dinner na tayo. Sabi ng maid di ka daw kumain ng lunch." Sabi nya sakin, may himig ng pagaalala.

"Oh, yes hapon na po kasi ako nagising. That's why I'm really hungry now." I said smiling of how my Mom is such a worrywart.

Seducing my Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon