Chapter 34

222 7 0
                                    

#TLMPIMW(TAR)S1WithHim's

Alodia's POV

Hayy! Umaga na naman.... It's been 2 days nun sinabi ni Alexa sakin na narito na sa Pinas si Ms. Chikababes at nakipag-usap pa kay Mama.. Ano kayang sinabi nun kay Mama? Hayy! Tiyak na maingay na naman sa mansion dahil naroon yun 5 chikiting...

Hayy! Maka---- Waaaa! Nakayakap na naman ereng Keos na ere.... Ang bigat ng kamay akala mo may nakalagay na bato ehh...

Dahan dahan kong pinagmasdan sya... May natatago rin palang kabaitan.. Hindi lang halata!!! Nitong mga araw, ang sweet nya... Palagi syang narito at ako ay ipinagluluto... Inihahatid kahit naiiyamot ako kapag sya ang nagda-drive.. Parang kse hinahabol ng pitong demonyo eh kung magmaneho.. Akala mo may racing contest.. Pero okay lang yun at di ako malalate... Maaari nga lang maaksidente...

2 days lang ang lumipas, parang nag iiba na yun pag-tingin ko sa kanya... Ibang iba kaysa kay Blitz.. Bakit kse ang two timer ko? Tama nga si Shia, ikaw din mahihirapan sa ginagawa mong kalokohan sa buhay...

Nakatitig pa rin ako sa mga mata nya.. Ang cute nya pag natutulog... Pero pag gising hindi na sya cute, mukhang yelo na... Cold na cold kse... Ang lamig na nga ng panahon eh napaka cold tapos ang sungit pa minsan...

*****FlashBack*****

Pagbaba ko, ayun nagluluto... Ang special pa ng niluto nya, fav kong food eh ang kinook...

"Good morning..." I said...Tumingin lang sya sakin tapos binalik ulit tingin nya dun sa food... So, ganun, wala man lang reply...

Sa bagay, hindi ko naman dapat iexpect yun sa kanya... Shh...

"Tulungan na kita dyan, akin na..." kinuha ko yun mga plato... Ako na naglagay sa mesa.. Tapos pinagtimpla ko sya ng kape habang naghahain sya ng pagkain sa mesa.. Napapangiti ako... Ewan ko. Basta pag nandyan sya piling ko... Ang ganda ng pakiramdam ko...

"Oh kape for you..." I said at ngumiti... Bumalik ulit ako sa kusina..Kukuha ng mga kubyertos...

Pagbalik ko, akmang kukuha na sya ng pinigilan ko...

"Ehemm, hep hep, dasal muna tayo..." sabi ko sa kanya... Habang nagdadasal kami, hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya.. Medyo maliwanag na yun mukha nya, hindi tulad nitong ilang araw na pagkakadilim dilim akala mo'y araw araw mong inaaway eh.

***

"Can you be faster!? Ang tagal mo!" pakinig kong sigaw nya... Eto na nga nagmamadali na nga... May hinahabol ba sya at pinagmamadali ako...

"Eto na nga ho! Eto na nga Mister oh!" aniya ko at mabilis bumaba, medyo tumakbo ako pababa... Pinagmamadali nya eh...

"Next time, wag kang tatakbo sa hagdan. Baka mahulog ka..." he said... Aba nagreklamo pa rin...

The Lost Mafia Princess is my Wife (THE ALODIA'S REVENGE) Season 1 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon