#TLMPIMW(TAR)S1SecondEncounter
Makisig Chan Humpries POV (A.K.A. Makmak)
"Sigurado ka ba makmak, si boss nakipag-usap sa isang stranger!" di makapaniwalang tanong ni Jake.
"Oo, pre. Di lang yun, yun babae may binigay na kwintas sa kanya." kwento ko pa.
" Kilala nyo ba yong babae?" tanong ni Seth.
"Hindi ei! Pagkabigay nya kse nun kwintas eh tumakbo na. Pero, yun babae maganda tapos maputi, yun buhok nya mahaba na straight tapos pacurly pababa, halos magkasingtaas nga sila ni boss eh, mataas lang ng konti si boss. I think nasa mga beinte yun.." sabi ko.
"Eh bakit kya nya binigyan ng kwintas si boss?" tanong ni Seth.
"Malay ko,...!" sabi ko.
Bakit nga? Di kya? ...........Di kya yun babaeng yun ang nagustuhan ni Boss.
Para maging asawa. Hayssst, hindi sila bagay, kawawa naman yun babae kapag si boss yun napangasawa nya. Tiyak na malalagay sa peligro yun buhay nya. Mukha pa naman mahirap."Nga pala, nasaan nga pala si Boss?" tanong ni Klent.
"Di ga'y pag thursday, mahilig si boss, mamasyal sa seven eleven malapit dun sa school ng ASU.HAHAHA!" Sabi ni Seth.
"Kya nga, bakit ba si boss kahilig hilig pumunta sa mga pampublikong lugar. Pag tuesday laging nasa Divisoria. at Pag Thursday nasa 7/11, wla naman binibili ei." sabi ni Jake.
"Kundi key chain....Hahahaha!" dagdag ko.
Key chain lover ata si boss hahahaha...
Alodia's POV
5:30 pa lang ng umaga, narito na kami ni Alexa sa harap ng seven eleven. Sabi kse ni Naomi. Mga 6:00 daw nandito na si Cassaville. Pero, 6:45 na wala pa rin... Shit! Pang umaga pa naman klase ko.Kahit yun ASU eh kabilang kalsada lang baka pa rin ako malate shit! Mag-iisip na agad ako ng dahilan mamaya. Kahit si Alexa iyamot na rin... Kanina pa syang paparito't roon. Nahihilo na nga ako sa kanya eh.
Gaya ng dati, minomonitor ulit kami ni Ate Keira.
["Okay! Be ready na guys! He's here na. Pumasok na kyo. He's 15 meters away from you guys."] sabi ni Ate Keira.
So, ready the script. Hahahaha. Acting Skills na naman.
"Hay sa wakas! Natapos din paghihintay natin my god! Napagod ako." sabi ni Alexa nun nasa loob kami.
"Paano ka hindi mapapagod eh, pauli uli ka kanina." sabi ko.
["Okay! Guys, nasa loob na sya.. He's 5 meters away from you guys."] kita ko nga sa mirror sa taas.
"Wag mong pasasakitin ang ulo ko, Alodia ha." bulong ni Alexa. Hindi na ako sumagot at hinila sya papunta doon sa mga chocolates. Dyan naman kse sya mahilig.
"Insan, bakit ba tayo nandito?" malakas kong sabi sa kanya. Nag echo nga yun boses ko sa buong 7/11 haahaha... Acting lang.
"Malamang, mamimili!" sabi ni Alodia. Bubwisitin ulit kita hahaha.
"Ano naman pipiliin mo?" ungas kong sabi.
"Ha?" inis ni Alexa.
"Sabi mo, mamimili ka, eh ano bang pipiliin mo dyan?" sabi ko. Hahahaha bwisit na siguro toh...
["Okay! Alodia, ituloy mo pa yan pag iingay mo ha! Tinitingnan ka ng sekreto ni Cassaville."] napangiti ako ng konti sa sinabi ni Ate Keira.
BINABASA MO ANG
The Lost Mafia Princess is my Wife (THE ALODIA'S REVENGE) Season 1 [ON GOING]
AksiJust read🙂