2. Seiralyn Mercado

21 1 0
                                    


Nag pupuyos ako sa galit ng lumabas sa boys locker room. I still cant believe what happened there. He just stole my first kiss. My first kiss. How dare he.

Hindi na virgin ang lips ko at kagagawan iyon ng manyakis na 'yun. Kainis. How can i be so unlucky today ?

First, i overslept then i was late in our rehearsal time. I still remember Tonie's furious face ng sinalubong niya ako kanina sa gate palang ng University.

---
" Seira, bruha ka ! bakit ngayon ka lang ?! kanina ka pa namin inaantay !." Tonie shouted with her hands on her waist. You can see irritation in her face.

" Sorry, mahal ! Napuyat ako sa pag prapractice ng lines kaya na late ako ng gising. Promise , kabisado ko naman na lahat ng lines." i explained. Tinaas ko pa yung kanang kamay ko na parang nanunumpa.

" Hay nako ! ano pa nga ba magagawa ko ?." Tonie said in defeat.

Tonie rose Maniego. Ang bestfriend kong daig pa ang nanay ko kung mag misa at parang tatay ko sa pagiging "overly protected" pero daig pa ang bunso kong kapatid kung mag maktol. Ay mali, wala pala akong bunsong kapatid dahil ako ang bunso. What i mean is Sobrang childish niya pero mahal na mahal ko yan. Puro barako ang mga kapatid ko. Tatlo kameng mag kakapatid at kapag sinuwerte, bunso ka pa. So i consider Tonie as my sister i never had. My soul sister. We've been bestfriend since our diaper days. Siya lang yung napag sasabihan ko ng mga bagay na pang "girls talk" ika nga. Mas naiintindihan niya ko kaysa sa mga kapatid ko since parehas kameng babae. Pero kahit ganun, mahal naman ako ng dalawa kong barakong kapatid, kahit madalas bwiset sila sa lovelife ko. Kainis.

" Siguraduhin mo lang na kabisado mo na lahat SEIRALYN huh ?. Kung hindi naku, kakalbohin talaga kita !." Tonie rant stressing my name. Napadiretsyo ako ng tayo ng banggitin nya ng buo ang pangalan ko. Pag ganyan ang tawag nya sakin, aba nag iingat na ko. Dahil pag sinabi nya, ginagawa nya talaga. Mahirap ng makalbo. Sayang naman yung hair kung hanggang siko pag nag kataon.

" Yup mahal kong best !." i answer with matching salute.

" Good, dalian mo at mag palit kana ! kanina ka pa nila hinahanap, hindi sila makapasada ng practice ,at hinihintay ka !." pag tataray pa nya.

" Opo ma'am !." balik sagot ko bago mabilis na tinungo ang Comfort room.

By the way i'm Seiralyn Mercado. Fifth year BS Architect in LVU and a proud scholar ! Aba, mahirap ata maging scholar ng La Viena University dahil sa higpit ng requirements and thanks lord, na maintain ko lahat ng kaylangan para hindi mawala ang scholar ko. Hindi kase kaya ng pamilya ko ang mapag aral ako sa ganitong ka prestigious school. Karamihan talaga ng nag aaral dito ay kung hindi anak ng mga sikat na personalidad ay sigurado namang mayaman. At hindi kame ganun. Hindi mayaman ang pamilya ko pero hindi din naman ganun kahirap sa buhay. Sa bahay lang ang mama at ang papa naman ay Pulis. Pero hindi sapat ang kita nya para mapag aral ako dito. Thats why i strive hard for the scholarship and fortunately, nasa last year na ako. Hopefully, Makagraduate with Honors. I wanna make my two wonderful parents proud of me and for themselves. Dahil kahit hindi kame mayaman, mapag tatapos nila ako sa malaking paaralan kahit sabihing scholar ako.

Anyway, foundation day ng Uni at tradisyon na dito ang mag laan ang bawat course ng kani-kanilang production number bawat year level. At Napag kasunduan ng V- BS ARCHI na mag stage play.

At ang iro-role play ? Ang walang kamatayan na Romeo and Juliet ni William Shakesphere.

At ang kawawang bida na si Juliet ? Gagampanan lang naman ng walang iba kung hindi ako. Napakaswerte ko talaga.

One more thing about me is, i am the president of the theatre club. At dahil pag acting nalang din naman ang pinag uusapan, napag tulungan nilang kame nalang ni Niegel, which is the VP of theatre club ang gumanap na main cast. Less hassle sa kanila, more stress naman sa amin ni Niegel.

A not so good place to meetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon