Chapter 16: Day 2 - Tampuhan Moments (Part I)

1.1K 42 5
                                    

----------------------------------------------

I Still Believe in Love

Chapter 16: Day 2 - Tampuhan Moments (Part I)

----------------------------------------------

 Thomas's POV

"Sabihin mo na kasi!"

"Magusap na lang kayo mamaya."

Ang aga-aga nakakarinig na ko ng sigawan. Ugh. Sino naman ngayon ang nagaaway?! Wala ba silang kapaguran?

I opened my eyes and saw Kiefer and Jeron arguing about something.

"Paps, sabihin mo na kasi sa akin kung ano ba talaga sila ng lalaking yun!" Kiefer shouted at Jeron.

Humarap naman sa kanya si Je, "Kief, si Mika na ang magsasabi sayo nyan. Ayoko mangi-alam."

Ano ba'ng pinaguusapan nila? Ang gulo naman. Kaya bumangon na ko at naupo.

Me: Guys, ano ba yan? Ang ingay niyo. Marami pa ang natutulog oh.

Kiefer: (lumapit kay Thomas at naupo sa kabilang kama) Paps, sabihin mo nga sa akin kung ano ba talaga sina Mika at Kristian Ahorro dati?

Kristian? KRISTIAN AHORRO?! I bit my lower lip and looked at Jeron. Sumenyas lang siya sa akin na wag ko daw sabihin.

Me: (looks at Kiefer) Ang mabuti pa hintayin mo na lang na magising si Mika. Magusap na lang kayo.

Kiefer: Ang hirap niyo naman pakiusapan. Parang hindi tayo magka-kaibigan. Tsk. (walks out)

Jeron: Salamat, Thom.

Me: Bakit ba kasi ayaw mo sabihin kay Kiefer ang totoo?

Jeron: Hayaan na natin sila ni Mika na magusap.

Me: 'Di ba si Kristian din ang dahilan kung bakit kayo--

Jeron: Hindi ah. Tanggap ko naman yun noon. Na-bored nga lang kami ni Mika sa isa't isa kaya kami naghiwalay.

Me: Okay fine. Bakit nga pala nasingit si Kristian ngayon?

Jeron: He's here in Palawan. Siya ang dahilan kung bakit nagaway sila Miks at Kiefer kagabi.

Me: What?!

Jeron: (looks at Thomas) O.A mo. Wag ka ng magtanong pa ng kung ano-ano. You'll know it naman sooner or later. Geh paps. Labas lang ako. Pahangin lang.

I nodded and he left. Tiningnan ko yung ibang kasama namin. Aba. Mga tulog pa. Hmmm. Gising na kaya si Ara? Itext ko nga.

To: Baby Ara ♡

Good Morning, beautiful. Gising ka na ba? Text mo ko kapag gising ka na okay? Love you.

Sent.

After a few minutes, nagreply na siya. Aba. Gising na?

From: Baby Ara ♡

Good Morning din. Ang aga-aga ang sweet mo. Gising na ko. Gising na gising kanina pa.

To: Baby Ara ♡

Hehe. Can't help it eh. Labas ka, I want to ask you something. Lalabas na rin ako ng kwarto.

Sent.

Pagkasend ko ng message, pumasok na ko sa comfort room to do my usual morning routines. Mahirap na magamoy panis na laway sa harap ni Ara 'no. Baka ma-turn off sa akin yun. Haha. Pagkatapos ko gawin ang morning routines ko, lumabas na ko ng kwarto. Nasa labas na pala siya, naghihintay. She's leaning against the wall. Ang gwapong-maganda talaga ng isang 'to oh. Naka-polo shirt at khaki shorts kasi. Tsk. Mapagkakamalan na naman 'to.

I Still Believe in Love (A Thomas Torres-Ara Galang Fan Fiction) *On-Hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon