Chapter 17: Day 2 - Tampuhan Moments (Part II)

1.6K 55 14
                                    

----------------------------------------------

I Still Believe in Love

Chapter 16: Day 2 - Tampuhan Moments (Part II)

----------------------------------------------

Mika's POV

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Kiefer. Pero isa lang ang alam ko, kapag kasama ko siya kahit saan ako mapunta.. I feel safe and secured.

Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko habang naglalakad kami. Walang gustong bumitaw.He's leading our way to.. somewhere.

Me: Babe?

Kiefer: Yes?

Me: Saan po tayo pupunta? *baby talk*

Kiefer: Somewhere private. Yung makakapagusap tayo ng mabuti.

I sighed. He's still cold to me. Alam ko galit pa rin siya. Sana maayos na namin 'to. Minsan na nga lang kami magkasama ng matagal tapos gan'to pa ang nangyari. Hay.

Kiefer: Mika? I said sit down here beside me.

Luh. Na-space out na pala ko. Hindi ko namalayan na nasa isang cottage na kami. Ang ganda naman dito. May cushion and throw pillows. Kakaiba!

I sat down beside him and sighed. Paano ba kami maguusap nito, eh wala naman gustong magsalita. Tsk. Nahihiya naman ako magsimula. Baka galit pa rin kasi siya. Ano ba naman, Miks. Duwag mo rin kasi eh.

"Pwede mo na ba sabihin sa akin kung sino ba si Kristian Ahorro sa buhay mo?" Binasag na niya ang katahimikan. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Nako naman Mika. Ang sama na ng tingin sa'yo ni Kiefer oh. You need to speak now!

"Uhm, He's my ex.." Umiwas ako ng tingin. "Pinlano ng Lolo ko na ipakasal sa kaniya when I was eighteen years old."

"What?! But you're both young that time!" Alam ko galit na siya. He's raising his voice na eh.

"Pinagusapan ng parents ni Kris at ni Lolo ang pagpapakasal na yun. Wala akong alam swear! Nalaman ko na lang no'ng debut ko. Nang mga oras na yun, break na kami ni Kristian because he cheated on me. Hindi alam ni Lolo at ng lahat yun. Kaya nga hindi ako pumayag na magpakasal sa kaniya. Sa mismong birthday ko, umalis ako. Kina Tin ako pumunta, one of my lings. Walang naka-alam na nandoon ako even my parents and the bullies. Ilang araw din ako do'n para makatakas."

Kiefer stood up and punched the side of the cottage. Nagulat ako. Kitang-kita sa mata niya ang galit. Hindi ko na mapigilan ang luha ko, nagsisimula na silang bumagsak.

"Kief.. sorry." I sobbed.

He looked at me with so much anger in his eyes, "Sorry?! Gano'n na lang yun pagkatapos mo itago ang lahat sa akin?! Wow Mika! Bakit hindi mo sinabi sa akin ha? Bakit sina Jeron at yung iba alam nila?! Bakit ako na boyfriend mo hindi alam? Nagmukha pa akong tanga sa harap ng gagong yun dahil hindi ko alam ang nangyari noon."

Humagulgol na ko ng iyak, "Natakot ako! Natakot ako, Kiefer! Natakot lang naman ako na hindi mo matanggap ang past ko. Natakot ako sa pwedeng mangyari. Akala ko kasi hindi na babalik pa si Kris. Gusto ko ng kalimutan ang nakaraan, Kief. Kasi dahil sa akin.. dahil sa akin namatay ang Lolo ko. Namatay siya ng may sama ng loob sa akin. Bago siya namatay, sinabi ni Mama sa akin na may pinirmahan daw si Lolo na kontrata sa mga Ahorro. Kailangan ko maghintay ng dalawang taon para maka-wala sa kontrata na yun. Dalawang buwan na lang sana mula ngayon, matatapos na ang kontrata. Pwede ko na sabihin sayo pero dumating pa si Kris. May karapatan pa rin siya sa akin Kief. Natatakot ako.."

Lumapit sa akin si Kiefer at niyakap ako, "Hush baby. Sshh. Tama na. Sorry, sorry. Naging selfish ako. Sorry talaga. Pero teka paano mo nalaman na sinusundan ka niya kagabi sa bar pa lang?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Still Believe in Love (A Thomas Torres-Ara Galang Fan Fiction) *On-Hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon