Third Person's POV.
"Namiss kita"sabi ni Baekhyun at niyakap si Kyungsoo na nakaupo sa sofa,pinahiraman siya ng damit ni Baekhyun.
Ngumiti si Kyungsoo at niyakap pabalik si Baekhyun,at napansin niya'ng umiiyak si Baekhyun.
"Bakit ka umiiyak?"tanong ni Kyungsoo at humiwalay sa yakap.
Nakapout naman si Baekhyun habang pinupunasan ang luha niya na para'ng bata.
"Akala ko hindi na kita makikita ulit"nakapout na sabi ni Baekhyun.
Napangiti naman ang siyam na nanonood sakanila,pati narin si Lola Grace.
"Hindi ba dapat ako ang umiyak?kasi iniwan mo kami ni Luhan"malungkot na sabi ni Kyungsoo.
Napayuko naman si Baekhyun"Patawad,hindi naman ako maglalayas kung hindi ako pinarusahan ni ina eh"sabi ni Baekhyun at napatigil siya saglit ng may maalala siya"patay"sabi niya.
Napatawa naman si Kyungsoo"patay ka talaga kapag makikita ka ni ina"Biro ni Kyungsoo,alam niya'ng malabo'ng mangyari iyon dahil tao na si Baekhyun pati narin siya.
"Galit ba siya?"nag-aalalang tanong ni Baekhyun.
Tumango naman si Kyungsoo"Oo,pinatawag nga niya si Anii,pero hindi naman nakapunta si Anii dahil pumunta siya sa Kaharian ng Mayeri"paliwanag ni Kyungsoo.
"Eh,si Ama?si Luhan?"tanong ni Baek.
"Si Ama ayun alalang-alala sa'yo,si Luhan naman nasa silid niya"sagot ni Kyungsoo.
"Bakit?"tanong ni Baekhyun.
"Hindi na kami pinapalabas ng palasyo nina Ama't Ina,dahil baka daw pati kami mawala pa,pero dahil gusto'ng gusto namin na nahanap ka tumakas kami para hanapin ka ayun nga lang nakalabas na nga kami ng kaharian nahuli pa kami ng mga kawal na naghahanap sa iyo"kuwento ni Kyungsoo.
"Saan kayo dumaan,kilala ko si ina gagawa siya ng paraan para hindi kayo makalabas ng palayso,huwag niyo'ng sabihin na gimamit niyo ang mga kapangyarihan ninyo para makalabas?"tanong ni Baekhyun.
"Hindi ah,at alam naming may sikreto'ng daanan palabas ng kaharian ang iyong silid kaya iyon ang dinaan namin"sagot naman ni Kyungsoo.
"Pero papaano ka naging tao?"tanong Baekhyun.
"Kagaya mo,pinarusahan kami ni ina na bawal lumabas sa aming mga silid,pero dahil nga kapatid kita,tumakas ako papunta sa iyo'ng silid at tumakas,at habang lumalangoy ako may mga nakasalubong ako dalawang sirena,at sinabi nila na may nakita daw sila'ng isa'ng sirena'ng pumunta sa kuweba ng Bruha at ang sirena'ng iyon ay ang ikalawang prinsepe ng Dorania na si Baekhyun kaya ginamitan ko sila ng kapangyarihan ko na kalimutan nila ang alam nila sa iyo,at pumunta ako sa kuweba ng Bruha at nalaman ko na hiniling mo na magkapaa,kaya napagisipan ko na kapag bumalik ako sa palasyo,malalagot ako kay ina,kaya hiniling ko na din na magkapaa"kuwento ni Kyungsoo.
"Ah bagot na bagot na ako dito"sabi ni Kyungsoo sa sarili niya.
"Ngayon alam ko na,kung bakit tumakas si Baekhyun"sabi niya pa.
YOU ARE READING
True Love||Exo FanFic
AléatoireMagkaiba man ang kanilang mga mundo,kung sila ang para sa isa't isa pagtatagpuin sila ng tadhana.. True Love ika nga.. Maraming nasaktan dahil sa pag-ibig,sabi nga nila 'Ang Love ay para'ng rollercoaster up and down,pero pagkatapos nun masaya ka kas...