Prologue

19 0 0
                                    

"Faye Tin Chui! you failed AGAIN?! For the 5th time, for goodness sake, you failed AGAIN?!"Ayan nanaman si Mrs. Fats, ang aga aga bumibilog nanaman ang mata at muka sa galit.Pffft. Bagay nga ang pangalan niya, Mrs. Fats, Sobrang taba at halos pumutok na ang mga butones ng suot niyang polo sa sobrang taba niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Pang limang beses ko na ipina-take sayo ang test na ito para lang makapasa ka tapos babagsak ka naman pala ulit?! I was expecting you to pass! Kahit man lang mandaya ka okay na sana! basta pumasa ka lang!"Holooooo :OMy teacher is teaching me to make daya daya sa test! I can't take this anymore!

tumayo ako mula sa kinauupuan ko kasabay ng paghampas ko sa arm chair ko "Ma'am! Hindi po ako kailanman mangongopya o mandadaya para lang makapasa!" Taas noo kong sabi. "I can't believes you're taughting me to cheat!" Pinaypay-paypay ko pa ang kamay ko sa muka ko at nag buga ng hininga. Ganon kasi ang nakikita ko sa mga palabas kapag nagagalit ang isang maganda. "HAHAHAHAHA" "Bobo! HAHAHAHAHA" "Shunga talaga eh" "WAHAHAHAHA balik ka elementary LOL!" "TAUGHTING DAW OH! HAHAHAHA" Nagtatawanan nanaman ang mga kaklase ko -_- ganyan sila tuwing magsasalita o magre-recite ako eh, tatawa bigla. Minsan nga tatayo palang ako ng upuan ko para pumuntang harap magtatawanan na agad sila at kung minsan maririnig ko pang pinagpupustahan ako. If I know CRUSH nila ako. Sa alindog kong ito sigurado akong gabi gabi nila hinihiling na magkita kami sa panaginip. HAHAHAHAHA. "QUIET!" sigaw ni Mrs. Fats, agad naman nanahimik ang mga kaklase ko. "Ms. Chui, I don't know what to do to you anymore! You've been failing all our 5 quizzes. I don't know what your grades will be but let me assure you that it won't be high as you expect it to be.." May pailing-iling pa si Ma'am habang nagsasalita. ALAM KO NA! ALAM KO NA TALAGA IYANG MGA GANYANG PAG-ILING! ganyan na ganyan ang mga napapanuod ko sa TV kapag nanunuod ako ng mga drama! Naghahamon ata si Ma'am ng artihan. dahil diyan! Sinimulan ko na ang pagiisip ng mga nakakalungkot na bagay.. Tulad noong nawala ang toothbrush ko ng halos one week at one week din akong pumapasok na hindi nagsisipilyo, naaalala ko pa nga na sinabihan ako ng katabi ko na may mabaho daw siyang naaamoy at sinabi kong "Shit! ang baho nga! nagtoothbrush ka ba? Oh my G! Uso yun Pare!" kinagabihan sobrang nagsorry talaga ako kay God at todo emote ako sa diary ko kasi nagsinungaling ako at dinamay ko pa ang seatmate ko. Iyak ako ng iyak ng gabing iyon dahil naaalala ko ang turo ni mama na "Kung ayaw mo gawin sayo, huwag mo gawin sa iba" natakot ako ng sobra at baka gantihan ako ng seatmate ko..

maya-maya ay naluluha na ako at saka ako nagsalita. "Hindi na po ba natin magagawan ng paraan? Ma'am?" "Take your seat Ms. Chui, I'll deal with you after class." Seryosong sabi ng techer ko..

"Ma'am? May pera ako! magkano ba ang halaga ng gradong kaya mong bigay?!" HAH! take that! akala niya hindi ako marunong umarte?! Puwes nagkakamali siya! HAH! nakita kong nanlaki ang mga mata niya at naramdaman kong nagulat siya sa mga sinabi ko, ang akala niya siguro hindi ko kayang higitan ang acting niya!? nagkakamali siya ng sobra! "FAYE TIN CHUI!" umalingangaw ang boses ng teacher ko sa buong campus, actually feeling ko rinig ng buong NCR ung sigaw niya .. Narinig niyo ba? Kung labas ka ng NCR naku! sayang hindi mo narinig! "GO TO THE PRINCIPALS OFFICE NOW!" naguusok na ang ilong at tenga niya .. HOLOOO~ Hindi ko kaya iyon! Mukang talo ako sa actingan na ito ha? :( naglakad ako palabas ng room na nakabagsak ang balikat.. "Crazy Moron.." Napahinto ako sa narinig ko.. sinulyapan ko ang bastos na lalaking nagsabi nun.. Siya nanaman, Kailan niya ba ako titigilan sa kaka-MORON niya? I'm not stupid nor moron. I'm just... I'm just.. extraordinary .. :(

When Mr. Genius Falls for Ms. MoronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon