❇ Last ❇

606 60 30
                                    

Bukas na pala yung Valentines Day. Bukas na rin gaganapin yung para sa mga couples. Waaah! Kinakabahan na ko but still excited. Whooh! Ano kaya gagawin namin bukas? Di ko alam eh basta ang sinabi lang samin kailangan super duper sweet kami bukas. Marami manonood na estudyante ng school namin at may judge pa. Tsk tsk. Pa-judge-judge pa silang nalalaman. Grabe naman yung event na to.



"Mr. Santos? Ms. Villafuerte? Are you ready for tomorrow?" Tanong samin ni Ma'am.



Tumingin muna ako kay Marc, di ko alam isasagot ko eh.



"Of course Ma'am! Kami pa ba!" Masiglang sagot ni Marc. Habang nakaakbay sakin.



"Good" Umalis na si ma'am.



"Ano ba?! Tanggalin mo nga yang kamay mo sa balikat ko!" Pagtataray ko. Kunwari masungit ako sa kanya para di niya mapansin na may gusto talaga ako sa kanya. Dapat siya ang unang umamin sakin. Bwahahaha.



"Asus! Kinikilig ka naman! Namumula ka oh" Sabay pisil sa ilong ko.



"Hmp!" Tumayo na ako at lumabas.



Paano nya nalaman na kinikilig ako? Kyaah! Nakakakilig naman kasi eh. Paano pa kaya bukas? Baka mamatay na ako sa kilig. Wag naman sana.



"Mica! Di ako ulit makakasabay sayo ngayon. Sabay kasi kami ni Jeff. Minsan lang to kaya susulitin ko na" Kilig na sabi ni Mara.



Tumango na lang ako. Minsan lang yun? Madalas nga eh. Baka naman sila na tapos di sinasabi sakin. Nagtatampo na talaga ako. Pinagpapalit niya ako sa Jeff na yun.



Umuwi na ako. Kailangan ko ng beauty rest. Para naman maganda ako bukas. Ano kaya susuotin ko? Paano kaya ang ayos ko bukas? Waaah! Ay! Magpapatulong na lang ako kay ate. Nanalo naman sila dati eh. Tama! Tama! Kay ate nga!



Pumasok agad ako sa kwarto namin ni ate.



"Ate! Ate! Ikaw ang mag-ayos sakin bukas ah. Gusto ko simple lang pero mapapaganda ako. Baka sakaling magustuhan na ako ni Marc"



"Kahit di ka na magpaganda. Maganda ka na." Si ate talaga. Binola pa ako.



"Basta ayusan mo ako bukas. Nga pala ate wala pala akong susuotin bukas"



May kinuha sya sa cabinet niya.



"Ito! Ito yung damit na ginamit ko noon. Kasya naman sayo to"



Ang ganda ng damit. Dress sya na above the knee. Tama lang yung haba. Nude color pero may mga nakinang. At off-shoulder.



Niyakap ko si ate.



The Nerd Love Story (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon