❇ Second ❇

576 39 11
                                    

Two days na ang nakalipas simula ng nangyari yung.... yung.... yung.... kiss namin ni Marc. Kyaah! Di ako makaget over. Di niya na tuloy ako masyadong pinapansin. Pinapansin niya lang ako kapag may kailangan siya o kaya may itatanong.


"Hoy! Payatot! Kamutin mo nga yung likod ko" Ayan na naman siya. Inuutusan niya ako. Pasalamat siya love ko siya, kaya sinusunod ko ang bawat utos niya.



Nakakahiya naman tong ginagawa ko.



"Class! Are you done?"



Ay oo nga pala. Nag-eexam kami sa Math. Well, tapos naman na ako. Yung iba di pa tapos.



"Not yet!" Sigaw ng mga classmate ko.



"Hoy! Nerd! Pakopya nga" Di pa pala sya tapos? Ang tali-talino kaya niya. Bakit siya kokopya sakin?



Bakit ba di ako makatanggi sa kanya?



After 15 minutes. Tapos na ang lahat.



Okay. Break time na.



Wala pala akong kasabay mag-recess. Si Mara kasi eh. Mas pinili niya pang sumama dun sa Jeff na yun kaysa sakin. Pupunta daw sila sa library. Haays. Nakakatampo naman.



Pumunta na ako sa cafeteria. Kakain na lang ako ng marami.



Bumili na ako ng Carbonara, mango juice, mainit na sopas at ang favorite ko na shanghai with rice. Hhmmm. Mukhang masarap ang carbonara ah. Magpapakabusog na lang ako.



"Hoy nerd! Gawin mo nga tong assignment ko!" Binagsak ng lalaki yung notebook niya sa harap ko.



Aba! Bastos to ah! Alam nyang kumakain ako tapos ibabagsak niya yung notebook sa harapan ko. Muntik na tuloy matapon yung sopas.



Di ko na lang siya pinansin. Patuloy lang ako sa pagkain ko.



"Hoy! Kinakausap kita!" Sigaw na naman niiya sakin. Bahala ka dyan! Maubusan ka sana ng laway.



Hindi porket, mukha akong nerd, magpapagawa sila sakin ng assignment nila! Matuto silang gumawa! Hindi lahat ng nerd kailangan i-bully porket di lang lumalaban i-bubully na?! 



Sigaw pa rin ng sigaw sakin yung lalake. Pinagtitinginan na kami dito. Tapos may narinig akong sabi "Lagot yang nerd na yan. Bully yung nakaharap nya. Dapat sinunod na niya yung utos". Akala ko ang bully, pang elementary lang. Pati pala sa high school.



Dahil sa sobrang inis nya, hinawakan niya yung kwelyo ko, kaya napatayo ako at nalaglag ang eyeglasses ko. Waahh! Susuntukin niya ako. Wala man lang ba tutulong sakin? Waah! Napapikit na lang ako.



'BOOGSH!'



Dinilat ko ang mata ko. Nakita ko na lang yung bully na nakatumba at dumugo ang ilong.



"Nakito niyo guys? Sinuntok yung bully?"



Narinig ko yung sabi nung isang estudyante. Sinuntok? Sino yung sumuntok? Dinilat ko agad ang mata ko at lumingon para malaman kung sino yung sumuntok sa bully?



Si Marc? Si Marc ang sumuntok sa bully?



Hinawakan ni Marc ang kamay ko.



The Nerd Love Story (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon