Chapter 10

3.4K 67 18
                                    

“Nagaayaw ba kayo ni Gerald?” Tanong ni Yaya Matilde Kasalukuyan silang nasa kusina at naghahanda ng hapunan

 “Bakit nyo naman po naitanong?”

“Nang isang araw ay maaga akong nagising at nagulat ako ng makita si Gerald sa mini bar at mukhang doon na nakatulog sa kalasingan dahil may mga wala ng  laman ng whiskey sa ibabaw ng counter at may basag na baso sa sahig” at tumingin sa kanya bago magpatuloy magsalita “nakita ko na may bahid ng natuyong dugo sa kanyang kamay kaya nagprisinta akong gamutin pero tumanggi at pumanhik na sa itaas” Mahabang paliwanag ng matanda.

 “Hindi naman po kami nagaaway  yaya” Pagkakaila nya

“Maaring magkaila ka sa akin pero sa ikinikilos nyong dalawa alam kung meron” The old woman survey her face biglang tuloy syang nailang. “Dalawang araw na din hindi umuuwi ang batang yun ng maaga na dati namang hindi nito ginagawa”

Tama ang matandang babae matapos nilang magtalo sinikap nila parehong iwasan ang isat-isa. Bababa sya pagnakaalis na ito. Si Gerald naman ay umuuwi ng malalim na ang gabi ng sa ganon ay tulog na sya papasok lang ito sa kwarto para kumuha ng damit. 

“Huwag po kayong magalala Yaya ok po kami ni Gerald”  Paniniguro nya dito

“Sa tingin ko ay nagseselos ang batang yun” sabi pa ni Yaya Matilde.

Bigla syang napatitig sa matanda at nangunot ang noo “Nagseselos po Yaya?” takang tanong nya

“Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nyo ng isang gabi, nasa kusina ako ng marinig ko ang boses ni Gerald na sumisigaw sa sala na parang may kaaway  kaya tiningnan ko” itinigil ng matanda ang ginagawa at tumingin sa kanya “Ikaw lang pala ang kausap nya kaya nagpasaya akong bumalik na sa higaan pero nagsigawan kayo, aawatin ko sana kayong dalawa kaya lang ng marinig ko ang pinag-uusapan nyo ay minabuti ko ng huwag makiaalam”

“Mali po kayo ng iniisip Yaya?” iiling-iling at ipinagpatuloy ang ginagawa. Bakit naman magseselos si Gerald imposible yun

“Maaring hindi ko nakita ang paglaki ni Gerald dahil doon sya ipinanganak at nagkaisip sa amerika, pero mula ng dumating sya dito ay ako na ang kasa-kasama nya dito sa bahay. Kaya hindi ako maaring magkamali dahil kabisado ko na ang batang yun” tila nanunuksong sabi ni Yaya Matilde

“Kayo talaga Yaya kung anu-ano nasa isip nyo” tatawa-tawang sabi nya dito pero tumatalon-talon ang puso nya sa isiping baka nga nagseselos si Gerald kaya nagagalit sa kanya.

“Yaya narinig nyo po bang lahat ang pinaguusapan naming dalawa?” kinakabahan sya na baka narinig nito ang lahat ng usapan nila ni Gerald nakakahiya sa matanda pag nalaman nito ang dahilan kung bakit sya doon nakatira.

“Naku doon lang sa part na sinisigawan ka nya dahil sa maykayakap na lalaki, hindi ko pa nga nakitang nagselos yun ng ganoon” tudyo nito sa kanya

Kaya kahit ilang araw na rin na walang ganang kumain si Sarah ay madami syang nakain ng gabing yun dahil kinikilig sya.

Hinintay nyang umuwi si Gerald  para makausap ang binata. Pero 10:30 PM na ay wala pa ito. Nagaalala tuloy sya baka kung ano na nagyari dito. Oo at umuwi ito ng gabi na pero hindi ito inaabot ng ten PM sa labas alam nya yun dahil hindi pa naman sya tulog pag dumadating ang binata. Hindi naman nya matawagan dahil nahihiya sya.

“Hay bat ba ang tagal nya?” reklamo nya sa sarili at pumunta ng veranda. Kita kasi doon ang mga paparating na sasakyan mula sa daan. Pero kalahating oras na yata ay wala pa ito.

Pumasok sya ulit sa kwarto ang lamig kasi ng hangin at baka sya sipunin pagnagtagal pa sya doon. Hindi pa sya natatagalan makapasok sa loob ay narinig na nya ang busina ng kotse ni Gerald bigla tuloy syang kinabahan.

Can't Help Fallin' (Slowly Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon