Long Time <3

402 31 8
                                    

A/N: Wihooo. Eto na.

[KaiSoo on the multimedia]

----

Third Person's POV.

Months have passed. Hindi parin sila nagkakausap. March 12 na at kakatapos lang ng Periodical exams nila.

Hanggang sa dumating ang time...

Nakaupo si Kyungsoo sa may hagdan habang nakasuot ng... earphone at saktong napadaan si Kai pababa na nakasuot din ng earphone.

"Hey" bulong ni Kai.

"Ah? Ako? Huy?" Sabi ni Kyungsoo na parang nagtataka at si Kai naman na napangiti.

"May iba pa ba?" Sabi ni Kai at umupo sa tabi ni Kyungsoo.

"Ay, sorry. Nagtataka lang ako" sabi ni Kyungsoo

"Ako din eh. Anong ginagawa mo?" Tanong ni Kai habang tinatanggal sa tenga nya yung earphone.

"Himala kinausap mo ko? Ah. Eto nilalayuan kita. Sorry nga pala noon. Ay, eto nga pala yung earphone mo. Sorry sa panggugulo sayo." Sabay abot sa kanya ng earhone.

"Pakinggan mo to, Kyungsoo" sabi ni Kai. At natawa naman si Kyungsoo.

"Himala! Ikaw na nagsasabi na makinig ako! Hahahaha"

"Basta recorded to" at pinlay ni Kai.

"Uhm. Ehem? Hello? Hi? Ge. Game. Kyungsoo, kung naririnig mo man to. Ako to si Kai. Gusto kong malaman mo na mahal kita at matagal na. Sorry kung madalas inii-snob kita. Nagrerecord kasi ako ng sasabihin ko sayo tapos bigla kang susulpot. Sorry, sana wag kana lumayo. Miss na miss na kita Kyungsoo."

Biglang nag stop yung record

"Ahhh?" Speechless si Kyungsoo.

"Kaya ayaw kong iparinig sayo yung pinakikinggan ko kasi boses ko yun. I miss you"

"Huh?" Nagtaka si Kyungsoo.

"I Love You Kyungsoo" sabi ni Kai.

"Ah. Huh?" Sabi ni Kyungsoo at napa- facepalm si Kai.

"Eh eto naririnig mo?" Tanong ni Kai.

"Sige baka marinig ko. Wala namang tugtog. Tapos yung earphone wala sa tenga ko"

"Basta pakinggan mo"

"Ano nga? Wala naman!" Sabi ni Kyungsoo na kumukontra.

"Eto.. eto oh.. Yung puso ko, naririnig mo bang ikaw yung tinitibok nito?" Sabi ni Kai na ikinabigla ni Kyungsoo.

"Huh?" Sabi ni Kyungsoo.

"HUH KA NG HUH? SABI KO ILOVE YOU" sabi ni Kai.

"Huh. Eh. I Love you too Kai" sabi ni Kyungsoo at nabigla si Kai.

"HUH?" sabi ni Kai.

"Oh! Ikaw naman nag HUH? Alam mo na pakiramdam? Tara uwi na tayo!" Sabi ni Kyungsoo.

"So.. tayo na?"

"Oo tumayo kana."

"Hindi. Tayo na? Yung bf gf ganon?"napangiti si Kyungsoo sa tanong ni Kai at napa oo.

"WOOOOH! Yes! Okay! World! Meet my one and only! KYUNGSOO! Sabi ko na nga ba eh. Ikaw ang magiging prinsesa ko" sabi ni Kai habang nakalawak ang dalawang braso.

"Huy! Baliw! Tara na nga! Hahaha! " natawa naman si Kai sa sinabi ni Kyungsoo

"I Love You Kyungsoo.."

"I Love You Kai"


"Ay wait" sabi ni Kai.

"Bakit?"

"Pakinggan mo to....

Nakarecord lahat ng nangyari ngayon"

At sabay ang tawanan nilang dalawa...

----

THE END.

Biwooooo~ Salamat!

Pliagrism is a crime.

GayleZi_qt

&quot;Pakinggan mo to&quot; [KAISOO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon