1

8 1 0
                                    

Reagan's Pov

"He is found not guilty for car theft! The case is closed."

Lahat sila ay tumayo at nagsipalakpakan, nag si-iyakan naman ang pamilya ng aking kliyente dahil sa tuwa at gaan ng pakiramdam nila matapos manalo at mapatunayang hindi nagkasala.

Nagsi-alisan na din ang iba para maghapunan,kasabay nito ay lumabas na din ako kasama ang aking kliyente.

"Attorney!Attorney!" tawag sakin ng aking kliyente.Humarap ako sa kanila.

"Maraming salamat po! Sa totoo lang po, matagal na naming kalaban ang mga iyon sa kumpanya, sinisiraan nga po kami hanggang sa pati sa personal naninira sila."

Ipinatong ko ang aking kamay sa balikat niya at sinabi. "Huwag kang mag-alala, manalo man ang kasamaan sa simula, pero sa huli laging kabutihan ang nananalo."

"Maraming salamat po, Attorney,mauna na po kami" paalam nito.

"sige, mag-iingat kayo" paalam ko rin habang papasakay sa aking itim na bmw convertible.

Pinasok ko na ang susi sa pihitan upang umandar at ibinaba ang salamin sa taas. Dinampot ko ang aking itim na shades na nakaipit sa salamin ng sasakyan at isinuot. Pagkatapos non, nagsimula na akong magmaneho ng mabilis habang pinapaandar ang radyo.

"Aktres na si Sydney Jinx, nagsampa ng kaso sa kanyang nobyo sa paggahasa sa kanya! "

Tinaasan ko ang aking radyo upang mas maintindihan ang sinasabi ng Reporter. Alam kong iniidolo siya ng aking nobyo at wala naman mali sa akin yon. Pero bakit ang lakas ng dating sa akin nito? Para bang may nag-uudyok na makinig ako at maging interesado.

"Ang suspek ay sinasabing si Mark Castillo," patuloy ng taga-ulat.

Hays!ang sama naman ng nobyo niya!

Napasapo nalang ako sa aking noo. Hindi makapaniwala sa narinig. Kaya pa lang gawin ng isang nobyo ang ganun kasalanan sa nobya.

RIIIIIINNNNNGGGGG!!!! RIIIIINNNNGGGG!!! RIIIIINNNNGGGG!!!

Nahinto ang aking pag-iisip sa pagtunong ng aking cellphone. Sinagot ko ito at hinintay magsalita ang tumawag.

"Good Evening Attorney Rae! Kailangan mong dumalo dito ng saktong 8:00 bukas, Gusto ng chief justice ikaw ang mag handle ng case ni Sydney Jinx."

"Claro. "

Yun lang at pinatay ko ang tawag at nagpatuloy sa pagmamaneho. Pagdating ko sa bahay, dalawang katulong ang sumalubong sa akin at binukas ang likod ng sasakyan upang kuhanin ang bagahe ko.

Ako lang ang mag-isang naninirahan sa malaking bahay na ito,kasama ko lamang ang aking mga katulong pati na rin ang aking alagang aso na golden retriever. Tuwing nakikita ko ang aking aso,naalala ko ang lalaking aking naging kaibigan sa France, parehas sila ng kulay ng buhok. Kamusta na kaya siya? Kailan kaya kami ulit magkikita? Kilala niya pa kaya ako? Yun ang mga tanong na pumupuno sa isip ko tuwing maaalala ko siya.

"Ma'am, nakahanda na po ang mga pagkain sa lamesa" anunsyo sa akin ng isa sa mga katulong ko. Tumayo na rin ako upang pumunta sa lamesa at sabayan sila kumain.

Natapos ang hapunan ng walang imik.Dumiretso na ako sa aking kwarto upang magpahinga dahil maaga pa akong gigising kinabukasan. Naligo lang muna ako at nagpalit ng pantulog.

RIIIIIINNNNNGGGGG!!!! RIIIIINNNNGGGG!!! RIIIIINNNNGGGG!!!

Sinagot ang aking cellphone at tumambad sa akin ng nukha ng aking nobyo, gulo-gulo ang kanyang buhok, pati na rin ang kanyang damit.

"Bat ganyan itsura mo? "

"gwapo ba?" nanunukso niyang sabi habang ginagawang salamin ang video call namin. Maya-maya'y sumeryoso na siya. "Nabalitaan mo ba ang nangyari sa idol ko, si Sydney Jinx? "

Tumango nalang ako bilang tugon.

"Pwede ba ikaw mag-attorney sa kaniya para makakuha ako ng autograph? " sabi niya sa kabilang linya habang nagpupunas ng pawis.

"Hindi ganon yon" paliwanag ko sa kanya. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil hindi pa ko sigurado at nararamdaman kong parang may mali ngunit binalewala ko nalang.

"Awe, ganon ba? pero pag nakita mo siya, paautograph ako, ha" Yun lang at saka niya binaba ang call.

Hinayaan ko nalang ang sarili kong lamunin ng kaantukan hanggang sa makatulog ako.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BZZZZZZZZ! BZZZZZZ! BZZZZZ!

Nagising akong irita sa patuloy na pagtunog ng aking alarm clock. Hindi na ako makakatulog ulit dahil mahaba-haba pa ang araw ko ngayon. Tumayo na ako para magmumog at mag sipilyo. Pagkatapos non ay umupo ako sa aking munting kainan at kinain ang dinala sa akin ng maid na umagahan. Paboritong paborito ko ang lugaw tuwing umaga sapagkat naaalala ko nung nasa france kami. Ito lagi ang aming umagahan kasama ang aking buong pamilya.

*Knock knock*

Magkakasunod na katok ang aking narining mula sa pinto.

'Come in!" sigaw ko mula sa kwarto at bumakas ang pinto. Tumambad sa akin ang isa pa sa aking mga katulong na may dala ng aking bagong laba at bagong plantsa na damit.

"Iwan mo nalang muna yan sa kama" minuwestro ko ang aking daliri sa kama. Lumapit naman siya doon at dahan-dahan inilatag doon ang aking damit. Pagkatapos non ay lumabas na rin siya dala ang aking mga pinagkainan.

Nagpasya na akong maligo kaya pumasok na ako sa aking malaking banyo. Inalis ko ang aking saplot at lumusong na sa aking bath tub. Hinayaan ko ang aking katawan na magpahinga sa tubig habang ang aking utak naman ay naglalayag sa mga alaala ko sa France.

Magkatapos ang ilang minuto, natapos na rin ako maligo at nagbihis na rin ko ng aking itim na bestidang naghuhubog sa aking katawan at itinapal ang aking puting blazer na kasing haba din ng aking bestida. Sinuot ko din ang aking itim na boots na de takong. Pagkayari non, nagtapal ako ng kaunting make up sa aking mukha at hindi mawawala ang pulang labi ko sapagkat turo sa akin na ang pula ay nagsisimbolo sa 'makapangyarihan at karespe-respeto'. Hinayaan ko na din ang aking buhok na kulot at may kahabaan na lumadlad.

"Pakisabi kay manong,palabas na ang aking itim na sasakyan" anunsyo ko mula sa intercom na nasa home office ko at maririnig sa sala.

BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!

Saktong pag anunsiyo ko nito, narinig ko ang pagbusina ng aking sasakyan sa labas kaya mabilis na dinampot ko ang aking bag na dinadala sa office at bumaba na rin para sumakay ng sasakyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fight for RightsWhere stories live. Discover now