10 years ago...
Sa gitna ng bukirin ng mga lavender , may isang batang babaeng nakaupo sa paanan ng isa sa mga puno doon at aliw na aliw sa panood kung paano gumiwang ang mga lavender pasabay sa hangin na malakas.
"Buti pa ang mga ito,kahit walang malay,nararamdaman mong masaya sila na pinapanood sila."nakangiting usal ng batang bkoabae at pumitas ng isang lavender at nilanghap ang amoy nito at tumitig dito."Ang mga ito lamang ang tanging nagbibigay aliw sa akin."
Muling tumayo ang batang babae at akmang aalis nang may narinig na magandang tunog ng akordyon na nanggagaling sa kabilang bahagi ng puno na tinatambayan niya.
"Sino naman kaya iyon at nasan iyon?Akala ko ako lang tao dito,hays"napabuntong-hiningang isip ng batang babae.
"Aha!"
Napatigil ito sa pagtutugtog ng akordyon,nangunot ang noo at muling bumaling sa kaniya na may nagtatakang tingin.
"What do you want?"
Saka minasid ng batang babae ang kanyang buong itsura.Ang kanyang mga malalaking mata ay asul at parang isang malalim na karagatan na kahit sino ay malulunod dahil sa lalim at puro ng kanyang titig at talagang parang araw na nakakasilaw ang kislap ng mga ito.Ang kanyang ilong ay perpekto at naaayon sa kanya at ang labi niya ay may magandang kurba at talagang nakakailang.Ang Kanyang kutis ay maputi at sobrang kinis.Ang buhok naman niya ay kulay ginto at bagsak na may kahabaan.Talagang maihahalintulad niya siya sa anghel dahil sa sobrang puti ng kanyang chiton at kanyang taglay na itsura.
Napahiya ang babaeng bumaling sa kanya."Ummm i love it,it sounds..."napaisip siya nang hindi malaman ang sasabihin at tumitig sa kanya at ngumiti."breathtaking."
Bilang tugon,ngumiti ang lalaki ng sobrang tamis na ngiti at kumawala and maputi at pantay-pantay na ngipin niya at inilahad nito ang kamay sa babae."Xavier"
"Rae"nakangiting tugon ng babae at may pag-aalinlangang tinanggap ang kamay ng lalaki at inilalayan naman siya nito para makatayo."Where are you from?"
"Genníthika kai megálosa stin Elláda allá metakomízoume pánta se diaforetiká méri ótan écho 5"
Nagtatakang nakatitig sa kanya ang babae na para bang hinuhulaan kung anong lenggwahe ang sinasabi niya at tinatanong kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.Nanlaki ang mga mata ng lalaki nung napagtanto niyang hindi siya nito naiintindihan.
"I-i m-mean....sorry my b-bad...i'm not from here,i'm from Greece,we started traveling in different places when i got 5"nauutal na paliwanag niya.
Tumango ang babae at sinabi."Just like you ,i'm not from here too,i'm from Philippines."
Namangha ang lalaki nung binanggit ng babae ang 'Philippines'."I've read a lot of wonderful things about that country even though my family were travellers,i've never been there but i want to go there.
"Someday,i'll take you with me to the Philippines"saad ng babae at inilahad ang pinakamaliit na daliri at ngumiti sa lalaki."Friends?"
Nakangiti naman pinagkrus ng lalaki ang kanilang hinliliit at masiglang tumango.Matagal silang nasa ganoong posisyon nang may malakas na sigaw mula sa kalayuan.
"RAE PUMASOK KA NA RITO AT MAAGA PA TAYO BUKAS!"
Napabuntong hininga ang babaeng tiningnan at muling nagliwanag ang mukha nang may naisip.
"Tomorrow is my 10th birthday and you are invited"saad nito."It will be held in our house,over there."Turo nito sa isang bahay na nasa barrio na may dalawang palapag at gawa ang dingding sa mga laryo at asul na bintana at kahoy naman na pintuan na paarko.
Tumango na lamang ang lalaki at ngumiti.Kinuha and kanyang harpa."I am sure that i will attend your party tonorrow for we are just neighbors."saad nito at inilahad."Come on,let's go there together.My mom is also waiting for me."
Tinanggap naman nito ang kamay ng lalaki at sabay silang naglakad patungo sa baryo.Nakangiti sa kawalan at walang imik hanggang sa matunton nila and kani-kaniyang tirahan.Muli silang sumilay ng ngiti sa isa't isa at nagyakapan ng mabilis bago pumasok sa loob ng kani-kaniyang tahanan.
Rae's Pov
Pagpasok ko sa bahay , bumungad sa akin ang mabangong at malinamnam na amoy ng isang ulam at aking ina na may hawak ng isang malaking kaldero at inihahain sa aming bilog na lamesa.Pagkatapos ihain ang hapag-kainan ay umupo na kami sa aming upuan.
"Rae San ka na naman ba galing?"tanong ng aking ina na nasa upuan na nasa tabi ng aking bunsong kapatid at tapat ng aking ama.Katabi ko naman ang aking ama at ang aking kuya.
"Diyan lang po sa lavender fields,ma"sagot ko
Bumaling naman ang aking ina sa aking kuya na may limang taon ang tanda sa akin."Oh , ikaw naman, Rex,san ka naman galing?"
"Sa pamilihan po,ma,kasama ko po ang aking mga kaibigan,tinulungan po nila ako mamili ng regalo"saad ng aking kapatid at bumaling sa akin ng may ngiti.
Ngumiti naman ako bilang tugon.Umubo ang aking ama at tinanong ako."May naisip ka na bang iimbitahin para bukas?"
Mabilis naman akong tumango."Opo,papa,nagkaroon po ako ng kaibigan,si Xavier po,kapitbahay po natin."
"Aba!Estudyante ko yang bata na yan at nasisiguro kong matalino at mabait na bata yan dahil sa murang edad niyan,ganun na karami ang alam niya sa pilosopiya at musika ngunit tahimik tahimik lamang siya."
"Ang talino namang bata niyan , gusto ko siyang makilala!"saad ng aking ina habang pumapalakpak.
"Ate , laro din ako kaibigan mo"singit ng aking bunsong kapatid.
"Baka manliligaw mo yan,ah?"saad ng aking kapatid na may halong pagbabanta.Binigyan naman siya ng nagbabantang tingin ni mama.
Ano yung manliligaw??Ngayon ko lang narinig yun ah...
"Kuya ano yung manliligaw?"takang tanong ko.
Binigyan naman siya ni nanay ng nagbabantang tingin."Ahhh..ehhhh..ano-"
"Ang manliligaw ay isang tao na naghahayag ng kanyang pag-ibig at pag-ibig sa iyo.Hinahayag niya yon upang ika'y mapakasalan at makasama habang buhay ngunit ito'y sinasagot lamang sa tamang edad."Sagot ng aking ama at bumaling sa aking ina."Hayaan mong maaga niyang malaman ang sagot sa lahat nang lumaking matalino."
Napayuko naman ang aking ina at muling bumaling sa kinakain.Natapos ang hapunan namin ng walang imik at kanya-kanya kaming bumalik sa aming mga silid upang matulog at magpahinga.
Kinabukasan...
'Knock Knock.....Knock Knock...Knock Knock'
Nagising ako sa tatlong magkakasunod na katok sa pinto...ano ba naman to,ang aga-aga...
"Rae, bilisan mo diyan at nandito na ang kaibigan mo!!!"
Dinig ko ang sigaw ng aking ina kaya naman dali-dali akong bumangon para gumayak.Turo sa akin ng aking ama na huwag pinaghihintay ang mga bisita.Dali-dali akong pumasok sa banyo upang maligo.Makalipas ang ilang minuto ay nagbihis na ako ng aking purong puti na bistida at hinayaan nakaladlad ang aking buhok.
Sinuot ko ang aking sandals at dali-daling pumunta sa sala at nadatnan ko siya nakasuot ng puting chiton.Lukot-lukot ngunit malinis at puting-puti din na para bang hindi ito nadadaplisan ng dumi.
Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin at inilahad ang kanyang regalo,isang kwintas na may imahen ng babaeng nakapiring,may hawak ng timbangan at espada,at nakatapak sa ahas sa gitna.Nakangiti ko yung tinanggap at isinuot at muling bumaling sa kanya.
"This is the appointed day of our voyage,we will never meet again.Take this as something that reminds you of me as someone who will always fight for what is right.Till our paths unite again."
YOU ARE READING
Fight for Rights
Teen Fiction"Hindi man kita kilala pero oras na tumayo ka rito sa harapan ko,nasisiguro kong buong pagkatao mo ay kabisado ko na pati ang binabalak mo dahil mata ang tanging bubuking sa katotohonan at kamao ko ang tatalo sa kasinungalingan." Reagan Sage Dagon.S...