B E S T F R I E N D S

22 0 0
                                    

So normally,  a story starts with an introduction of the main character. Here it goes, Hi! Ako si Jade Miller. Kadiri pangalan ko noh? Eh paano ba naman kasi, yung tatay ko, isang sosyalerong Americanong tago ng tago sa anak niya. Nakakatawa kasi kahit wala siya, may nanay naman ako. Yung nanay na yun? Siya? Sinisigawan niya ako. Kelan? Ngayon! Bakit? Kasi ang bagal ko maligo.

"JADE! Ano ba! Mabango ka na! Amoy ka na sa labas. KAYA MAGBANLAW KA NA!" sigaw ng nanay kong bungangera.

"Eto na eto na." Pag labas ko, wow unexpected. Si Daniel Padilla! 

Pero syempre, joke lang yun. Bakit naman ako hihintayin ni Daniel Padilla matapos maligo diba? Pero pwede na din to maging Padilla ng buhay ko.

"Daniel! Anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang mata ko. Jusko. Wala akong suot diba? Tas ang gwapo pa ni Daniel Brown.

"Ha? Ano ulit? Na-distract ako.. Ang sexy mo," napatigil ako. Nakalimutan ko ata huminga. "Uy Jade. Joke lang. Mataba ka parin. Joke lang din yun. Sexy ka. Pero ang ka-sexy-han, tinatakpan. Magbihis ka na! Mal-late pa tayo kakatitig mo sakin!"

~

"BYE MA!" 

"Bye Jade. Umuwi ka ng maaga. Sumabay ka kay Daniel." sabi ni mommy pagkalabas ko ng gate. Yun naman lagi niyang sinasabi eh. Araw araw. Tuwing umaalis ako. 

"Ayun oh. Ang bango!" Sabi ni Daniel. 

"Tigil tigilan mo nga ako Brown. Ang aga mo dumating di pa ako tapos maligo. Hayyyyyyyy!" sagot ko sakanya pagsakay sa sasakyan niya na ubod ng kaartehan sa sobrang linis.

"Weh. Ayan ka nanaman Miller. Alam ko na ayaw mo tumabi sa akin na may tuyong laway sa pisngi. Pero mallate na tayo. At hindi nallate si Daniel Brown sa school, okay?"

"Shut up Brown. What you did earlier? Was...uh! Unbearable!" pabulong ko sinabi sakanya. Gustong gusto ko magenglish. Bakit? 1. sosyal 2. ganda pakinggan sa englishera kong dila 3. "Miller" nga kasi diba?

Kinurot ni Daniel ang pisngi ko. Ganito kami lagi. Pag nag-engish ako, kukurutin niya ako. Alam niya na galit ako. "Jade Miller, minamahal kong kaibigan. Wag kang magalit. Maaga kang tatanda. Smile na. I love you best friend."

Best friend? I have eyes that can be compared to the bluest sea, a smile that can be brighter than the sun and syempre, a heart that's full of Daniel Brown. AND I'M JUST A BEST FRIEND. ANONG MANGYAYARI SA BABAENG TORPE TULAD KO? :( 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon