22

1.3K 43 7
                                    

CHANGES

***

STELLAR'S

***

Nagmamadali ako sa paglalakad pauwi sa bahay para masabihan ang Pio Montanga na iyon. Aanga-anga pa naman ang lalaking iyon at sigurado akong kapag hindi ko siya nasabihan, baka hindi ko na talaga siya abutan nang buhay at tuluyang mawala ang perang kapalit ng pagbabantay ko sa kaniya. Ewan ko ba naman kasi kung bakit gano'n katanga si Pio. Gaano katagal ba siya itinago ng nanay niya sa ilalim ng saya nito para maging gano'n kaignorante sa buhay. Partida, nakapagtapos naman siya ng pag-aaral pero simpleng gawaing bahay, napakatanga.

Mabuti na lang din dahil walking distance lang ang lugawan nila Mami sa bahay kaya kering-keri kong takbuhin. Muntik ko pa ngang maiwanan iyong sabaw at extra na ulam na palagi sa aking pinapauwi ni Mami kapag ganitong ginagabi ako sa lugawan.

Habang nasa tinutungo ang daan pauw, sandali akong napatigil nang makita ko na naman iyong tatlong lalaki na naghahanap kay Pio at kini-claim na kapatid daw nila kahit na sa face value pa lang, knows mo nang hindi.

Hindi ko sinasabing gwapong-gwapo ako kay Pio. Pero nagpapakatotoo lang ako sa part na medyo nakaaangat ang mukha ni Pio sa tatlong damuho na 'to.

Bahagya akong yumuko upang itago ang mukha ko nang mapadaan ako sa kanilang tatlo. Narinig ko pa na may nagsabing mali raw yata ang sinabi ng asset nilang lugar.

Nang makalagpas ako sa mga tukmol na naghahanap kay Pio, kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Napasimangot pa ako dahil ang lag. Nakailang tapik pa ako sa screen bago ko nabuksan nang tuluyan iyong lock. Sa mga pagkakataong ganito, nakakawala talaga ng pasensya ang mga ganitong lag na cellphone.

Hindi ko sure kung may load pa ako pero bahala na. Habang lakad-takbo, tini-text ko naman si Tito Jerry na nandito na iyong mga lalaking naghahanap may Pio. Kung tama ang rinig ko, nandito ang tatlong tukmol na 'yon sa barangay namin dahil may nagtiktik sa kanila. Ibigsabihin lang no'n, susuyurin nila ang buong lugar na 'to hanggang sa makita nila si Pio. Kailangang malaman iyon nila Tito Je para magawa ng paraan.

Ang usapan lang babantayan ko si Pio sa pamamagitan ng pagpapatira sa bahay ko. Wala sa usapan na sasalo ako ng bala para sa kaniya. Kapag nagkagipitan na, walang tanong na ibibigay ko siya para masigurong ligtas kami ni Kuya Ge.

Nasa kanto na ako ng street namin nang makita ko si Joaquin, iyong anak ni Aling Chichay na nagtitinda sa palengke at isa sa mga umamin ng feelings niya para sa akin. Oo. Gano'n ako kaganda.

"Stellar!" Nakangiting lumapit siya sa akin at hindi ko alam kung matutuwa ako na ngayon ko pa siya nakita kung kailan nagmamadali ako dahil baka may abutan akong bangkay sa bahay ko.

"Joaquin, bakit ka napadayo rito?" bati ko sa kaniya— sandaling bumagal ang paglalakad ko para masabayan niya ako.

"May pinadala si Mama kila Manang Mercy kaya napadpad ako rito?"

Napatango naman ako sa sinabi niya habang diretso pa rin ang tingin ko at lakad-takbo pa rin ang ginagawa.

"Nagmamadali ka yata?"

Napaingos ako sa tanong ni Joaquin. "Obvious ba?" sagot ko sa kaniya bago siya nginitian. Ang ayaw ko sa lahat, iyong itatanong pa iyong obvious naman na.

Napakamot siya sa ulo at napansin kong lakad-takbo na rin ang paglalakad niya para lang masabayan ako. "Hatid na kita ha? Gabi na, delikado para sa mga babae."

Gusto kong mag-react sa sinabi ni Joaquin. Napaka-double standards kasi no'n. Bakit para sa babae lang delikado ang gabi? Kapag lalaki, p'wede silang magpagala-gala riyan kahit gabing-gabi at makakauwi sila ng buhay sa mga bahay nila. Pero kapag babae, dapat hindi aabutan ng gabi sa daan kasi delikado? Kailan kaya mababago ang sistemang 'to? Bakit hindi maging, babae man o lalaki, 'di mapapahamak sa daan kapag ginabi kasi mas maayos at mas mabait na ang mga tao para gawan nang masama ang kapwa nila.

Him and His Alien HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon