05

2K 69 42
                                    

EXPECT THEM TO CLASH

***

PIO'S

***

Iika-ika akong naglakad palabas ng maliit na silid kung saan ako nagising. Hindi ko sinuot ulit 'yong t-shirt na pilit niyang ipinapasuot sa akin kasi hindi ko iyon deserve na suotin.

Sinusundan ko lang si Stell the cursing machine with pink hair na halos patayin na ako sa talas ng irap niya sa akin.

While following her lead, my gaze roamed around the whole place. It's actually spacious compared to that small bedroom where I woke up. Pero hindi mo maitatanggi na hindi ito ang klase ng bahay para sa katulad ko. Gawa sa kahoy at kitang-kita mong hindi matibay na pagkakagawa nito kahit na ba ang ilang parte ay sementado. I mean, the hollow blocks are obviously fragile and recycled.  May bakal man lang ba ang foundation nito? At iyong mga yerong ginamit sa bubong ay halata mong binili lang sa junk shop dahil sa kalawang.

My gaze averted to the typical sala with a wooden bench and a television with CRT monitor. Napangiwi ako sa dahil ang lakas sa kuryente ng mga TV na gano'n kaysa sa LED TV. Sa tabi ng TV ay isang stereo na medyo out of date na rin. Sa dingding naman ay iba't ibang posters ng mga k-pop na lalong nagpakunot sa noo ko. Now, I'm getting where did she get her style and fashion.

"Pasalamat ka talaga at ibinilin ka sa 'kin ng Tito ko," the cursing machine with pink hair said before shaking her head. "Kun'di baka hinayaan ko na lang na umagos iyong dugo mo hanggang sa tuluyan ka nang mamatay na hudas ka."

"Can you at least call me, Pio?" I asked her before heaving a sigh.

This woman has no class or breeding at all. Napakarumi ng bibig at nakakainis ang malimit niyang pagmumura. Ang sakit sa tainga.

"Inuutusan mo ba ako?" she asked, stopping on her track and turning at me just to give me her middle finger. "Mas bagay sa 'yo ang hudas kasi puro pang-iinsulto lang ang lumalabas sa bibig mo."

My jaw clenched when I heard Victor laughs inside my head. The audacity of this woman? Siya rin naman, puro pang-iinsulto ang sinasabi sa akin. Kung alam lang ng babaeng ito kung gaano ako kalaking tao sa lipunan, baka bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko. She's getting into my nerves and I'm not that patient.

"I know Jerry wasn't able to tell you about my real identity due to some circumstances," I said, keeping a casual face even though all I want was to yell at her for treating me like this. "But I suggest for you to treat me right because you will surely regret this," I warned her.

Pero hindi tumalab sa kaniya iyon dahil tinawanan niya lang ako.

"Ikaw ang ginagawan ko ng pabor dito, Pio," she said, putting a stress on my name as if it's a big debt of me for her to call me by my name. "Kaya 'wag mo akong bantaan kasi 'di tatalab iyang kayabangan mo sa aking tukmol ka. Gusto mo ng respeto? Ibigay mo rin sa akin para quits tayo."

Hindi ako nakaimik nang bigla siyang lumapit sa akin at taas noong sinundot ang sugat ko. I took a sharp gasp as pain surged into my system. I stared at her with wide eyes as my forehead turned into a deep frown because of throbbing pain.

"Baliw ka na ba!" I yelled at her as I endure the pain.

Hindi man lang siya nakonsensya sa ginawa niya. Sa halip, nginisian niya pa ako.

"Maricris! Ang respect ini-earn iyan!" she said. "Kung gusto mo ng respeto, matuto kang ibigay iyon sa ibang tao. Give and take."

"What?" I sighed before my left hand clenched. "Who the fuck is Maricris?"

Him and His Alien HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon