CHAPTER 2
POV RHEA MAE
Nag-aalala na ako sa lolo ko.Kung bakit ko kasi iniwan ko mag-isa.Buti na lang tumawag ang kabitbahay namin na binalitaan ako na wala na daw sa bahay namin ang lolo ko.
Dalawa na lang kami ng lolo ko.Dahil bata pa ako namatay na ang mga magulang ko.Atang lolo ko na ang nag-alaga sa akin noong pitong taon gulang pa ako.Ngayon dalawaput apat na taon gulang na ako.Highschool lang ang natapos ko dahil natanggal na ang lolo ko noon sa trabaho niya sapagkat matanda na ito.At hindi na kaya mag construction worker pa.Kaya ng wala na trabaho ang lolo ko kailangan ko na tumigil ng pag-aaral.Kahit gustuhin ko man tumuntong ng kolehiyo hindi na din maaari dahil wala mag-aalaga kay lolo.Atsaka naintidihan ko naman dahil sasitwasyon namin sa buhay na kapus kami sa pera.
Ngayon matanda na talaga ang lolo ko.Ulyanin na minsan,medyo mahina na ang pandinig at minsan sumasakit na ang buong katawan.Kaya inaalagaan ko ito ngunit kailangan ko din magtrabaho para sa pang araw-araw namin at pangbili ng gamot ni lolo.Minsan lagi kami nagkukulang dahil isa lang ako saleslady.At sa panahon ngayon lahat ng bilihin ay nagmahal na.
Humahagolgol na ko ngayonsa pag-iyak.Dahil ano-ano na ang iniisip ko sapagkat hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang lolo ko.
"Diyos ko sans po huwagninyo pabayaan ang lolo ko.Siya na lang ang natitira na mahalaga sa buhay ko.Hindi ko na makakaya pati siya kunin mo po sa akin."-umiiyak ako habang nagdadasal.
Pati sa tanod namin sa baranggay nagpatulong na ako.Ngunit hindi pa nila nakikita ang lolo ko.
Tiningnan ko ang oras mag alas-siyete na ng gabi.
"Gabi na ngunit hindi pa rin nahahanap ang lolo ko.Baka nagugutom na yun.Bumili pa naman ako ng paboritong niyang siopao."-sabi ko habang hawak-hawak ko ang siopao.
"Siguro kailangan ako na ang maghahanap sa lolo ko."
Na may bigla kumatok sa pinto namin na yari lang sa kahoy.
"Baka ang mga tanod na ito.May balita na siguro sila sa lolo ko."-Napinuntahan ko ang pinto upang buksan.
Na kinagulat ko ng pagbukas ko ng pinto.Na ang lolo ko na pala ang kumakatok.Dahil sa sigla ko nakita si lolo niyakap ko siya ng mahigpit.
"Salamat lolo andito ka na.Nag-alala po talaga ako sa inyong sobra.Huwag na po kayo aalis ulit lolo"-na pumatak naang mga luha ko.Nabasa tuloy ang balikat ng lolo ko."Sorry po lolo.Nabasa tuloy ang damit mo"-sabi ko na bumitaw na ako sa pagyakap.
"Sorry apo.Pinag alala kita."-lolo
"Ayos lang lolo basta mahalaga nakauwi ka ng ligtas."-Ako
"Teka lang lolo,sino pala ang naghatid dito sa inyo?"-Ako
Na lumingon si lolo sa likuran niya at tinuro ang isang lalaki na nakatayo sa magarang kotse.
"Siya po ba?!"-takang tanong ko
"Siya nga apo.Ang mabait na lalaki yun."-Lolo
Kaya nilapitan ko ang lalaki na tinutukoy ng lolo ko.
"Ahmp.Ikaw pala ang tumulong sa lolo ko.Salamat talaga dahil sa iyo nakauwi ng ligtas ang lolo ko.Ako pala si Rhea Mae Natividad."
BINABASA MO ANG
Puso kong litong-lito
RomanceShort Story + Romance Minsan sa buhay akala mo siya na talaga ang babae ang makakasama mo sa buhay. Ngunit huli na pala darating ang totoo pagmamahal sa buhay mo na kung meron kana. Tulad sa buhay pag-ibig ko nalilito na ngayon ang puso ko sino ang...