Chapter 1

92 4 2
                                    

Chapter 1

"Feeling maganda! Cheap naman!" Sambit ng isang babaeng estudyante habang dinuduro duro ang babaeng kausap niya na gulo gulo na ang buhok. May kasama din yung babae na mukang mga alagad niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at 'di sila pinansin dahil hindi ko naman sila kilala at wala din akong mapapala.

"Nakakahiya ka, feeling mo gaganda ka na nyan dahil lang sa pagmemake-up mo at pagsusuot ng damit na 'di naman bagay sayo? Girl, wake up!" Narinig kong sabi pa ulit nung babae na maarte. Nakalagpas nako sa kanila pero napatigil ako ng marinig yon at napahigpit ang kapit sa strap ng backpack ko. Wala din akong magagawa dahil parehas lang kaming mahina nung isang babae. Baka mas lalo ko lang mapalala ang sitwasyon.

Huling araw ko na ngayon sa dating kong school dahil balak ko nang magpatransfer sa magulang ko at ayokong madamay pa sa ibang bagay. Kahit nakakaramdam ako ng guilt ay inalis ko yun sa isip ko at tumakbo nalang paalis nang may makasalubong ako na isang matandang babae. What weirded me out is the fact that she is directly staring into my eyes, like she was calculating something in me. Napaatras naman ako ng konti dahil dun.

"Iha, wag ka mag-alala. Hindi naman ako mangkukulam para tingnan mo ng ganyan." Sabi niya sabay tawa. Lumuwag naman pakiramdam ko dahil dun kahit medyo nag aalangan pa din ako sa kanya.

"Halika dito iha, may itatanong lang ako sayo." Dagdag pa niya. Napaturo naman ako sa sarili ko kahit alam ko namang ako lang tao dun. Tumango naman siya at pumunta sa gilid at umupo sa bangketa. Mukang pagbebentahan pa ata ako ng pampaswerte or something. Sumunod naman ako sa kanya.

"Iha, hindi ba nakita mo kung ano ginawa nung babaeng estudyante kanina sa kasama niya?" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nakakahiya! Alam ko naman na masama kase wala akong ginawa para pigilan yung babae. Eh wala din naman kasing mangyayare madadamay lang din ako. Ngumiti naman siya nang mapansing 'di ko nasagot ang tanong niya. Weird.

"Magpapatulong lang sana ako iha. Pwede mo ba hanapin yung nandito sa mapa?" Sabi niya at may inilabas. Uso pa ba mapa ngayon? Sumilip naman ako nang ipakita niya ang sinasabi niya.

"Dito sa may marka na ito, iha. Hanapin mo yung library dyan." Sambit niya sabay turo dun sa lugar. Muka namang malapit lang dito pero hindi pamilyar yung lugar dahil malapit na siya sa gubat. Ngayon ko lang pala naisip, wala masyadong tao na napunta sa lugar na sinabi ng matanda.

"Ano naman po ang gagawin ko dun?" Tanong ko kahit skeptical pa din ako kung susunod ba ako. Malay ko ba baka scam pala 'to or something.

"Malalaman mo na dun mismo." Nakangiting sagot nung matanda sabay hawak sa kamay ko. Hays, gawin ko na nga lang baka makahanap pa ko ng tunay na treasure dun o baka may matagpuan akong pogi dun. Bat ko naman siya susundin eh hindi ko naman sya kilala? Somehow, I think I can mend my guilt kung gagawin ko ang gusto ng matanda. Tumango naman ako at ngumiti din tsaka umalis na. Pero bago yun ay nagulat pako ng hawakan ng matanda ang balikat ko habang nakatalikod nako.

"Maraming salamat at mag-ingat ka, iha" nakakapanindig balahibong wika niya. Tumango nalang ako at di na siya nilingon.

Sa totoo lang skeptical pa din ako pero ewan ko tuwing tinitingnan ko tong mapa parang may nag-uudyok sakin. Pagabi na pala kailangan ko na bilisan dahil mabobobo lang ako sa curiosity ko. Sumakay ako ng bus papunta dun sa lugar kung saan malapit yung tinuro ng matanda sa mapa. Ewan ko din ba bakit tumuloy pa ko ngayon kahit pwede namang bukas nalang. Pumikit muna ko habang hinihintay na makarating sa destinasyon ko.

"Huy guys! May lunar eclipse daw mamaya. Tara muna samin. Pictorial din tayo pagtapos natin picturan yung moon." Rinig kong chika ng isang babae sa likod ng pwesto ko.

Path Of A VillainessWhere stories live. Discover now