Chapter 4

50 6 0
                                    

Chapter 4

He stared at me coldly. I bit my lip nervously while looking down. Ano ng gagawin ko? Ano bang sinasabi ni Venelope sa tatay niya?!

"Dad! I missed you!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Naramdaman ko namang nagulat siya at lumayo kaya napabitaw din ako agad sa kanya. Kitang kita sa kanya ang gulat na para bang niyakap siya ng di niya kilalang tao. Totoo naman afterall dahil di naman talaga ako si Venelope. Bumalik din naman siya sa dating hitsura niya matapos ang ilang segundo. Fvck, na-wrong move ba ko?

"What do you need? New clothes? Jewelry? Just tell me quickly I don't have time." Tanong niya sakin. Samantalahin ko na ba tong chance na to? Sayang naman panigurado mamahalin huhu.

"I don't need those." Yun nalang ang sinabi ko dahil mataray naman talaga si Venelope.

"Then what do you need?" Tanong niya ba na parang unusual na maging ganon si Venelope sa kanya unless na may kailangan siya.

"What's that behind your back?" Puna niya sa backpack ko, napahawak naman ako dun at umiling.

"Hand it to me, now." May pagbabantang sabi niya sa akin. Lagot na talaga ako neto. Mabubuking pa ng wala sa oras. Dahil natatakot ako sa kanya, binigay ko na yung backpack ko. Pagkabukas niya nun ay masama niya kong tiningnan, mas nakakatakot pa sa kanina.

"What in the world are you thinking Venelope Victoria?! Trying to run away again? Hindi ko na to palalampasin Victoria, go back to your room!" Galit na sigaw niya sa akin. Hindi na din ako nakapagexplain dahil wala din naman akong masasabi na kapani-paniwala. Sinenyasan niya naman yung bodyguard niya sa likod na iescort ako at ganun nga ang ginawa nila.

Plan B failed!

I literally forgot about Venelope's parents! I'm so dumb.

Napahiga nalang ako sa malaking kama at nagpagulong gulong dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Bukas na makikilala ni Brielle ang tatlong potential male lead pero di ko pa din alam ang planong isasagawa ko para makasurvive sa mundong to. First day palang naman nung dumating ako dito kaya dapat di muna ko magpakastress at ienjoy ang mayaman na buhay. Pumunta ako sa malaking cr ng kwarto at pinagmasdan ito. Marble blue ang kulay ng pader at meron pang pa-bathtub. Nakadisplay din ang mga essence na ginagamit sa bathtub at kung ano pang sosyaling gamit. Nakasabit naman sa gilid ang tatlong magkakaibang kulay na bathrobe. Napatingin naman ako sa salamin sa gilid ko at napangiti dahil ngayon lang ako makakaexperience ng ganto. Pinuno ko ng tubig ang bathtub at naglagay ng nakadisplay sa gilid na mga pampabula. Sa dami ng ginamit ko hindi na ata ako mamaho ng isang taon. Sinindihan ko din ang mga candles na nasa gilid at naglagay ng rose petals sa bathtub.

Pagtapos ko ienjoy ang sosyal na paliligo ay binuksan ko ang closet ni Venelope at namili ng pinakacomfy pero pang mayaman na pantulog. Syempre no sasagadin ko na tong experience na to sayang eh. Bukas ko na muna iisipin back up plan ko.

Kung iisipin mo paniguradong maghihigpit tatay ni Venelope dahil sa nangyari kagabi at hindi nga ko nagkakamali dahil kinabukasan ay biglang dumami ang bodyguard sa buong mansion at ganun din sa labas ng kwarto ko. Hayaan na nga yung Plan C enjoy ko nalang tong pagiging mayaman. Si butler ulit ang sumundo sakin para pumuntang school. Sinabi niya din sakin na umalis na daw si William papuntang trabaho. Ang weird I mean pede ko naman siya siguro tawaging ganun nalang kesa dad no? Afterall, hindi naman din totoo ang lahat ng nandito.

Now that I think about it, the worst thing that could happen to me is to get attached to the people in this book. Napahigpit ako ng kapit sa bag ko nang maisip yun dahil I could never really get them into my reality. I should stop thinking about that, kailangan ko ng humanap ng paraan paano agad makakaalis dito as soon as possible. It's time for my next plan.

Path Of A VillainessWhere stories live. Discover now