Araw ngayon ng linggo kaya chinek ko lahat ng activities ko kung tapos na and so far okay na lahat.
Wala na akong ginagawa so I open my wattpad and start reading the story of my favorite author missgrainne.
As I was reading hindi ko namalayan na ala una na pala ng madaling araw at may pasok pa ako ng exactly 7:30. Kaya tinigil ko na muna ang pagbabasa kase maaga pa ako bukas.
Ipinikit ko na ang aking mata pero hindi mawaglit sa aking isipan kung ano na ang susunod na mangyayari sa aking binabasa, kaya nagbasa ako ulit isang chapter pa.
Pagkatapos ng isang chapter ay matutulog na sana ako kaso sinisigaw ng demonyo kong isipan na 'one last chapter' hanggang sa natapos ko na yung story ng di namamalayan ang oras na 2:49 am na.
Kinabukasan muntikan pa akong mahuli sa klase dahil sa sakit ng ulo ko. Buti nalang may ginawa yung teacher namin ng first period kaya na late sya.Saktong sa likod lang ang pwesto ko kaya don ko tinuloy ang pagtulog ko.
Naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko kaya nagising ako,"oyy break na, tara na sa canteen" bungad sakin ng bestfriend ko.
"Huh?" sabay linga sa paligid,"break na pala,bilis naman" sabay punas ng mukha ko.
"Aiii gaga ka, ano bang pinaggagagawa mo kagabi at puyat ka?" panenermon sakin ng kaibigan ko, "don't tell me na scam kana naman sa pagbabasa sa wattpad ng 'one last chapter'" dugtong pa nya.
"HAHAHA edi diko sasabihin", sagot ko, " Ngenang 'one last chapter na yannnnn, napuyat ako."At dyan nagsimula ang alamat ng puyat.😅
