"Grecia!" nilingon ko si Aya na bigla na lamang tumayo at nag tatalon-talon. Sinulyapan ko lamang siya.
Andito kami ngayon sa condo ko. Nag-eencode lamang ako sa laptop ko ng bigl na lamang dumating si Aya para mag-ingay na naman.
"Check your IG!" napakamot ako sa ulo ko at nag-patuloy lamang sa pagta-type sa laptop. Bukas na ang deadline nito at kailangan matapos ko na ito ngayong araw pero mukhang imposible dahil may kasama akong makulit.
"Mamaya!" inis na sabi ko. Lumapit siya sa akin at binatukan ako. "Ano ba!"
"Pag 'di mo chineck yan magugulat ka nalang. Hay, ang busy mo naman." Hinilot ko ang parte ng ulo ko kung saan niya ako binatukan at tiningnan siya ng masama.
"Mamaya nga! Bukas na deadline nito!" sabi ko at nakakunot -noong nag patuloy sa ginagawa ko.
Nacu-curious ako sa sinasabi niya pero kailangan ko na talagang tapusin 'tong ginagawa ko kundi lagot na naman ako kay Mrs. Jamie, ang boss ko.
"Sige lang Gresh. Good luck!" nakangiting saad niya at tumawa pa. Bumalik siya sa inuupuan niya at nag-patuloy sa pag-tawa.
"Wala ka bang shooting ngayon?" inis na tanong ko. Si Aya ay isang sikat na model dito sa pilipinas. Mas makikita siya parati sa mga poster ng mga beauty care products at make ups.
"Wala. Bukas pa." Kumuha siya ng apple sa lamesa at bumalik sa sofa. Napa-iling na lamang ako at bumalik sa pagta-type. Medyo masakit na rin yung likod ko pero kaya ko pa naman.
"Gresh?" Sinulyapan ko sandali si Aya at bumalik ulit ang tingin sa ginagawa ko.
"Paano kung mag-kita kayo?" napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon siya.
"Sino?" tanong ko kahit alam ko kung sino ang tinutukoy niya pero hindi ko nalang inisip dahil baka hindi rin naman siya ang tinutukoy ni Aya.
"Alam mo kuing sino ang tinutukoy ko." Ngumisi siya. Minsan talaga nakaka-inis ng babaeng ito, mabuti nalang at bestfriend ko siya eh kung hindi baka nasabunutan ko na.
Ngumisi na lamang ako at napakunot-noo. umiling ako nag-patuloy sa pagta-type.
Bumilis ang tibok ng puso ko at imbis na sa ginagawa ko dapat mapunta ang atensyon ko ay siya na ang iniisip ko. Ayaw ko ng makita pa siya ulit. Hindi ko nga alam kung nasaktan siya sa pero wala na akong pake. It was one-sided love. Ako lang ang nag-mahal sa aming dalawa habang ginamit niya lang ako. Hindi niya man lang inisip na masasaktan niya ako.
Dinner na ng natapos ako para sa presentation namin bukas. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa gilid ng laptop Sumandal ako sa inuupuan kong sofa at tiningnan ang oras. Kanina pa naka-alis si Aya at parang nag-mamadali.
Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig at mag-luto na rin ng dinner ko. Pag-katapos kong mag-dinner ay nag-shower ako at nag-bihis na ng pantulog. Ng makahiga ako sa kama ko ay bigla na lamang siyang pumasok sa isip ko. Grabi. Three months lang naging kami pero magfa-five years na ang nakalipas pero hindi parin ako nakaka-mpove on.
Pinilit kong makatulog pero hindi ako makatulog sa kaiisip. Tumayo ako at pumuntang veranda baka sakaling antukin ako.
...
"Grecia!" tawag ng kaaway kong si Aya. Inabangan niya pa talaga ako sa pintuan ng classroom namin para lang awayin ako.
"Ano na naman ba?" halos maiyak na ako sa habang sinasabi ko yon. Tumawa lang sila.
"Si Grecia! Naiiyak na naman! Iyakin ka talaga!" tumawa siya pati na rin yung mga kaibigan niya sa likod niya. "Kailangan sabihin mo sa akin kung sino ang crush mo!"
YOU ARE READING
13 YEARS [CRUSH]
RomanceGrecia was a simple elementary student then walking when something caught her attention which made her heart beat fast, and there she felt the word CRUSH.