Hindi ko alam kung paano kami umabot sa hiwalayan. Mahal namin ang isa't isa pero sobra na. Sobrang sakit na nararanasan ko para lang hindi kami mag-hiwalay. Alam ko naman noong una palang na hinding-hindi mawawala sa puso niya ang babaeng unang minahal niya. Pero bakit sumugal pa rin ako? Bakit pinayagan ko ang sarili kung sumugal kahit alam kong hindi ako mananalo? Alam ko naman na masakit pero hindi ko alam na ganit pala kasakit?
Pinag-masdan ko siyang nakatingin sa babaeng mahal niya. Sana maging masaya na siya ngayong papalayain ko na siya. Papakawalaan ko na siya.
"Go Milan!" sigaw ng mga tao habang pinapanood si Milan na rumarampa sa entablado. Nag-lakad ako papunta kay Aidan at binalewala ang bawat sigaw ng mga tao.
Nang makarating ako sa harapan niyan ay parang libo-libong kutsilyo ang sumaksak sa aking dibdib ng hindi niya lang man ako napansin na nasa harapan niya ako. Unti-unting namasa ang aking mga mata pero nilabanan ko ito.
Pumalakpak ang mga tao sa paligid...pati siya.
"Aidan..." tawag ko at doon niya unti-unting inangat ang kaniyang ulo. Nag-tama ang aming mga mata at ang masaya niyang mukha kanina ay napalitan ng pa-aalala. Tumayo siya at hinawakan ako sa mag-kabilang braso.
"Umiiyak kaba?" Puno ng pag-aalala ang kaniyang boses. Ngumiti ako at umiling. "Babe, what's wrong?" Bumunton-hininga ako.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tiningnan niya ako ng ilang sandali at saka ako hinila palabas ng gym. Hinila niya ako papuntang parking lot ng campus kung saan naka park ang kaniyang sasakyan. Pinag-buksan niya ako ng pintuan papasok sa kaniyang sasakyan.
Nandito na ako at handa na rin ako. Hindi naman siya masasaktan eh kasi hindi naman ako yung mahal niya. Ginamit niya lang naman ako. Ako lang yung nag-mahal sa aming dalawa.
Malakas ang tibok ng puso ko ng makapasok siya sa sasakyan. Humarap siya sa akin. Kinuyom ko ang kamay para doon kumuha ng lakas.
"A-Aidan..." Nilingon ko siya. Mamimiss ko siya for sure. Matagal ko siyang tiningnan. Inaaral ang kaniyang mukha.
"Hmmm?" Tugon niya at inilagay ang ilang takas ng buhok ko sa likod ng aking taenga.
"Mag-hiwalay na tayo." Nanigas siya sa kaniyang kina-uupuan. Unti-unti siyang tumingin sa mga mata ko. Gulat at hindi ko malamang emosyon ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.
"What did you say?"
"I said-" Natigilan ako ng bigla-bigla niya na lamang akong inatake ng halik sa labi. Hinayaan ko lang siya habang unti-unti ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Unti-unti niya akong pinakawalan at niyakap.
"Sorry, hindi ko narinig." humigpit pa ang kaniyang yakap sa akin.
"Aidan, please," pilit kong tinatanggal ang kaniyang mga braso na nakapulupot sa aking bewang.
"No, hindi kita marinig."
"Aid-"
"Hindi kita marinig!"
Ibinigay ko ang lahat ng lakas ko kaya napabitaw siya sa yakap niya sa akin.
"Gusto ko ng makipag-hiwalay sayo! Naiintindihan mo!" sigaw ko sa kaniya.
"Ayoko! Walang makikipag-hiwalay!" sigaw niya. Nag-uumpisa ng tumulo ang mga luha niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Aidan, please," Umiling ako. "Ayoko ng masaktan!"
"I love you! Why would you be hurt?! Huh?!"
I love you?
Sa ilang buwang pag-sasama namin bakit ngayon niya lang to sinabi sa akin?
"Mahal? Talaga? Baka panakip butas? Akala mo hindi ko alam?" Mukhang nagulat siya sa lahat ng mga sinabi ko sa kaniya. Umiling siya. " Kaya wag na wag mong sasabihin na mahal mo ako! Kung hindi naman totoo!"
"N-No. No! That's not true!"
"Stop lying! Ilang buwan na tayo at nngayon mo lang sinabi yan!" hindi siya nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin sa mga mata ko. "Stop lying... please?" mahinahon kong sabi. Tumingin ako sa labas ng bintana.
"I'm not! Please, babe..." pag-mamakaawa niya. Unti-unti kong hinawakan ang pintuan ng kotse niya. Tumingin ako saglit sa kaniya bago tuluyang lumabas. Tumakbo kaagad ako pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Grecia!" Naramdaman ko ang pag-hawak niya sa aking pulsuhon kaya napatigil ako.
"Hindi ka ba maka-intindi?! Ang sabi ko-"
"I love you!" Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Kung noon niya sinabi yan siguradong mamamatay ako dahil sa kilig pero ngayon? Parang mamamatay ako dahil sa sakit na dulot nito.He's lying.
Mabuti nalang at kami lang ang tao dito at walang makakakita sa amin at baka isipin nila na nababaliw na kami.
"Aidan naman eh!"
"Gag*!" napatili ako ng may sumuntok kay Aidan. "Sinabi niya na ngang ayaw niya na diba?!" patuloy niya itong pinag-susuntok pero hindi lumaban si Aidan. Sa kaba ko nagawa kong lumapit sa kanila.
"Calvin! Tama na!" sigaw ko. Lumapit ako sa kanila para awatin sila. Nag-paawat naman si Calvin. Agad kong hinawakan ang mukha ni Aidan at agad siyang niyakap. Hindi ko kaya. Mahal ko siya. mahal na mahal.
"Halika na Gresh." bigla akong hinila ni Calvin kaya naman nabitawan ko si Aidan.
"No! Sandale! Aidan!" Malakas si Calvin kaya madali lang para sa kaniya ang hilain ako.
A/N
thank u for reading the prologue of my story. if u see any grammatical errors pls comment down below and correct me or just message me. sorry also if wala pa akong cover but maybe sometime lalagyan ko na din to.if u don't like my story then stop reading. this is my first ever story. pls bare with me. thank u!
#spreadlovenothate
don't forget to vote!!!
love ya'll
YOU ARE READING
13 YEARS [CRUSH]
RomanceGrecia was a simple elementary student then walking when something caught her attention which made her heart beat fast, and there she felt the word CRUSH.