"Daddy, let's go to McDo muna kasi I want to eat chicken sandwich. Please, please, please." Pagmamakaawa ng bunsong anak ng mga Flores na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan at pinapagitnaan ng dalawang nakatatandang kapatid. Natatawang nagmamaneho ang kanilang ama habang pinapakinggan ang kaniyang anak saka napatingin nang saglit sa asawa nitong nakaupo sa front seat saka ngumiti. Mag-aalas otso na ng gabi kung kaya't gutom na gutom na ang bata sa buong araw na paglilibot sa mall para bumili ng kanilang gagamitin para sa nalalapit na pasukan.
"Liliana, can you please stop shaking the car and sit properly? Baka mamaya maaksidente pa tayo sa ginagawa mo." Mataray na sambit ng pinakamatanda nilang kapatid na nakaupo sa tabi ng bintana sa likod ng driver's seat. Muli na namang natawa ang kanilang ama't ina, samantalang ang pangalawa nilang anak ay nakatutok lamang sa kaniyang cellphone.
"Sundin mo ang Ate Love mo, Lily. Sit properly." Nakasimangot na sumandal si Liliana sa upuan saka ipinagkrus ang kanyang mga braso. Sinilip siya ng kanyang ama mula sa rear-view mirror saka napa-iling-iling. "Sweetie, we'll buy what you want but you have to behave. Magpapa-gas lang muna ako sandali and we'll look for a drive-thru, okay?" Lumiwanag ang mukha ni Lily saka pumalakpak sa labis na saya. Napasayaw-sayaw pa ito dahilan para masama siyang tinignan ng kaniyang Ate Louise kaya naman napa-peace sign ito saka umupo nang mabuti.
Nang makuha na nila ang kani-kanilang mga pinamiling pagkain ay nagmanehong muli ang kanilang ama pauwi sa kanilang tahanan. Maligayang kumain si Lily dahil pasayaw-sayaw ito at hindi na alintana ang mahihinang paghampas ng kaniyang mga nakatatandang kapatid sa kaniyang braso.
"Lovely, kailan nga ulit ang enrollment nyo?" Nilunok muna ni Lovely ang kinakaing french fries bago sinagot ang kaniyang ina.
"Next next week po. June 4." Sagot nito saka uminom ng softdrinks.
"You'll be 21 in a few days. If Senior High School doesn't exist, you would've graduated already." Napabuntong-hininga si Lovely saka napasimangot. Sumagi sa isip niya ang ideyang tumatanda na siya ngunit wala pa rin siyang naitutulong sa kaniyang pamilya.
"Yes, mom. Pangako ko, 'pag nakapagtapos na 'ko, maghahanap kaagad ako ng trabaho to help you with all the expenses." Itinabi ng kanilang ama ang sasakyan saka nilingon ang mga anak sa likod. Walang katao-tao sa paligid at kakaunti lang ang mga dumaraang sasakyan. Nagtataasan pa ang mga talahib na animo'y pinabayaan ng kung sinumang nakatalagang mangalaga ng lugar.
"21 years old, but still looks like a twelve-year old girl with how short you are." Sabay-sabay na nagtawanan ang apat habang si Lovely naman ay napasimangot saka kunwaring nagtatampo sa kanila sa pamamagitan ng pagsuot ng kaniyang itim na hoodie jacket at itinago ang ulo nito.
"Kumain muna tayo rito dahil malayo pa bahay natin. Gutom na rin ako, eh." Saad ng kanilang ama saka kinuha sa plastik ang kaniyang biniling pagkain para asa sarili.
Dahil isang medical student si Lovely at ayaw mapahamak ang kaniyang pamilya, pinapatay nito ang aircon at pinabuksan nito ang dalawang bintana na nasa harap para hindi sila ma-poison at ma-suffocate. Masayang kumain ng hapunan ang pamilya at nanghihingian ng ulam hanggang sa may pumaradang sasakyan sa harap nila dahilan para masilaw sila sa ilaw nito lalong-lalo na ang mag-asawang siyang nasa harap.
Lalo pa silang natigilan nang may bumabang mga tao sa sasakyan at naglakad palapit sa kanila. Pinipilit inaninag ni Mr. Flores kung ilan ang mga bumaba subalit sumasakit ang kaniyang mga mata dahil nakatutok ang ilaw nito sa kanila. Hinigpitan ni Lovely ang pagkakahawak sa kanyang hood. Si Lily naman ay itinaas ang kanyang paa saka ito niyakap habang si Louise naman ay patuloy lang sa pagkain at walang nararamdamang takot. Samantala, si Mrs. Flores naman ay nanatiling kalmado sa harap at mukhang nag-eensayo na kung ano'ng itatanong sa mga taong papalapit sa kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
IDENTITY (One-Shot)
Mystery / ThrillerMatapos patayin ang pamilyang Flores ay naiwang nasa isang Mental Hospital ang panganay at nag-iisang miyembro ng kanilang pamilya na nabuhay mula sa isang malagim na pangyayari at patuloy na nabubuhay sa isang nakakapangilabot na kahapon. Subalit s...