Isang linggo pagkatapos ang Inter - High
"COACH!!!"
"Hohoho"
"TEAM ASSEMBLE" emosyonal na naisambit ni Akagi
"Nais ko lamang sabihin na binabati ko kayong lahat dahil sa ipinakita niyong determinasyon at pagpupursige sa mga nagdaan nating laban. Kahit na hindi natin natupad ang mismong pangarap natin na maging #1 team sa Japan, may mga oportunidad na nagbukas na maari pang magpalakas sa ating team at kasabay noon ang pagdiskubre sa mga kanya kanya nating daan na tatahakin."
(Tahimik ang buong gym at ang mga miyembro ng basketball club ay taimtim na nakikinig sa kanilang coach)
"Nakapagpaalam na sa akin ang mga third year na sila ay magreretiro na para makapagaral sa kanilang exams. Siya nga pala, ikaw ba Mitsui wala ka bang balak na sumabay kila Akagi?"
"Coach... Gusto ko pa po maglaro at dapat pa rin po ako bumawi sa team."
"Naku Mitchi.. ang sabihin mo lang ayaw mo lang magreview para sa exams niyo wahahahahahaha" singit ni Sakuragi
"Manahimik ka nga!! Hindi naman ikaw ang kinakausap dito singit ka ng singit! At nagsalita ang gunggong! " asar na sagot ni Mitsui.
"Grrr anong sinabi mo?"
"Manahimik ka na nga Sakuragi!!" saway ni Akagi sabay binukulan ito...
"Aaaaaah Goriii bakit ako lang?" sabat ni Hanamichi habang hinhimas ang kayang ulo
"Gunggong talaga. " bulong ni Rukawa
Ng biglang...
"Coach, may importante lang po sana akong sasabihin sa inyo at sa buong team bago po sana magretiro sila Akagi at Kogure senpai" biglang nagsalita si Ayako
"Aaaaah Ayako huwag mong sabihin na magreretiro ka na rin? Huwaaa" alam niyo na kung sino yon
"Sira! (sabay hampas ng papel kay Ryota) Nga po pala, nagpapaalam po ang Journalist's Club kung maari daw po silang magkaroon ng exclusive interview para po sa ating team. Sa totoo lang po, pagkatapos po ng laban natin sa Inter - High ay maya't maya po ang pagtawag sakin ng publications ng ating school pati na rin ang mga kilalang journalists sa iba pang distrito at nanghihingi po ng exclusive interview sa team natin."
"WOOOOOW SIKAT NA ANG TEAM NATIN!" komento nila Iishi, Sasaoka at Kawata
"Hohoho naalala ko nga pala na nagpaalam ang adviser nila sakin at nagiwan ng contact number para macontact ko siya kung sakaling pumayag kayo kapag pinaalam ko na sa inyo."
(Pero ang totoo niyan, naiwala ni Coach Anzai ang contact ng adviser ng Journalist's club)
"Coach wala naman pong problema sa amin ang interview. Malugod po naming tinatanggap ang imbitasyon." sagot ni Akagi
"Bueno, Ayako?"
"Bakit po Coach?"
"Pakisabi sa adviser ng Journalist's Club na tinatanggap na namin ang exclusive interview."
~¿~¿~¿~¿~¿~¿~¿~¿~¿~¿
Publications ng Shohoku:
Sana (president ng Journalist's Club): "Mga kasama!!! Dumating na ang maganda ng balita!!!"
(Walang pumansin)
Sana: "Ramdam na ramdam ko ang kaligayahan at excitement niyo grabe... GRABE NAMAN KAYO HINDI NAMAN KAYO GANYAN AH!!!"
Aki (vice president ng club) : "Oo na.. Masaya na kami PARA SAYO KASI MAKAKAUSAP MO NA ANG CRUSH MO."
Sana: (kinilig at sabay na hinawakan ang magkabilang pisngi) "Ano ka ba.. Huwag ka ngang ganyan baka isipin nila mamaya na iba ang sadya ko sa basketball club."
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK (A WEEK AFTER INTER HIGH)
FanfictionAting makakapanayam ang isa sa mga pinakamalakas na team na biglang niyanig ang basketball high school ng Japan.