Chapter 1.3 : Klein

8 2 0
                                    

Later that night sa kwarto ni Klein...

Klein : ano ba nangyari at malungkot ka? Saka pwede ba malaman number mo para makapagusap tayo ng maayos hehe..

Yuna : sige na nga eto oh, minsan maganda din makipag usap sa isang total stranger para gumaan pakiramdam ko.

Klein : Yes! Thank you ah! Wait tawagan kita agad ngayon na.

Phone Conversation

Klein : So ano nga nangyari at bakit parang ang lungkot mo naman? Kanina lang ang saya pa ng paguusap natin, mabilis din talaga mood swings moa no?

Yuna : Kanina kasi nagiisip pa ko ng gagawin sa buhok ko, kaso eto na eh nung napagupitan ko na sumobra sa iksi nakakaiyak parang hindi bagay sakin.

Klein : Tingin nga, send ka ng pic sakin ako huhusga.

Yuna : eto teka pakita ko sayo ung before and after.

Yuna : oh diba? Ang ikli sobra parang hindi bagay, lalong nagging bilog dating ng mukha ko at ang panget huhuhu...

Klein : sa totoo lang para sakin walang pinagbago, napakaganda mo pa din, ang sarap kurutin ng pisngi mo sa personal nito oh, nakakagigil

Yuna : tigilan mo ko sa pambobola mo ah, parepareho lang kayo mga lalake sa umpisa lang magaling at malalakas pa din mangiwan.

Klein : oh bakit naman pati ako nadamay dyan, hindi mo pa nga ako lubusan kilala nahuhusgahan mon a ko agad hard mo sakin ah.

Yuna : totoo naman, ang gagaling niyo sa mabubulaklak na salitaan, pero kulang sa paggawa, puro lang salita, kadalasan pagka nakuha pa gusto naglalaho nalang ng parang bula...

Klein : teka parang ang layo na ng usapan natin tungkol sa buhok mo, napunta na tayo bigla sa ang dating sakin eh parang kakabreak mol ang?

Yuna : Akala mo lang un! Che! Dyan kana nga matutulog na ko at may pasok pa bukas

Klein : sige sige! Goodnight Yuna! Talk to you tomorrow.

A Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon