Bago tuluyan lumabas si klein ng garahe niya para sunduin si Nik, bigla siyang nagulat at napabalik garahe niya dahil sa isang text message.
Yuna : Goodevening din...
Klein : Teka??? Totoo ba to? Nag reply siya? Sumagot siya? Mga pre! Pakitingin nga kung totoo at hindi ako makapaniwala eh.. after a week bigla siyang nagreply.
Everyone : Sino ba yan?
Klein : Naalala niyo ung sinabi ko na teacher na nakilala ko? Siya yan. Nag reply eh teka hindi ako makakalabas nito hahaa! Toy pasundo naman si nik gamit motor ko oh.. bili na din kayo canton.
Toy : ano ba naman yan? But ako? Kasi naman bakit kailangan sunduin? Pa chix masyado si pangNIK ah!
Klein : Dali na to naman! Para sabay niyo na ung canton at ibang pulutan dyan.
Toy : sige sige! Basta sisingit ko dito yosi ko ah! Ikaw james at cj? Bili na tayo isang kaha?
Cj : Iba naman yosi mo! Maselan ka eh blue kapa, kami ni james lights lang. and tingnan mo un! Busy nanaman sa pagpunas punas ng motor niya.
Toy : HAHA! Lagi naman ganyan yan. Oh siya ako na susundo!
Text Conversation with Yuna...
Klein : Kamusta ka? Tagal natin hindi nakapag usap ulit, until now hindi ko alam real name mo. Or even san ka sa Calabarzon A.
Yuna : HAHAA! Hangang ngayon ba iniisip mo pa din yan? Basta un na name ko, and hindi ko sasabihin sayo kung saan ako.
Klein : Grabe talaga! After a week ganyan pa din? Hahaa! Kakaiba ka talaga! Pero malalaman ko din yan. Malakas ako ky bro tingnan mo.
Yuna : Baka naman stalker ka ah?
Klein : At papaano naman ako magiging stalker? Hindi ko nga alam tunay mong name, YBC lang yan nakalagay sayo?
Yuna : Kung sabagay! Ahahah. Oh sige na at matutulog pa ko. Salamat sa Time, nalibang ako kahit paano.
Klein : You're always welcome. Sana nga lagi na tayo makapag usap.
BINABASA MO ANG
A Strange Love
RomanceA story of a man who fell in love for the second time of his life. A story of a woman who is looking for true love her entire life. Destiny is something that we create, it is something that will happen after we made a decision. Will destiny answers...