44

113 12 12
                                    

[Chapter 44]


*****

(CRISSA POV)


Katulad nang sinabi ni Ravelyne, nandito kaming dalawa ngayon sa 7/11 ni Jayvee para makapag-usap.

"Kung ano yung sasabihin mo, sabihin mo na."- i said

"Unang-una gusto kong malaman mo na wala talagang namamagitan sa aming dalawa ni Julie."

Napasalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi nya.

"Kakasabi mo lang sa akin Jayvee, na siya talaga ang girlfriend mo matagal na!"- i said

"Please listen to me."

Natahimik ako at napahinga ng malalim, hindi ko kasi mapigilan ang galit ko eh.

"Noong araw na nakita mo kaming dalawa ni Julie sa condo, bago ang araw na 'yon nakipag-kita siya sa akin."

"Bakit siya nakipag-kita sa'yo kung walang kayo?!"

"Niloko nya ako ng gabing 'yon, h-hindi ko alam kung paano nya nakuha ang phone number ko. Ang sabi nya na-holdup siya malapit sa lugar kung saan ako nakatira, ako naman itong si tanga nag-aalala ako kahit papaano. Pinuntahan ko siya, pero naipit lang ako sa nangyari."

"Naipit?"

"Nakilala ko ang kuya ni Julie nang gabing 'yon, dati rin siyang inmate dati. At kilala ko siya kung paano magalit. Ipinakilala ako ni Julie ng bigla-bigla sa kuya nya na ako ang boyfriend nya."

Hindi ko maintindihan, napangise ako.

"So natatakot ka sa kuya nya kaya ka pumayag na magkunwari ding boyfriend nya? Ganun?!"

"Crissa. Oo natatakot ako, natatakot ako dahil gusto kang idamay ni Julie. Bina-blackmail ako ng kuya nya, iniipit ako ni Julie. Gusto nyang magsama kami nung gabing 'yon at kapag hindi ako pumayag hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sa'yo ng kuya nya."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan 'tong lalaking to.

"Crissa maniwala ka sa akin, kasama ang kuya nya sa isang malaking sindikato. K-Kaya nagawa kong mag-sinungaling sa'yo para layuan mo ko. Nagsinungaling ako sa'yo para hindi ka nila galawin. A-Ayun ang totoong nangyari."

Napahilamos ang kamay ko sa mukha.

"S-So anong gusto mong gawin ko? Balikan ka?"

Natahimik siya sandali sa sinabi ko.

"Gusto kong umalis tayo sa lugar na 'to at magsama tayong dalawa sa malayong lugar. Na tayong dalawa lang, tayo at ng magiging anak natin."

Napatigil ako sa sinabi nya.

"A-Ano?"

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Seryoso ako Crissa, actually .."- may inilabas siya.

Nagulat ako sa hawak nya ngayon. Tumayo siya at biglang lumuhod sa harap ko. Halos hindi ako makapagsalita ..

"M-Matagal na 'to, ibibigay ko na dapat sa'yo to pero hindi matuloy-tuloy. Gusto na kitang pakasalan. Gusto na kita makasama habang buhay."

Automatic na tumulo ang mga luha ko.

"Sagutin mo na miss!"

"Yes na yan!"

Tumingin ako sa paligid, pinapanuod kami ng lahat ng tao dito sa 7/11. Tumingin ako sa kanya, nakita ko rin ang pag-tulo ng luha sa pisnge nya. H-Heto na naman .. lumalambot na naman ang puso ko.

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon