Mag s-six years na ako dito sa philippines. I decided to study here for her. But she had no idea about it. She doesn't know that i am here in the philippines too.Sinundan ko siya dito a year after she leave Korea with her Dad.
Lagi ko rin siyang inaabangan kapag umuuwi na siya galing sa school niya, kahit taga kabilang university ako. Kahit hanggang labas lang ako ng gate ng University niya. Makita ko lang siyang naka ngiti buo na araw ko. Corny noh? Pero totoo 'yun. Marami akong alam tungkol sakanya, mukha na nga akong stalker eh. Gusto ko lang kasi na safe siya lagi. Sobrang miss ko na siya. Sobra. Pero hindi ko man lang siyang magawang lapitan. Wala akong lakas ng loob para gawin 'yun. I love her so much. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko parin siya, walang nagbago dun, walang nabawas, nadadagdagan lang.
Foundation Day ng University nila ngayon syempre pupunta ako noh! Opportunity din 'to para makita ko siya buong araw.
"Tol tara na, makakakita na naman tayo ng mga chix galing ***** University! Haha" Seth
"Lul! tigilan mo nga ako alam mo naman kung bakit ako pupunta dun ngayon diba? Isa lang rason ko" saad ko sabay batok sakanya
"Ay :3 oo naman tol alam ko 'yun pero marami talagang CHIX dun eh!"
"Bakit di ka doon mag-aral?!!"
"Ayaw ng parents ko dun eh"
"Tsk -_- tara na nga, hinihintay na tayo ng barkada"
"Nga pala tol, si Ashley di mo ba susunduin? Nagpapasundo ata eh" tanong niya ng makalabas na kami ng bahay
"Nagpapasundo? Bakit wala ba siyang paa? Bat di niyo sinundo? Kayo na lang tsk"
"Tol talaga alam mo namang ikaw ang gustong nung sumundo sakanya. Di sasama samin yun"
"Bahala siya, kung sasama siya sumunod na lang siya"
"Tol, sunduin mo na kasi. Nako naman"
"Psh! -_-"
"Mauna na ako, hintayin na lang namin kayo ng barkada sa main gate"
"Shit bro -_- wth"
"HAHA sige tol!!" at kumaripas na siya ng takbo.Iniwan ako. Kaya wala akong choice kundi sunduin yung babaeng 'yun. Baka nagtataka kayo kung bakit parang ayaw ko kay Ashley? Ayoko talaga dun. Maldita, maarte, mapanglait, walang galang basta naiinis ako dun. Mabait naman siya pero marami talaga siyang ugaling di ko nagugustuhan.
Ewan ko ba dun sa babaeng yun, lagi na lang naka dikit sakin, lagi na lang nagpapansin tsk -_- So eto ako sa bahay nila..
Ding dong dong ding Ding dong
"Ashley?"
"Kyaaahhh!! Kylie my love!!!" Then.. yeah she said it again
"My love? Wth tara na nga -_- hinihintay na tayo ng barkada"
"Kala ko kasi hindi mo ko susunduin" saad niya habang naka pout.
"It won't work on me. Can you please hurry up. Or do you want me to leave you here?"
"My love naman binibiro ka lang naman eh" at ayun pumulupot na siya saakin na parang linta :3
"Whatever -_-"
Ayun diresto na agad kami sa main gate kung nasaan ang barkada. Naiirita na talaga ako dito kay Ashley kung di lang dahil sa barkada matagal ko na 'tong nasapak :3 nakakainis na nakakairita psh -_- nasisira agad araw ko eh. Nevermind, makikita ko naman si Keith mamaya eh. Sana nga makita ko siya. Excited na ako..
-----
Ng makarating na kami sa main gate ng university nila Keith nakita ko agad ang barkada. Ang ingay nila eh haha parang mga timang."Mga guys! Tara na? Pasok na tayo" Seven
"Oo nga nagugutom na din ako eh hihi daming foods niyan sa loob panigurado" saad ni Jess habang excited na hinihila si si Seven papasok"Dahan dahan naman Jess! Psh" iritang sabi ni Seven.
Ewan ko ba dito sa dalawa pero na s-sweetan talaga kami lahat ng barkada diyan sa dalawang yan. Haha parang couple kasi sila. Pero tingin namin si Seven may gusto talaga kay jess minsan kasi iba kasi mga titig niya kay jess eh. Haha
So ayun, pumasok na nga kami sa loob. As expected marami ng tao sa loob. Ang daming nagsisi gandahan at astigang booth. Grabe preparation nila ah! Ayos.. habang naglalakad lakad kami sa loob nangangalay na talaga braso ko paano ba naman 'tong babaeng 'to halos kanina pa nakapulupot sakin. Nakakairita na sobra -_-
"Ashley wala ka bang balak humiwalay muna saakin? Nangangalay na kasi braso ko" tanong ko sakanya habang pilit kong inaalis yung mga kamay niyang nakapulupot sa braso ko.
" Eeeh Kylie naman dami kayang tao dito. Pano kapag nawala ako?" Aba nagpa cute pa ang aso :3
"Naiihi kasi ako. Baka hanggang CR ng mga lalaki sasama ka pa?" Tanong ko na medyo pasigaw na
"H-hindi noh! Eew you are so kadiri hmmp!"
"Iihi lang yung tao kadiri na agad? Parang hindi ka umiihi din ah? Ewan ko sayo alis na muna ako"
"Mga tol, guys! Alis na muna ako.. babalik din ako text text na lang! Sige" nagpaalam ako sakanila at naglakad na papuntang CR. Actually di naman talaga ako naiihi eh. Palusot ko lang yun kay Ashley kasi nangangalay na talaga braso ko sakanya ayoko naman na buong maghapon naka buntot at nakapulupot siya sakin at isa pa si Keith talaga ang pinunta ko dito. Oras na para hanapin siya haha.
Nagikot ikot ako habang may hawak na popcorn. Grabe nahihilo na ako sa sobrang dami ng tao. Shet asan na kaya si Keith bakit di ko man lang siya nakita aish naman! Nauuhaw na tuloy ako gusto ko ng milk tea haha. Kaya ayun dumiretso ako sa isang cafe booth pero nagulat kasi.. kasi bakit parang ang daming tao sa loob? Medyo maingay. Lumapit ako sa entrance door para sumilip kung anong meron sa loob. May nakita akong lalaki sa may mini ano stage sa loob. Kakanta siguro yun kasi may hawak pa siyang gitara. Grabe tili ng mga babae. Hmmm ewan ko ba. Makaalis na nga mukhang hindi naman ako makakabili ng milk tea dito.
Hayys napagod na ako kakahanap kay keith pero wala.. hindi ko talaga siya makita. May pageant daw mamaya dito pero nauuwi na ako. Manonood daw lahat ng barkada. Kaya magpapaalam na lang ako kasi nauuwi na talaga ako. Sumasakit na naman ulo ko eh.
Hinanap ko muna sila. Habang naglalakad ako papuntang Auditorium may parang nahagip ang mata ko na isang familiar na mukha pero pagtingin ko ulit biglang nawala ito. Ewan ko dahil sa pagod lang siguro 'to. Pero ewan ko ba may pakiramdam ako na siya.. na siya yung nakita ko hayys naman. Keith bakit kasi hindi kita makita? Asan ka ba?Pagkatapos kong magpaalam sa barkada dumiretso na agad ako pauwi ng bahay. Bukod sa sumasakit na ulo ko. Napagod din ako kaka hanap kay keith buong araw. Ang malas ko ngayon kasi hindi ko man lang siya nakita para tuloy akong zombie maglakad papasok ng kwarto ko sa sobrang pagkadismaya. Di bale makikita ko pa naman siya ulit. Sana sa oras na 'yun may lakas na ako ng loob na magpakita sakanya. Sana.. sana nga.
BINABASA MO ANG
I Love to be Different
Teen FictionI love to be different. But am i really different?