*****
Okay, back to reality na naman ako /sighs/. Habang tumatakbo ako sa corridor may biglang sumagi sa aking isipan. Naiisip ko kung hanggang kelan ko itatago 'to sa sarili ko. Na kailan ko na nga ba masasabi ito sakanya. Alam mo yung pakiramdam na may kailangan ka laging itago, ilihim at ingatan?. Mabigat sa pakiramdam dahil kelangan mo 'tong sarilinin. Dahil natatakot ka. Takot at pagaalala ang lagi mong nararamdaman. Ang hirap, sobrang hirap kasi kahit best friend ko ay hindi ko mapag sabihan nito. Hindi naman sa wala akong tiwala sakanya kundi wala akong lakas ng loob na sabihin ito sakanya. I'm afraid that in the end she'll not understand me.
"Keith! Keith!" Nabalik ako sa aking katauhan (lol) ng may tumawag saaking pangalan
"ah.. oh bakit?" sabay lingon ko sa classmate kong tumawag sakin
"Sabi ni ma'am Ramirez kasi ikaw daw ang bahala sa class natin sa darating na foundation day ng school. Mag meeting daw tayo at sabi niya kelangan bongga daw booth natin" saad niya saakin habang papasok ako ng classroom at umupo sa seat ko
"Sige, pero pupunta ba si Ma'am dito sa classroom ngayon?" tanong ko
"Hindi ko sure pero baka pumunta siya dito kung maingay na tayo haha"
"Baliw" sabay tapik ko ng balikat niya
So 'yun nga ang nangyari nag meeting ang buong klase, syempre pinangunahan ko 'yun. Lagi naman. Ewan ko ba, siguro kasi mataas tingin nila sakin, matalino daw :3 nerd, porket i'm wearing glasses. Book worm nga tawag nila sakin /pouts/. Yun nga ang napagusapan ng class namin ay gagawa kami ng Cafe booth. Haha bahala na next week
Abangan ang Foundation Day ng ***** University
BINABASA MO ANG
I Love to be Different
Novela JuvenilI love to be different. But am i really different?