Suzy's pov
papunta na kami sa may cafetiria
Brrrrr (sound effect sa tiyan pag gutom :D )
sheyt ! nagugutom na ako magmula kasi nung natapos ang laro nila kaizer hindi man lang kami nag merienda si alexia kasi napaka best actress kung makapag inarte wagas -_-
andito na kami sa may bungad ng cafetiria
tingin
tingin
tingin
gotcha ! alam kong si alexia ung babae na nakatalikod na nakaupo sa may tabi ng bintana ano nanaman ineemote ng babaeng to
pero biglang tumakbo ung ibang estudyante papunta sa amin ahy mali kay kaizer lang pala
"kuya congrats po"
"kuya pwede papicture"
"kyaaahh! kuya ang gwapo mo talaga pag malapitan"
"kuya pa-autograph naman po oh"
jusme! pinagkakaguluhan na si kaizer sige sya na sikat -_-
hindi na ako nagpaligoy ligoy pa pinuntahan ko na si alexia bahala na si kaizer sa buhay nya haha
"hoy xia!" at bigla ko syang kinalabit
"AY HALIMAW!" bigla syang sumigaw at napatayo
napatigil lahat ng mga estudyante sa cafetiria dahil sa lakas ng sigaw ni alexia maliban sa mga estudyante na lumapit kay kaizer na hindi makaalis sa pwesti nya :D
"grabe ka ! umupo ka na nga pinagtitinginan tayo"
pagkatapos kong sabihin un umupo na ako at umupo na rin sya
ano ba talaga problema nito?
"bestfriend ano nanaman ba drinadrama mo jan ??" tanong ko sakanya
hindi sya sumagot bumuntong hininga lang sya
hayyy ! hindi ako sanay na tahimik si alexia nakakapagpanibago kasi hindi sanay itong tenga ko na na hindi naririnig ang boses nya
"ang bad mo alam mo un"
bigla nyang sinabi yun habang nakapalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana
"bakit?" tanong ko
"bigla mo akong iniwan kay leo" at napatingin sya sa akin
those eyes parang ready ng umiyak nagtatampo pala ang bestfriend ko sa ginawa ko
"sorry xia " at bigla akong napayuko
bigla akong naguilty sa ginawa ko tama sya dapat hindi ko sya iniwan ng mag isa lalo na hindi pa namin masiadong kilala si leo
"su thank you"
eh? tinignan ko lang sya ng what the heck you are talking about look
ngumiti lang sya
"dahil sa ginawa niyaya ako ni leo na maging date sa prom"
and a wide smile flash on her face
"akala ko naman kung galit na galit ka sa akin" at hinawakan ko ang kamay nya
"actually may tampo ako sayo nung una pero narealize ko nagdilang anghel ka sa ginawa mo hahaha may date na din ako hindi lang ikaw"
at tumawa lang kaming dalawa
bigla syang napatigil sa pagtawa
"asan si kai?" tanong nya
"ayun oh" sabay turo gamit ang nguso ko
O.O alexia
-_- ako
"hanep ! sikat talaga ang crush mo i mean kaibigan natin hahaha"
nagawa pa nyang tumawa samantalang ako naiirita na akong nakatingin lalo na ung mga babaeng nakadikit sakanya gusto silang balatan ng buhay
"hey hey hey ! anong problema ? bat ung mukha mo ganyan ?? parang gusto mong balatan ng buhay ung mga taong nakapaligid kay kaizer ah"
bigla akong napatingin kay alexia
"hindi aa!"
"weh?"
"oo nga ! tara na nga hindi ko na feel dito"
tumingin ulit ako kay kaizer nakatingin sa amin at sumesenyas sya ng parang "wait lang hintayin nyo ako"
pero hindi ko na sya pinansin hinila ko na si alexia
papalabas na kami sa kabilang pinto ng cafetiria narinig ko pang sinigaw ni kaizer ang pangalan ko
ahh ewan ! naiirita talaga ako sakanya