13
--
Suzy's Pov
it's been 2days nung nangyari sa may school
at simula sa araw na yun nasa tabi na lagi namin ni alexia si kaizer pag may basketball practice sya ihahatid muna nya kami sa may room i dont know why pero masaya ako pag nasa tabi ko sya na parang kami lang ung tao sa mundo at feeling ko napakasafe ko
pero sino ba yung babae na yun ? pag mamay ari daw nya si kaizer nasaktan ako dun pero gusto kong malaman muna ung totoo
"suzy anjan na si kaizer" sigaw ni alexia na nasa baba
hanggang dito sa room rinig ko boses nya
"anjan na " at nagmamadali akong bumaba
nagtataka kayo kung bakit andito si kaizer well it was sunday game nila ngayon sa school kalaban nila ang st.peter catholic school at hatid sundo na rin kami ni kaizer dito sa bahay gamit ang kotse nya
minsan ayoko ng sumakay kasi naman 17 palang sya baka mamaya mabangga kami mamatay pa ako -_- napaka nega ko talaga
"goodmorning suzy" bati sa akin ni kaizer
pinagbuksan na pala ni alexia si kaizer sabing ako magbubukas eh
"goodmorning din" sagot ko sakanya
nakatitig lang sya akin ganun din ako sakanya
ang ganda ng mga mata nya brown chinito eyes
"ahem ! so wala kayong balak pumunta sa school magtitigan na ang kayo rito maghapon ganun?"
natauhan na lang kami ni kaizer sa sinabi ni alexia panira talaga tong babae na to sarap ibitin ng patiwarik
"let's go" yaya ni kaizer
at sumakay na kami sa kotse nya
Andito na kami sa school gymnasium andaming tao halos puno na sa mga bleachers saan kami uupo ni alexia nito
"huwaw! andaming papabols" manghang sabi ni alexia
nako naman magboboys hunting nanaman ang mga mata ni xia
"upuan ang hanapin mo hindi mga lalaki" sabi ko sakanya
"suzy dun kayo sa bleachers namin uupo" sabat naman ni kaizer
"pero ka-" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi biglang nagsalita si alexia
"yun naman pala eh ! tara na dun para makita na ng mga papabols ang kagandahan ko haha" at nauna na syang pumunta sa upuan nila kaizer
"kaizer pwede naman kasing dun na lang kami sa taas umupo ni alexia"
"alam mo naman na ayokong nalalayo kayo sa akin baka kung mapaano nanaman kayo ayoko ng maulit yun " bigla nyang hinawakan ang kamay ko
*dug dug*
ano to ?
*dug dug*
ang puso ko
*dug dug*
lumalakas ung kabog kinakabahan ba ako o kinikilig dahil hinawakan ni kaizer ang kamay ko ?!
ahy syet ! mababaliw ako nito
"tara na" at hinila na nya ako
isa din to mahilig manghila .. kinikilig na ako na hinawakan nya kamay ko eh kaso nabwisit ako nung hinila nya ako
parehas sila ni alexia kambal ba sila ??
pagdating namin sa bleachers
O.O holly cow !!
"a-alexia?"
"hai bestfriend!" at kumaway sya sa akin
she was so HOT !
nakabihis sya ngayon ng damit ng cheerleader
oh men! tulala parin ako sa sakany habang nagchecheer never pa kasing nagsuot si alexia ng sexy out fit
"suzy?"
"huh?" natauhan ako bigla
"okay ka lang ?" tanong ni kaizer sa akin
"yeah!" sagot ko
"upo ka na dun magsisimula na kasi ang game kaso mag isa mo lang si alexia kasi nagchecheer"
"oo nga eh okay na ako .. magwarm up na kayo"
"you sure?"
"yes" sagot ko
aalis na sana ako kaso bigla akong pinigilan ni kaizer
"suzy?"
"hmm"
bigla nya akong hinila at
he kiss me in the forehead
"icheer mo ako huh?" tanong nya
hindi ko maibuka ang mga bibig ko tumango na lang ako at ngumiti sakanya
"KYAAAAAHHHHHH !!!"
nagsitilian lahat ng tao sa gymnasium
"girl ang swerte mo kay papa kaizer!"
"kaizer ako na lang iganyan mo"
"hehe hayaan mo na sila punta ka na dun wish me luck" at binitiwan na nya ako at pumunta na sya sa may court
pwede bang hindi na matapos ang araw na to ?
pwede bang ganito na lang kami palagi??
pwede ba ??