17 𝒚𝒆𝒂𝒓𝒔 𝒂𝒈𝒐 ng mapag desisyonan ni Carmena na mag-ampon ng isang batang sanggol.Si Rafael na kanyang asawa ay busy sa trabaho maging siya rin. Kailangang umalis ni Rafael ng ibang bansa ng ilang buwan na umabot ng ilang taon. Pero bago paman siya umalis ay may nangyare sakanila kaya naitago niya ang pagkakamali niya ng ilang taon ; naitago niya ngaba kaya ?
Nang may mangyare sakanila ni Rafael ay ilang linggo siyang nag hintay ng signs og prenancy pero wala ito. Pero sa edad nila ni Rafael at Carmena ay kailangan na nilang magkaanak kaya gumawa ng paraan si Carmena. Nag ampon siya , at yun ay si Selene. Hindi pa man niya na papangalanan ang sanggol ay may pangalan na raw ito sabi ng madre sa bahay ampunan na pinuntahan niya. At yun ay , Selene Angel Heather.
Nagsinungaling si Carmena tungkol sa pagbubuntis niya hanggang sa lumaki si Selene. Pero kahit na hindi nila totoong anak si Selene , tinuring na niya itong parang tunay na anak.
𝐓𝐫𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Sunduin kita mamaya , ingat ka." sabi ko sa kapatid ko. 9 am pa ang first subject ko kaya hinatid ko nalang din muna siya dahil may dala-dala siyang mabigat na bagay kaya tinulungan ko siya. Project daw nila yun sa science. Dediretso nalang din ako dahil magpapart-time pa ako.
"Oo." sagot niya at tsaka kinuha ang project niya. Hinintay ko munang makapasok siya sa gate ng school nila tsaka na ako umalis. Maglalakad nalang din ako.
"Ay--jusko ano ba !" sigaw ko sa babae. Nandito na naman siya para guluhin ako tungkol kay , Selene. Hindi parin gumigising si Selene , the doctor said she's in coma. And out of nowhere , bigla nalang sumulpot 'tong babaeng 'to nong nakaraang araw pa.
Hindi siya nagsalita. Hinarangan niya lang yun daanan ko. As she wish ! E , ang laki-laki ng daanan. Humakbang lang ako sa gilid pero hinarangan niya ito. Humakbang ako sa kabila at hinarangan niya din.
"Ano ba ?!" galit na tanong ko. Sa halip na sumagot ay tinaasan niya ako ng dalawang kilay. Hindi siya mukang mataray sa ginawa niya , nagmuka siyang bata. Pssh.
"Saang ospital nga siya naka confine ?" kalmado pero may pagbabantang tanong niya.
"Hindi ko nga sasabihin sayo ! Bye na !" sabay alis ko. Muntik pa akong mabulunan nung hilahin niya yung kwelo ng damit ko patalikod dahilan para makahinto ako. Binitawan niya rin naman agad kaya lumingon ako sakanya.
"Ano ba ?!!!" sigaw ko sakanya. Muntik ko ng malunok adam's apple ko.
"Sasabihin mo ba o--"
"Parang awa mo na tantanan mo ako may kapatid pa ako--"
"Gaga--tinatanong ko lang kong saan siya nakaconfine !" sigaw niya. Nakakatakot naman tong babaeng to !
Hayst. Kagaya nung isang araw hindi niya talaga ako tinantanan. Inabangan pa nga ako sa gate ng skwelahan ko. Gusto kong tantanan niya na ako pero ayaw kong magpadalos-dalos. Baka kung akong gawin niya kay Selene. Tutor ako ni Selene at sa mga pinagdaanan namin , para ko na rin siyang kapatid.
"Ano ba kasing kailangan mo sakanya ha ?!" tanong ko. "Wala akong kilalang kaibigan ni Selene na gangster ha !"
"Gangster ?!" usal niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Ganito yun GAGA." usal ko at umalis na.
"Hoy !!!" tawag niya sakin pero hindi na ako lumingon.
YOU ARE READING
The Guardians of Moon (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 2)
Fantasy𝑇ℎ𝑒 𝑒𝑖𝑔ℎ𝑡 𝑔𝑢𝑎𝑟𝑑𝑖𝑎𝑛𝑠 𝑜𝑓 𝑚𝑜𝑜𝑛 𝑚𝑢𝑠𝑡 𝑏𝑒 𝑠𝑒𝑒𝑘. 𝐴𝑠 𝑡ℎ𝑒𝑦 𝑏𝑒 𝑓𝑜𝑢𝑛𝑑 𝑎𝑛𝑑 𝑔𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒𝑑 , 𝐿𝑎𝑑𝑦 𝑆𝑒𝑙𝑒𝑛𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒 𝑒𝑖𝑔ℎ𝑡 𝑔𝑢𝑎𝑟𝑑𝑖𝑎𝑛𝑠 𝑜𝑓 𝑚𝑜𝑜𝑛 𝑚𝑢𝑠𝑡 𝑠𝑒𝑒𝑘 𝑓𝑜𝑟 𝑡ℎ𝑒 𝑚𝑜𝑜𝑛 𝑐𝑟...