"Patayin mo ang babaeng yan" nag panting ang mga tenga ko ng marinig kong iutos nya sa isa sa mga kasamahan nya yun. Para akong tuod na hindi makakilos sa kinatatayuan ko sa mga sinabi nya, seryoso ba sya? Papatayin nya ko dahil lang hindi ko magawa ang inuutos nya, nahihibang na ang taong to!
Papatalikod na sya at magsisimula nang humakbang ng "T-teka gagawin ko na" kahit labag sa kalooban ko, ayokong mamatay ng maaga. Gusto ko pang maka graduate at makaalis sa impyernong School na to para kay Mama.
"Gagawin mo naman pala, ang dami mo pang arte" sabay nun ay ang pag ngiti nya ng nakakaloko, inabot nya ang baril sa direksyon ko. Agad ko iyong kinuha, saglit ko itong tinitigan. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak hawak ang bagay na ni minsan hindi ko naisip na mahahawakan ko sa buong buhay ko. Pero hindi dapat ako matakot, para san pa ang mga sinakripisyo ko para lang makasali sa Gang na to. Kung gusto kong mabuhay kelangan kong makisama sa mga halang na kaluluwang mga taong to. Kahit ang kapalit pa nun ay maging katulad nila ako. . .
Itinutok ko ang baril sa noo ng lalaking nakaupo habang nakagapos ang mga kamay nya. Pumikit ako at huminga, hanggang sa kinalabit ko ang gatilyo ng baril. Alam kong habang buhay kong pagsisisihan ang katangahan na to. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad habang naririnig ang palakpakan at tawanan ng mga kasamahan ko.
Ngayon lang ako nakakita ng mga Demonyong naka School Uniform . . .
BINABASA MO ANG
The Gangster's Submissive
Fiction généraleGusto ko lang naman ng tahimik at simpleng buhay, makatapos ng College. Gusto ko lang tupadin ang pinangako ko kay Mama bago sya mawala, I never imagined my life as a Badass Girl na sasali sa isang Gang, I didn't expect that my life would be Miserab...