Life

53 10 2
                                    

Life isn't full of surprises and happiness. Gifts and fancies. Wish and wanted.

Life is like a wheel it goes round and round. Not all the time you were on bottom nor on top. You weren't know how long you will be stuck and when to move. As long as you are trying to make a single motion, the chance might be with you.

We may be failed at first but is not the basis for us to stop. Not all fails are bad. Sometimes we deliberately fail because something bigger awaits us.

Laging nakatatak sa isip ko na ang katayuan sa buhay ay isa sa rason bakit marami ang nasa laylayan. Marapat na magtiyaga at magpursige dahil wala namang aasahan.

But one thing I knew, you are the one who gonna write your fate and God is with you while making it. Ikaw pa rin ang gagawa ng kapalaran mo.

"Attention participants. This is the last part of the competition and you will be having an hour to cook the designated Asian dishes assigned to each of you."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpakawala ng hangin dahil sa kaba. Ramdam ko na ang butil botilyang pawis sa noo habang nakikinig sa tagapagsalita sa harap. Normal ang kabahan sa mga ganitong contest ngunit hindi ko alam kung normal pa rin ba ang panginginig ng katawan at pamamawis ng kamay ko.

Yeasha ayusin mo! Dito nakasalalay ang pangarap mong makapag-aral sa isang unibersidad na wala ng gagastosin.

Siguro ay ganoon talaga ang mahihirap. Kailangan makipagsapalaran at gawin ang lahat bago magkaroon at makatanggap ng nais. Hindi kami mayaman. Sapat lang ang kinikita ni tita at side-line ko para mabuhay kaming tatlo.

Pero ni minsan ay wala akong sinisisi. Still, I am happy because we could still eat three times a day. Hindi rin pinaramdam nila na kulang kami. Na may kulang pa. I am more than contented on what I have right now. Gayunpaman kahit kontento na ako sa buhay naming tatlo gusto ko pa rin naman mabigyan silang dalawa ng mas maayos na buhay kapag nakapagtapos na ako.

Gaya nga ng sabi ko mahirap lang kami. At hindi ko hahayaang magiging gano'n lang kami hanggang dulo. Utang ko sa kanila ang lahat kaya magsusumikap ako para mapalitan ang lahat ng 'yon.

"Kinakabahan ako..."

Saka lang ako napawala sa iniisip nang may marinig akong nagsalita. Napabaling ako sa kanya at gaya ko gano'n din malamang ang nararamdaman niya.

Ilang minuto nalang at magsisimula na. May tiwala naman ako sa kakayahan ko pero sa sobrang dami at magagaling na mga estudyante ay parang napag-iiwanan ako. Ang iba ay halata mong determinado at halatang alam na alam ang gagawin na nagagawa pang ngumiti at kumaway sa mga kasamahan nila.

Samantalang ako, parang sinisilaban ang puwit at gusto nalang umalis na. Napapikit at napa-buntong-hininga ako dahil sa iniisip.

Isang angat ko pa ng tingin doon ko na nakita ang dalawang imahe ng taong tinanggap ako ng buong buo. Ang mga taong kailan man hindi ko narinig nagreklamo sa buhay. Kaya sino ako para mag reklamo ngayon?

"Mukang hindi ko naman ata ito kaya, tita. Hindi naman po ako magaling..."

Napanguso ako sa nais niya. Iniisip ko palang na sasali sa contest, abot talahiban na ang kaba ko.

"At sinong may sabi na hindi ka magaling, kakalbohin ko?"

Napakagat ako ng labi, iniiwasan na matawa sa sinabi ni tita. Hindi ko alam paano niya nagagawang maging kaswal gayong ang kaba ko mas mataas pa sa kanya.

"Kung hindi masarap ang luto mo, e di sana ngayon ay hindi tayo binabalik balikan ng mga customer natin."

Napanguso pa rin ako habang tinutuloy ang ginagawang paggagayat ng sibuyas habang nagsasalita si tita.

Warmest Ending (Stand Alone Novel)Where stories live. Discover now