Chapter 27: The Ball of Reveal (part 3)
I found a hint of jealousy in his voice.“uh..”
Yumuko sya at tumawa ng mahina.
“That fool, hindi talaga sanay tumupad sa usapan.” Narinig kong bulong nya sa sarili nya.
Tumingin sya saakin at muling ngumiti. A fake one.
Nagsayaw lang kami ng walang nagsasalita. Alam kong nakatingin sya sakin pero nakayuko lang ako o kaya naman ay nakatingin sa ibang direksyon. Pilit ko taagang iniiwas ang tingi ko sa kanya.
Ibang-iba ang aura ni Trey ngayon kesa kanina nang sunduin nya ko sa bahay.
Nang matapos yung tugtog yayayain ko sana sya na umupo na kaso naunahan nya ko.
“Tara sa labas? I need to tell you something.” Hindi naman ako makatangi kasi sincere yung mukha nya parang may importante syang sasabihin.
Lumabas kami. Dun kami pumunta sa pinuntahan ko kanina kaso mas malayong upuan yung inupuan namin.
Medjo tahimik dito kung ikukumpara sa loob.
“So kamusta na ba ang pinsan ko at ang kuya mo?”
“Okay naman sila.”
Yun na ba yung importante nyang itatanong? -___-
“That’s good.”
Ilang Segundo ding tahimik bago sya uli nagsalita. “Aimy, sino na ba ko para sayo?”
“Ano bang klaseng tanong yan?”
“Ako pa rin ba yung Trey na pinsan lang ng bestfriend mo?”
“ano ka ba syempre ka—“ hindi na nya ko pinatapos.
“Babalik na ko sa New York next week.”
No. not again.
Naramdaman ko ang mga nagbabadyang luha sa mata. Alam ko tutlo na sila kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
Isang malapit na kaibigan na si Trey kaya ayoko syang umalis pero sino ba ko para pigilan sya? Ni wala nga akong karapaten na pakielaman sya.
“I—“
“Bibisitahin ko nalang kayo paminsaminsan.”
“I don’t want to lose you. Haha.. di ako makapaniwalang sinabi ko yun. I’m a friend and that’s all I am.”
“shh.. tahan na. para ka namang bata dyan umiiyak ka pa.”
“yiee.. mamimis nya ko.” Sabi nya sakin.
“Sino bang hindi makakamiss sayo?”
“Yung pinsan ko? Haha.”
“Si Demi pa, ang init kaya ng dugo nun sayo. Ano ba kaisng ginawa mo dun?”
“I guess nasanay lang talaga ko na inisin sya simula pagkabata.”
“Kaya naman pala eh.” sabay batok ko sa kanya.
Isa to sa pinaka mamimiss k okay Trey. Kaya nyang baguhin ang mood ng isang tao in no time.
Naalala ko lang kasi si Stephen. Siguro nakalimutan nyo na sya no? pero ako, hindi.
Umalis na nga si Stephen pati ba naman si Trey?
Bakit ba lagi nalang akong iniiwanan ng mga taong napapalapit sakin?
“Next week na ang alis ko ah. Magpakabait ka.”
“Tignan mo! Ikaw tong tumatrato sakin ng parang bata eh.” sabay hampas ko sa kanya.
“Grabe ka sa gwapo kong to nagagawa mo lang akong hampasin. Tsk.” Saka nya pinagpag yung braso nya na hinampas ko.
“Pareho kayo ni kuya. Mga vain!”
“Hindi vain tawag dun. Honest.”
“yaaa! May pakindat kindat ka oang nalalaman dyan ah.” Aalis na sana ko ng bigla nya kong pigilan.
Parang ganto rin yung nangyari kanina wah!
Ano ito replay? -___-
“Seriously, magpakabait ka nga.”
“Sinabi nang—“
“Look, I’ve got to tell you something.” Tumigil sya sandali na parang nag aalinlangan. “No. wala ako sa posisyon paa sabihin yun sayo.”
“Just don’t attach yourself to Lawrence too much.”
Kasabay ng pag alis nya ay ang paglabas ng mga tao.
Sisimulan na pala ang fireworks, meaning tapos na rin ang Christmas ball na to.
=========================================================================
super ikli neto.
eto na yung last part dun sa chapter. meron pa kasi dapat akong irereveal kaso naisip ko baka sa chapter 29 nalang? haha.
V/C/F
July 6, 2013
A/N: magsisimula na uli akong mag update dito. pero natawa talaga ko nung binasa ko uli 'to. nung sinabi ni Trey na "don't attch yourself to Lawrence too much" tanong ko bigla..
"BAKIT??!"
okay. shunga na authour. nakalimutan ang plot XD
~bubblywater
BINABASA MO ANG
What's Good in Goodbye?
Teen FictionSome says goodbyes are the most painful part of meeting someone. one way or another you'll have to bid farewell. What's good in goodbyes? Let me tell you what.