Chapter 30:
"I can't believe dinala mo 'ko dito kuya!"
Nakadress pa man din ako tapos ang ganda ganda pa nitong sapatos ko tapos sa lugawan lang pala nya ako dadalin. Edi sana nag tshirt at shorts nalang ako.
Sobrang out of place naming ditto kaya naman pinagtitinginan kami ng mga tao!
Si kuya naman kasi! Ano bang pumasok sa utak nya? Tight ba sya ngayon??
Dito rin kaya nya dinadala si Demi pag nagdadate sila ni kuya? Grabe kawawa naman pala sya kung ganoon.
"Wag ka nan gang maingay dyan at umorder ka nalang. Masarap kaya dito." Binigay sakin ni kuya yung menu na nakalagay sa sang papel na nakalaminate. "Isa pong lugaw, tokwa't baboy at lumpia. Anong sa'yo Scar?"
Teka, teka, ano ba kasing saakin?
Hmm ang init init naman kasi eh. Ewan ko ba ditto kay kuya kung anong problema. Akala ko naman kung saan kami pupunta, may padatedate pa syang nalalaman.
"ah, kagaya nalang din ng sa'yo."
Kumain na kami at nagkwentuhan lang. syempre halos kalahati ng pinag usapan naming ay si kuya lang. napaka narcissistic talaga nya. Feeling ko nga malapit na syang maobsess sa sarili nya eh.
In fairness masarap naman talaga dun sa kinainan naming. Siguro kung sa isang ordinaryong araw ako dinala dun nu kuya baka lalo pang naparami yung kain ko.
"Nagtitipid ka ba kuya ha? Bakit mo naman ako sa lugawan pinakain ng breakfast tapos pinagsuot mo pa ako ng ganito?" tuuro ko sa damit ko.
"Bakit, hindi ka ba nasarapan sa kinain mo? Kulang na nga lang kainin mo yung luya dun sa lugaw eh." Mapang asar nyang sabi.
Nakooo konting konti nalang talaga papatulan ko na si Kuya!
Lumabas na kami ng lugawan pagkatapos magbayad ni Kuya.
"Nasa tagaytay tayo?!"
Tumingin ako sa paligid. Tagaytay nga ito hindi ba?
Nakikita ko yung Taal eh. Bakit hindi ko napansin kanina?
"I told you, I'm going to take you to your very first date that you won't ever forget Scar."
Hinila na ako ni kuya papasok ng sasakyan nya.
"Pero bakit ngayon ko lang napansin?"
"Natutulog ka on the way. Gaano katagal ka ba natulog?"
Nagkibit balikat nalang ako sa tanong nya. Who knows? Nagulat na nga lang ako umaga na eh.
"Don't ever cry like that for someone again Scar. Especially for somebody not worthy. No actually no one could ever be worthy of your tears." Tumigil sya sandal, deretcho lang ang tingin nya sa daan habang nagddrive. "well except for me of course." Then he winked at me with a smile on his face.
Oh my gosh!
Babatukan ko na talaga sya!
"sandali! Ihinto mo muna yung sasakyan kuya ata ayokong mabangga tayo kapag ginawa ko 'to!"
With that binatukan ko talaga sya with all my strength.
*
I know this. Alam ko kung bakit 'to ginagawa ni Kuya.
Simula pa lang alam ko nab ago natapos ang araw na 'to iiyan na naman ako.
Kasi aalis na si kuya.
Alam ko, at the end I'll have to say goodbye.
Pero sinubukan kong 'wag isipin para naman ma-enjoy ko yung last weekend namin. Hindi naman ako nahirapang gawin 'yun dahil kuya lived up to his word.
BINABASA MO ANG
What's Good in Goodbye?
Teen FictionSome says goodbyes are the most painful part of meeting someone. one way or another you'll have to bid farewell. What's good in goodbyes? Let me tell you what.