- S A F A R A -
"Ready?"
Isang tango ang ginawa ko at umakyat na sa maliit na stage. Medyo dim pa ang ilaw sa paligid. Kaagad akong humarap sa piano at may ngiting inilibot ang tingin sa aking harapan. May mga pamilyar na mukha ang aking nakikita mayroon ding mga bago. Kunsabagay, hindi naman ako madalas na pumupunta sa bar na 'to.
Pinuwesto ko ang aking kamay sa piyesa at marahang hinaplos ang ibabaw niyon. Hanggang sa paunti-unti kong idinidiin ang aking mga daliri at naglilikha iyon ng malamyos na tugtog kasabay ng pagbungad ng maliwanag na ilaw sa direksyon ko.
Nakangiti pa rin na nailibot ko ang mga tingin sa aking paligid. Hiniling ni Ate na kantahin ko raw tong kantang 'to dahil sa may nagrequest sa kanyang costumer kanina. Paminsan-minsan naman din akong kumakanta sa bar na to na pagmamay-ari ni Ate Delisa. Nang mabaling ang mga mata ko sa iisang costumer na nakaupo dalawang mesa ang pagitan lamang sa'kin. Nakayuko ang ulo nito, may mga kasama naman siya ngunit tila ba lumilipad ang isip nito.
Napapikit ako at pinili na lamang na ituon ang atensyon sa pagtipa sa piyesa at nagsimulang kumanta.
Mahal, sana'y pakinggan mo ang awitin kong ito
Na handa akong magbago para lamang sa iyo
Lahat ay aking gagawin, 'wag ka lang mawalay sa 'kin
At ang puso't isip ko sana'y iyo ding angkininPagmulat ko, saktong napatuon sa direksyon nito ang mga mata ko. Nagkasalubong ang aming mga tingin na ikinabog bigla ng dibdib ko.
At maramdaman mo sana ang pag-ibig sa iyo
'Di sayangin ang pag-ibig na inalay mo
At handa ko pong baguhin ang lahat-lahat sa akin
Mahalin mo lang ako, 'yan lang ang tangi kong hilingHindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalis-alis ang mga tingin dito. Bukod sa maganda ito ay higit na nagpapakuha ng atensyon ko ay kung papaano kalungkot ang mga matang iyon. Tila dama ko kung gaano kabigat ang nasa loob nito na hindi ko maipaliwanag pero ambigat sa pakiramdam. Pansin ko rin ang pag-iwas ng tingin nito sa direksyon ko.
Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'toNapapikit ko nalang ang mga mata't pinilit na iwaglit ang kung anumang bumabagabag sa loob ko. Baka nadala lang ako sa kinakanta ko.
Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong itoMuli ay tumingin ako sa mga taong tahimik at buong paghangang nakikinig sa'kin. Tipid na ngumiti ako sa mga ito. Maging si Ate Delisa ay napathumbs-up. Isa siya sa mga sumusuporta sa'kin nung lumihis ang landas ko. Isa akong business ad grad pero dahil mahal ko talaga ang pagkanta ay hindi ko ginamit ang kursong kinuha ko. Isa akong lead vocalist sa isang banda. Hindi na rin kataka-taka kung bakit hanggang ngayon ay disappointed pa rin ang mga magulang namin sa'kin. Muli ay napapikit ako na ipinagpatuloy ang aking pagkanta.
At ngayon alam mo na, tibok ng puso mo, sinta
At ikaw lang ang lalaki sa 'king nagpapasaya
Sana'y malaman ang pag-ibig na inalay ko sa 'yo
At ikaw ang dahilan kaya ako ay nagbabagoTanging hiling sa Maykapal na tayo pa ay magtagal
Pangako ko sa 'yo mahal, ihaharap ka sa altar
At salamat nga pala sa mga kaibigan ko
Na nagpapasaya sa akin 'pag pinapaluha mo
BINABASA MO ANG
- I N E V I T A B L E -
Short Story× × × ONE SHOT STORY × × × She saw me. She saw me at my darkest moment. Mom died and I caught my boyfriend cheated on me. She was there. Every time I hear her voice, unti-unting napapawi ang bigat at sakit na nararamdam ko. Every time I saw her sm...