~BUHAY ACCOUNTANCY STUDENTS~

369 7 4
                                    

Simula pa lang ang umaga

Hagard na ang itsura

Salamin ay di kilala

Pagkat mukha'y halos di maipinta

Naglalakihang eyebags sa mata

Kitang-kita ang ebidensiya

Aklat na isang dosena

Bitbit ng isang brasong parang patpat na

Sa pagpasok n'yo sa umaga

Mga Accountancy Students inyong makikita

Sa Hallway, naglalakad...nakatulala

At minsa'y mag-isang nakatulala

Subsob sa pag-aaral tuwing umaga

Sa gabi, kelangan pa ring magbasa

Ilang kape na ba ang naubos nila?

Para lang matapos ang isang pahina??

Kalusuga'y pinagwalng-bahala

Basta matapos lang ang ginagawa

Di bale nang di makapag-agahan

Wag lamang bumagsak sa exam

Ilang gabing pagpupuyat

Para na tuloy butot't balat

Kaya minsa'y nasagi sa aming isip...

Ganito ba talaga ang buhay Accountancy Students??

~BUHAY ACCOUNTANCY NOT ONLY AS STUDENTS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon