CB || Harana ♡

317 16 7
                                    

[Chanbaek]

    "Ilang kilo ba ng katangahan ang meron ka at hindi mo maintindihan na ayaw ko sa'yo?!" sigaw ni Baekhyun mula sa bintana ng bahay nila. Inis na inis na siya dahil gabi gabi na lang kung mambulabog-este, mangharana si Chanyeol sa labas ng apartment niya.

     "Hinding hindi ako magsasawang patunayan sa iyo na ika'y aking minamahal." sagot naman ni Chanyeol at lumuhod. "Mahal kita, Baekhyun." ani nito at siya namang ikinainis pa lalo ni Baekhyun. "Ewan ko sa'yo! Umuwi ka na!" sagot nito sabay sarado ng bintana. Malungkot na tumayo si Chanyeol at nakayukong umalis. Pang ilang beses na ba siyang binasted ni Baekhyun? Sa pagkakaalam ko, pang singkwenta na yata.

     Nakakunot ang noo ni Baekhyun habang kumakain ng mansanas at naglalakad palabas ng campus ng eskwelahan. Iniisip niya na darating nanaman mamaya ang kanyang masugid na manliligaw na si Chanyeol. "Balita ko may bago na daw 'yang ex mo." turo ni Luhan sa lalaking nakaupo sa bench. "Pakialam ko?" sagot naman ni Baekhyun at inirapan ang kaibigan. "Sus, pero deep inside eh hindi ka pa rin nakakapagmove-on diyan kay Jongin." nakangising sagot ni Luhan kaya't nakatanggap siya ng kutos mula kay Baekhyun "Sino naman ang makating tao ang pumatol sa kanya?" tanong ni Baekhyun. "The campus slut, Do Kyungsoo." sagot ni Luhan. Di napigilan ni Baekhyun ang sarili at ibinato niya ang mansanas sa mukha ni Jongin. Tinamaan naman ito at tinignan siya ng masama nito.

     "What the hell is your problem?" nakangising tanong ni Jongin kay Baekhyun nang nilapitan siya nito. "Nakakasira kasi ng umaga 'yang pagmumukha mo eh." sagot naman ni Baekhyun. Isang buwan na ang nakalipas nang nakipaghiwalay si Jongin sa kanya. "Oh talaga? Pero noong tayo pa, dinig na dinig ko kung paano mo isigaw kung gaano ako kagwapo kapag ginagawa natin 'yun sa kwarto ko." nakangising bulong ni Jongin. Agad namang kumulo ang dugo ni Baekhyun. Bitter pa rin siya at nais niyang sabunutan si Kyungsoo na papalapit na ngayon sa kinaroroonan nila.

     "Hi, baby~" bati nito kay Jongin at hinalikan ito sa labi na tila wala silang ibang kasama ngayon. "Ugh, slut." bulong ni Baekhyun at hinatak si Luhan papalayo ngunit narinig ito ni Kyungsoo. "I heard that, you bitch." sabi nito at hinila ang buhok ni Baekhyun.

       Maglilimang minuto nang nagsasabunutan ang dalawa at napapaligiran na rin sila ng ibang estudyante. "Walanghiya ka!" sigaw ni Baekhyun sabay suntok sa tagiliran ni Kyungsoo. "Haa, ano?! Di mo matanggap na may iba na si Jongin? Bakit? Kasi mahal mo pa siya? Eh malandi ka pala eh! Uso magmove on 'te!" sagot naman ni Kyungsoo at kinalmot nito sa pisngi si Baekhyun. "Ikaw ang malandi! Makati ka! Isa kang higad!" sigaw ni Baekhyun at siniko si Kyungsoo sa tiyan. "Tanggapin mo na kasi na wala na kayo! Na ayaw na sayo ni Jongin! Wala siyang mapapala sa isang tulad mo!" nakangiting sagot ni Kyungsoo at akma nang susuntukin ni Baekhyun ito sa mukha nang biglang dumating si Chanyeol at hinila palayo si Baekhyun.

     "Bitiwan mo ako!" ani nito habang sinusuntok suntok si Chanyeol sa dibdib. Nandito sila ngayon sa isang playground kung saan silang dalawa lang ang tao. "B-Bitiwan mo ako..." umiiyak na sambit ni Baekhyun kaya niyakap siya ni Chanyeol. "Ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan dahil sa kanya." bulong ni Chanyeol. "Hindi dapat sinasaktan ang isang tulad mo. Ang dapat sa'yo ay binubusog ng pagmamahal at pagaalaga. Hindi ka dapat ginagago tulad ng ginagawa sa'yo ng tarantadong 'yun." dagdag ni Chanyeol. "B-Bakit ako ang mahal mo? Marami namang iba jan, pero bakit a-ako?" nauutal na tanong ni Baekhyun habang hinahayaan si Chanyeol na yakapin siya. "Dahil ikaw ang pinili ng puso ko, Baekhyun. Handa akong hintayin ka, kaya kong maghintay para sa'yo. Alam kong si Jongin pa rin 'yang nilalaman ng puso mo pero para sa'yo, maghihintay ako." sagot ni Chanyeol. "P-Pero..." natigil sa pagsasalita si Baekhyun nang ilabas ni Chanyeol ang gitara niya.

     "Uso pa ba ang harana?
      Marahil ikaw ay nagtataka
      Sino ba 'to, mukhang gago
      Nagkandarapa sa pagkanta
      At nasisintunado sa kaba

      ...
 
      Puno ang langit ng bituin
      At kay lamig pa ng hangin
      Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw
      At sa awitin kong ito
      Sana'y maibigan mo
      Ibubuhos ko ang buong puso ko
      Sa isang munting harana para sayo~"

     Nakangiting nakatingin si Baekhyun kay Chanyeol nang matapos siyang haranahin. "Tutulungan kita, Baek. Pero sana hayaan mo akong mahalin ka kaya't maaari ba kitang ligawan?" nahihiyang tanong ni Chanyeol. Pinunasan naman ni Baekhyun ang kanyang mga luha at tumango. Niyakap naman siya ni Chanyeol, "Hinding hindi mo pagsisisihan ang bawat oras na magkakasama tayo, Baek. Mahal kita kaya't handa akong maghintay kung kailan ka pwedeng magmahal ulit. You're worth waiting for." nakangiting sabi ni Chanyeol. Humiwalay naman si Baekyun  sa pagkakayakap. "Salamat." sabi nito at ngumiti. "Salamat dahil nandito ka. Pasensya ka na kung lagi kitang natatarayan." dagdag nito. "Gusto ko lagi mo akong haharanahin ha?" nakangiting sambit ni Baekhyun.

      Ngumiti naman si Chanyeol at kinuha ulit ang gitara,"Kahit ano, basta para sa'yo." 

-

Ohmaygahd shet! Kinikilig talaga ako kay Park Chanyeol ( ꈍ ▿ ꈍ)‧₊°♡

Inspired sa kantang Harana ng Parokya ni Edgar

Ughhh, Chanyeooool (⊃≧□≦)⊃♡♡♡

g a l a x y .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon