Prologue

3 0 0
                                    

Isa akong simpleng babae. Tahimik,nag-iisa at libro lang ang kaibigan. Iwan ko ba kung bakit ako nagka-ganito! Basta ang alam ko,nagsimula ito nung nalaman ko ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Nabuhay pala ako sa mundong puno ng kasinungalingan. Hindi nila ako tunay na anak, ni hindi nga kadugo. Isang disgrasyada ang nanay ko,buntis na siya sa akin nang magkakilala sila ni tito James.

Si tito James sana ang tatayong ama ko noon,kaso namatay siya sa isang aksidente.

Habang namatay naman si nanay sa panganganak sa akin. At dahil walang anak sina Nana at Dada,kinupkop nila ako, minahal at inalagaan. Kaya hindi ako galit sa kanila,pero malaki ang pagbabago sa akin. Ayaw kong makipagkaibigan, gusto kong mapag-isa,ayaw kong mahusgahan ng iba,takot ako.

Ngunit sa paglipat ko ng paaralan,isang lalaki ang babago sa takbo ng buhay ko. Isang lalaking gugulo sa tahimik kong mundo.

Ako si Lhuwela Santiago, mas kilala ako bilang 'loner girl', saksihan niyo ang kwento ng buhay pag-ibig ko.







-Jennpia

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loners' CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon